Chapter 66

3.9K 174 20
                                    

Makalipas ang 3 araw, nakalabas na ng ospital si Krizza at sinabihan si Dei ni Krizza na huwag mawawala sa darating na sabado para sa isang dinner na ipinahanda  ni Ram para sa ilang piling kaibigan.  

Nang dumating ang araw ng sabado, niyaya siya ni Gina para magpunta ng parlor para sa event na yon. 

Dei:  Mama naman para isang dinner lang with family and close friends yon bakit kailangan pa nating magpahair and make-up?

Gina:  Dahil kilala naman natin ang mga kaibigan ng mga Perez, hindi basta basta at ayokong masapawan nila ako, artista ako kaya kahit gaano pa kasimple yung event I need to be fully made up at anak ka ng artista kaya you should be too.

Wala ng nagawa si Dei kung hindi sumunod sa Ina.  Halos alas sais na ng gabi ng makabalik sila, Nagmamadali ng nagbihis ang dalawa.  Isang black na sabrina blouse with long sleeves flair ang blouse ni  Dei at royal blue na balloon mini skirt at nakaflat na strappy leather sandals. Isinuot din niya ang set ng alahas na binigay ni Sir Simon noon sa kanya. 

Nang pumunta siya sa Garden, nandon na ang pamilya Perez, nandon din si Sam kasama ang magulang nito nakaupo sa isang lamesa kasama si Sir Simon at Gina. Nagmano at bumati si Dei sa mga ito.  Nandon din si Vinz, Jessa, Kathy, Liza, Shaina, Allan, Greg, Dianne at David.  Tuwang tuwang lumapit at niyakap ni Dei ang mga ito. Nandoon din ang ilang staff sa opisina, si Walter, Henry at ang mga head ng iba pang department.  Nang bumaba si Krizza at Ram karga ang anak, isa-isang inilapit ito sa mga bisita habang panay naman ang kuha ni Dei ng mga litrato ng mga ito. Mayamaya dumating sila Uno at Maxine. Sinamahan sila ni Dei sa isang lamesa.

Uno:  Nasaan na si JR?

Dei:  Naku, ewan ko ba don, alam naman na may dinner tonight hindi na lang iniresched ang meeting niya.  Mabuti nakarating kayo?

Maxine:  Actually si JR ang nag-invite sa amin.  Mukhang masayang masaya sila Ram at Krizza kaya may welcome party pa si Reizie.

Dei:  Ang tagal naman na kasi nila hinintay na magbuntis kaya talagang very thankful sila sa blessing na ito.

Mayamaya nagsalita na si Ram.

Ram:  Good evening everyone, salamat sa pagdalo kahit na in short notice lang. Gusto lang namin kayong makasama sa  araw na ito bilang pasasalamat sa Diyos at pagwelcome na din kay Reizie sa aming pamilya.  Pagdamutan niyo na po ang munting hapunan na inihanda namin para sa inyo.  Dinner is served.  Pero hindi po sa dinner natatapos ang celebration natin. Mamaya ho ipapakita naman sa inyo ang video ni Baby Reizie simula ng araw na ipinanganak siya at may mga inumin po tayo na ise-serve para sa inyo.

Nasa kalagitnaan ng hapunan dumating si JR.  Pagkatapos magbigay galang sa mga matatanda nagpunta ito sa lamesa nila Dei. 

Uno:  Ano ka ba naman bro napakaworkaholic mo naman.

Maxine:  Pero in fairness parang blooming ka JR?

JR:  Ganon talaga kapag totoong masaya.

Inakbayan nito si Dei.

Dei:  Kuha ka na ng food at sabayan mo na kami.

JR:  Mamaya na lang. Hindi pa naman ako gutom. Hon, kamusta ang mood mo?

Dei:  Kung hindi ka pa dumating maiinis na ako eh. Buti nga dumating na sila Maxine eh

JR:  Hindi nga? sorry na Hon. Huwag ka na magtampo may inasikaso lang ako. Dave pahingi na nga ng wine please.

Uno: Ok ka lang ba bro?  Bakit parang hindi ka mapakali?

JR:  Yung video kasi ni Reizie ako ang gumawa, kinakabahan ako baka mamaya palpak eh.

by the seashoreTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon