Masaya naman ang mga sumunod na araw sa buhay ni Dei at JR. Sabay silang pumapasok ng opisina, magkasabay kumakain ng tanghalian at sabay na naghahapunan. Si JR naging mas maalalahanin, mas sweet kapag silang dalawa lang. Si Dei, naging open siya kay JR tungkol sa lahat ng bagay sa buhay niya. Wala na siyang inililihim sa kasintahan. Napasok na ni JR ang puso ni Dei. Isang bagay na ramdam na ramdam ng dalaga. Walang oras na hindi niya naiisip si JR sa bawat desisyong gagawin niya, napapanaginipan na niya ang buhay nila ng magkasama. Sa mga pagkakataong bigla itong nawawala o hindi niya alam kung saan pumunta, palagi na siyang nagaalala. Kulang na ang araw niya kapag hindi niya ito nakikita at alam niya, ramdam ng puso niya ang pagmamahal niya para kay JR.
Mabilis din na natapos ang pagrenovate sa Home Cuisine. Puro finishing touches na lang ang ginagawa sa location. Hinihintay na lang ni Dei ang delivery ng mga furnitures at stainless steal equipments. Kumpleto na din ang lahat ng staff para sa restaurant. Isang tanghali na may meeting si JR at magisang magla-lunch si Dei, naisipan niyang yayain si Joanne, ang sekretarya ng mga Perez. Hindi naman nagdalawang isip itong sumabay sa kanya.
Joanne: Alam mo Ms. Dei natutuwa talaga ang mga empleyado dito sa Cafeteria natin pati na sa shuttle. Kaya halos lahat sila masayang nagtatrabaho at pinagbubutihan ito.
Dei: Mabuti naman kung ganon. Dati din akong empleyado kaya alam ko ang mga hinaing ninyo. Joanne, matagal ka na ba dito?
Joanne: Opo Mam, mga 9 years na po.
Dei: You must have known the Perez brothers very well. I hope you don't mind me asking, inabutan mo si Ms. Chelsea? How was Richie nung nandito pa siya.
Joanne: Opo Mam, pero hindi ko po siya ganon kakilala. Hindi naman po kasi namin siya nakakasalamuha ng ganito eh. Lagi lang po siyang kasama ni Sir.
Dei: Ah ganon ba
Joanne: Pero nung time na yon seryoso po palagi si Sir kahit kasama siya. Sweet din naman po sila pero hindi po nakikipagbiruan si Sir sa mga empleyado kasi sabi ni Ms. Chelsea, he should be professional sa mga staff. Ibang iba po si Sir noon eh. Ang totoo po, mas gusto namin si Sir Richie ngayon. Laging nakangiti, seryoso sa trabaho pero maaliwalas ang mukha.
Dei: That's good.
Joanne: Tingin po namin masaya siya sa inyo.
Ngumiti lang si Dei. Hinawakan ni Joanne ang kamay niya.
Joanne: Ms. Dei may problema po ba kayo?
Dei: Wala, its just a me problem. Mahirap kapag alam mo kung gaano kamahal ng bf mo and ex niya noon. Can't help but get insecure sometimes. Parang tanga lang no? Lalo na kapag alam mo ikinocompare kayo tapos alam mo dehado ka.
Joanne: Naiintindihan kita Mam, pero like what I said, mas masaya siya ngayon kaysa noon. Kaya kahit gaano ka pa kadehado sa tingin mo at ng iba. Lamang ka pa rin kasi mas napapasaya mo siya.
Dei: Thanks Joanne, I really needed that.
Nang matapos kumain sabay silang bumalik sa opisina, dinatnan nila si JR don na nakikipagkwentuhan sa mga staff.
JR: Where have you been ladies?
Dei: Naglunch lang, ikaw kumain ka na?
JR: Early lunch, don sa meeting. Hindi naman masarap, mas masarap pa rin ang luto mo.
Dei: Lakas mo mangbola ha, basketball player ka ba?
Henry: Sir oh binabasag ka ni Mam.
JR: Ganon? sige wala kang pasalubong.
BINABASA MO ANG
by the seashore
RomanceThey say Love can either make or break you. Read how JR and Dei broke their hearts and how they learned that love can teach you a lesson or two.