Nakiusap si Sir Simon kay Gina kung pwede silang sumama sa tahanan nila at doon magpalipas ng gabi para makasama naman nila si Dei ng weekend na yon. Nagpaunlak naman si Gina. Sakay ni Ram sa kotse nito si Sir Simon, Gina at Krizza. Sakay naman ni JR si Dei, Vinz at Sam.
Dei: Pwede ba tayong dumaan sa grocery? I just need to buy ingridients para sa birthday cake ni Daddy, birthday niya sa Monday di ba
JR: That's right. Alam mo ang birthday ng Daddy?
Dei: Yup, although ayaw niya ng nagcecelebrate kasi daw tumatanda siya lalo. Eh makulit ako so every year I make a cake for him. Not to sweet cake just for him.
Vinz: I think alam ni Dei ang birthdays ng lahat ng taong malapit sa kanya.
Dei: I try to remember, like I know for sure Vinz, Sam and Ram's bday. Birthday ni Mama parang I know its October pero di ko na alam ang date. Ang bad ko no?
JR: Birthday ko alam mo?
Dei: Hindi eh. (she lied)
JR: Good.
Dei: Bakit good?
JR: At least hindi ka makakapagpalibre
Nagtawanan sila. Pagkagaling sa grocery dumeretso na sila sa bahay ng mga Perez sa Forbes. Pagdating don nagluluto na ng hapunan ang kusinero at inihahanda na ang lamesa para sa dinner.
Nakaupo na sa garden ang iba ng dumating sila.
Dei: Dad bahay pala to? akala ko Mall
Nagtawanan sila.
Dei: Grabe Dad ang laki naman, nagkakarinigan pa ba kayo dito?
Ram: Kapag si mommy ang sumisigaw, oo rinig na rinig.
JR: Soft spoken si mommy pero kapag inis at galit na parang may megaphone sa bibig.
Gina: Nakakalula nga itong bahay ninyo, Señor.
Sir Simon: Gina, pwede bang Simon na lang. Hindi naman ako ganon katanda sa yo hindi ba? I think I am just 5 to 7 years older than you. Para namang ang tanda ko na kapag tinatawag mo ako ng Señor eh. Tsaka hindi ka naman na iba sa amin, iisang pamilya lang tayo.
Napangiti si Ram at JR.
Gina: ay pasensya ka na, oo nga naman. Eh di sige Simon.
Dei: Now, I know kung kanino kayong dalawa nagmana.
Nagtawanan sila.
Sir Simon: Ang asawa ko ang may gusto ng malaking bahay, she was anticipating a big family with 5 kids but unfortunately hindi na kami pinalad after Ricardo. Hindi na din namin pinabago ang bahay kasi sabi niya, she will have to ask her sons to just live here with us kahit pa magasawa sila. Anim ang kwarto nito, apat sa itaas at dalawa sa ibaba. Nang magbinata itong dalawa, ginawa nilang home theater yung isang kwarto sa ibaba at gym,play at bar area yung isa. Kapag nakikita yun alam agad na puro lalaki ang anak ko.
Krizza: Malalaki din ang mga kwarto sa itaas at my swimming pool ito sa likod.
Dei: Wow! Parang naikwento mo Krizza dito ninyo ginawa ang garden wedding ninyo?
Ram: Oo, we wanted a garden wedding so dito ginawa ang civil wedding namin but since we are both catholic next day we had a church wedding.
Sam: Sosyal, dalawang kasal pa eh sa amin kahit civil na inaabot pa ng 3 anak bago magpakasal kayo dalawang beses pa.
Nagtawanan sila
Krizza: Ikaw Dei, anong klaseng wedding ang gusto mo?
Dei: I never really thought about it... siguro kasi I don't really believe I could find something as beautiful as Daddy's or my parents love story.
BINABASA MO ANG
by the seashore
RomanceThey say Love can either make or break you. Read how JR and Dei broke their hearts and how they learned that love can teach you a lesson or two.