Chapter 7

3.2K 169 2
                                    

Simula non sinasamahan ni JR ang ama sa mga meeting nito. Kahit papano pakiramdam naman ni JR bumabalik ang sigla nya sa trabaho. Naging busy siya sa mga trabaho sa resort, madalas silang magkita ni Dei, maayos naman ang pakikitungo nila sa isa't isa. Pero iba pa rin ang closeness nito sa kanyang ama at kapatid. At bawa't hapon tulad ng nakasanayan na ng mga staff, makikita na naglalakadlakad si Dei sa beach, nanood ng sunset at muli't muli ding dumarating ang kuya nya para samahan ito at ang daddy nya para isayaw ito.

Isang araw, tapos na ang event ng hapon na iyon ng mapadaan sya sa Lobby lounge at makita si Dei. Nakaupo ito sa isang couch kausap si Vinz. May mga pasa ito sa braso, may kung anong sugat sa labi, namumula ang pisngi at namamaga ang mata. Makalipas ang ilang minuto umalis na ito at tinahak ang daan papunta sa cottage nito. Kahit nagtataka hindi umimik si JR ayaw naman nyang makialam. Dumaan ang sunset pero hindi nagpunta si Dei para panoorin ito. Bandang hapunan pagpunta ni JR sa Ramone's para kumain inabutan niyang magkasabay na kumakain si Ram at ang kanilang ama. Bumati siya sa mga ito at naupo para sumabay sa hapunan.

Sir Simon: O halika ng kumain hijo.

Ram: kamusta naman ang araw mo?

JR: Ok naman, naipakita din namin ang Resort video at nakapagpamigay din ng liflets sa mga events so hopefully may makuhang clients from that. Tapos Dad may promo kaming inilabas tied up with Metro Deal on 3 days/2 nights accommodation.

Sir Simon: Oo nakita ko nga, mabuti yon anak. Kamusta may response na ba?

JR: Itatanong ko ho kay Dei kapag nagkita kami, hindi ko siya nakita maghapon eh.

Ram: Masama ang pakiramdam tumawag sa akin.

JR: Kaya naman pala wala tayong sunset scene today.

Sir Simon: Hayaan na ninyo si Dei, mga anak may mga bagay na marahil ay hindi ninyo naintindihan tungkol sa kanya pero pabayaan na ninyo.

Matapos kumain ay nagpaalam na ang kanilang ama. Naiwan si Ram at JR na walang imik hanggang hindi nakatiis si JR

JR: Kuya kapag pinupuntahan mo si Dei sa hapon don sa beach, anong pinaguusapan ninyo?

Ram: Kung ano-ano lang, kinakamusta ko lang at mga random thoughts about the day at kung bakit may sunset. I know you think its crazy pero alam kong sa ganong paraan ko lang sya matutulungan. Kasi kapag nandon she feels alone most and I don't want her to feel that way.

JR: Kuya totoo bang may gusto ka kay Dei?

Natawa si Ram.

Ram: Madali namang magustuhan ang pagkatao ni Dei. Mabait, matalino, malambing kaya nga gusto siya ng mga tao dito eh. Pero kung itinatanong mo kung attracted ako sa kanya, hindi, she's really like a sister to me. Pero totoong crush ko sya noong nagmamasters pa ako, ang cute kasi eh.

JR: Lasalle graduate siya?

Ram: Oo, hindi mo alam? I think nagpangabot kayo, 2 years lang naman tanda mo sa kanya eh.

JR: Capili ang last name nya di ba? Iisa lang ang naaalala kong Capili yung lower year na laging kasama sa competition na nakasalamin, kung tawagin nila si Gia the brain.

Ram: Sya yon mismo! Ang buong pangalan nya ay Dei Gianne Capili. Everyone calls her Gianne nung college kaya Gia the brain.

JR: Pero taga Manila yon, pano napadpad si Dei dito?

Ram: Hindi nga sya taga dito, pero hindi na sya umalis dito simula ng malunod ang Tatay niya. Nagbabakasyon ang pamilya niya dito, nakabook for 4 nights, makikita mo silang masaya at ang sweet ng parents nya kaya talagang nakakagulat nung huling araw nila bago lumubog ang araw umalis ang Nanay nya sakay ng bangka. Nakita ng Tatay niya kaya lumangoy ito para habulin hanggang sa nalunod ito. Ang masakit ni hindi lumingon ang Nanay nya.

by the seashoreTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon