Dalawang buwan ang nakaraan, sa loob ng panahong yon madalas na makikitang magkasama si Uno at Dei. Namamasyal, nagje-jetsi, nag helmet diving, para sailing o kaya naman ay nakatambay sa beach habang nanonood ng sunset. Madalas din silang lumalabas para magdinner sa iba-ibang lugar tulad ng shangrila, Nami at Boracay beach club. Masaya sila sa company ng isa't isa. Si JR naman paminsan-minsan lumalabas sila ni Shaina at palaging kadouble date nila si Vinz at Jessa. Habang palapit ng palapit ang bakasyon, lalong dumami ang nagpapabook sa Destiny. Binuksan na nila ang 10 floors na annex building na katatapos lang gawin para maaccommodate ang guests. Pinagawa ni Dei si Krizza ng design para sa mga bagong rooms at ipinakita kay Sir Simon.
Dei: Dad, tignan mo to? Ang ganda di ba?
Sir Simon: Oo nga, parang yung design din ng old rooms pero modernized. Sinong gumawa nito?
Dei: Isang bagong designer po. Naisip ko ho kasing bigyan siya ng chance. Sayang ang talent niya eh. Kung okay lang sa inyo, siya na ang kukunin ko to design annex. Taal na taga dito po sa Boracay si Anne. Mura na ang talent fee, maganda pa ang design hindi ba? Kung sa iba ko ipagagawa ito dad triple ang presyo nito.
Sir Simon: That's good Hija at natulungan pa natin ang batang yan. Sige that's a go.
Dei: Thanks dad!
Walang kaalam-alam kahit sino na ang designer ay si Krizza, her full name is Krizza Anne Bonifacio. kahit si Ram, wala ding alam. Araw-araw na nagpapahatid sa kanya si Krizza sa Resort pero ang alam lang nya close na kasi ito kay Dei at ang sabi ni Krizza kaysa naman nakatunganga siya sa bahay, don na lang siya para matulungan si Dei kahit sa pagbabantay lang sa kitchen.
Malaki din ang perang ibinayad ni Dei kay Krizza para sa design niya sa rooms. Naisipan nilang dalawa na humanap ng pwesto para sa Botique ni Krizza. Nakakita naman sila ng lugar sa D'Mall. Iyon naman ang inayos ni Krizza. Gumawa siya ng portfolio at ibinigay kay Dei. Ipinakopya ito ni Dei para ibigay kay Shaina at iba pang Events coordinator na kilala niya. Isang araw, tumawag si Shaina, may client ito na gustong makita ang ilan sa design ni Krizza. Pumunta si Krizza sa shop at ng makita ng kliyente ang design niya nagustuhan nito ang isang wedding gown worth thirty thousand. Agad itong nagdownpayment. Kinabukasan lumuwas si Krizza sa maynila para mamili ng materyales.
Nung hapon na yon nasa beach front resto ang magaama at nagmemeryenda. Umupo si Dei sa tabi ng ama-amahan.
Sir Simon: Oh ano napagod ka na din?
Dei: Medyo dad.
Ram: Akala mo naman kasi si Superwoman ka, you're all around the place. Pati naman si Krizza nahawa na sayo, kagabi may tinatapos daw na trabaho.
Dei: Buti nga nandyan si Krizza eh, may katulong ako sa kitchen.
JR: Tapos panay pa ang date nila ni Uno. Ginagabi kaya ng uwi yan Dad. Kaya napapagod kasi laging puyat.
Dei: Sumbungero ka talaga.
Sir Simon: Hija baka naman magkasakit ka na sa ginagawa mo. Tell Uno wag namang araw araw.
Pagdating ng alas sais ng gabi dumating si Uno.
JR: oh kita nyo ayan na naman
Dei: Inggit ka lang.
Uno: Good evening Tito.
Sir Simon: Uno, may lakad kayo? Hijo baka naman araw-araw mong pinupuyat ang dalaga ko
Uno: Hindi po Tito dito lang kami sa beach, manonood ng sunset. uuwi po kasi ako ng Manila bukas baka two weeks din po akong mawawala, magpapaalam lang.
Sir Simon: Ah ok sige na.
Tumayo si Dei at naglakad kasabay ni Uno, lumingon pa ito at dinilaan si JR.
BINABASA MO ANG
by the seashore
RomanceThey say Love can either make or break you. Read how JR and Dei broke their hearts and how they learned that love can teach you a lesson or two.