Chapter 21

3K 135 2
                                    

Nanatili sila sa Balinghai ng buong maghapon na yon.  Hindi magkandamayaw ang kasiyahan sa mukha ni Dei kaya masaya si Sir Simon na kahit papaano ay napasaya niya ang anak-anakan pati na sila Ram, Krizza at JR.  Simula nag mamatay ang kanyang asawa hindi na din naman sya nagkaron ng pagkakataon na makasama ang mga ito ganitong pagkakataon.

Sir Simon:  Mukhang nagustuhan ng mga anak ko ang lugar mo Rodrigo.  Ibigay mo sa akin ang pinakamagandang presyong maibibigay mo at magkakasundo tayo.  

Mang Rod:  Hayaan mo at kakausapin ko ang asawa ko. Maiba ako ano bang balak mong gawin dito kapag nabili mo?

Sir Simon:  Dito ko itatayo ang beach house na pinangarap ng nasira kong asawa at dito na ako magreretiro kasama ang mga anak ko.  Tama naman na siguro ang dalawang resort hotel na meron ako para mabuhay ng maayos hindi ba? Kaya kapag natapos ang bahay ko dito, panonoorin ko na lang ang mga anak ko at magiging apo na naglalaro sa harap ng bahay ko.

Napangiti si Mang Rod sa narinig, hindi niya akalain na ang mayamang don ay simple lang pala ang pangarap sa buhay.

Mang Rod:  Matutuwa ang asawa ko na malaman na tirahan ninyo pala ang itatayo ninyo dito.  Ang totoo Señor ayaw ibenta ng Misis ko ang lugar na ito dahil ayaw niyangmasira ang kagandahan ng lugar na ito.  Kung hindi nga lang, kailangan na naming pumunta ng America at walang magaasikaso dito hindi namin ibebenta ang lugar na ito. Kaya alam kong matutuwa siya na tahanan ninyo at hindi isang resort ang balak ninyong itayo dito.  Halika at ipapakita ko sa yo ang kabuoan ng lugar pati ang kalsada at kabahayan sa likod nito.

Sir Simon: Sige, teka at isama natin ang dalawang anak kong lalaki. Sila ang magaasikaso ng plano ng lugar at pagpapatayo nito kaya dapat na makita nila.  

Tumayo si Sir Simon at tinawag si Ram at JR para samahan siya. Nagpaalam naman ang dalawa kay Vinz at Sam.

Ram:  Vinz paki sabi kila Krizza sasamahan lang namin ang Daddy.

Vinz:  Oo sige

JR:  Sam bantayan mo yang dalawa ha, baka mapunta sa masyadong malalim.

Sam:  Akong bahala hindi ko hihiwalayan yang mga yan.

Mga isang oras pang naglangoy, nagsnorkel ang apat ng makaramdam ng pagod. Umahon si Dei at Krizza at nakitang iisang lalaki na lang ang nakaupo sa tabi ng lamesa na inuupuan ng kanilang ama kanina at wala din sila JR at Ram

Krizza: Vinz, nakita mo kung saan nagpunta sila Ram?

Vinz:  Oo sinamahan si Tito para tignan ang buong lugar.

Sam:  Ano magmeryenda tayo at magsimula ng magihaw?

Dei:  Oo nga para pagdating ng Daddy, makakakain na ng tanghalian.

Umakyat sa Yate si Vinz at Sam at nagpatulong kay Mang Roger na ibaba ang cooler at ang portable na ihawan at mga pagkain.  Nakita naman ito ng  lalaki sa may lamesa lumapit ito sa kanila nagpakilala sa pangalang Melchor at sinabing kukunin lang ang balsa para madaling madala sa pampang ang mga gamit. Mabilis naman nilang naibaba ang mga gamit.  Tinulungan ni Melchor si Sam na magpadingas ng uling at magihaw.

Vinz:  Oy kayong dalawa, masyado ng mainit ng araw dito na kayo may sandwich dito at nachos.

Kumuha si Vinz ng limang canned soft drinks at binigyan ang lahat ng nandon.

Naupo si Dei sa isang beach chair, nagsuot ng sunglass at inilatag ang katawan at nagtakip ng towel mula sa bewang hanggang hita, nahiga din sa katabing beach chair si Krizza.

Vinz:  Ano napagod na kayo no?  Sige umidlip na muna kayo kami ng bahalang magayos ng pananghalian.

Makalipas ang isang oras bumalik na sila Sir Simon, JR at Ram kasama si Mang Rod at ang asawa nitong si Mayla na may bitbit na kasirola. Natapos na ding magihaw sila Sam at Vinz at nakahain na ang pagkain sa lamesa.

by the seashoreTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon