Alas tres pa lang ng umaga nasa kusina na si Dei, nagprepare siya ng clubhouse sandwiches sa apat na tupperwares, diet/regular cokes at bottled water sa isang maliit na cooler. Naglagay din siya ng mga pringles, chips, chocolates sa isang plastic. Alas kwatro ng ayusin nya ulit ang backpack niya. 2 sundress, 2 short overalls, 3 shorts, 3 classy na blouses, 3 set ng two piece bikini with lace top ang shawl, 3 sets of black underwears at ang havaianas na sandals niya. Tinignan din niya ang kanyang kikay kit, mukhang kumpleto naman. Pasalamat talaga siya dahil kakagaling lang nila ni Krizza magscrub at wax kaya two piece ready siya. Pagkatapos nagbihis na siya ng maong shorts, black na spaghetti strap blouse at and black ang white striped 3/4 sleeved na hoodie at ang nike sneakers at ang nike cap niya. Bandang 4:30 ng kumatok si JR sa pinto ng kwarto niya.
Binuksan niya ang pinto...
Dei: How do I look pwede na ba to?
JR: You looked simply, gorgeous. Walang sinabi ang mga brand kid na yon. Oh akina yang backpack mo.
Iniabot niya ang backpack kay JR at binitbit ang transparent na shoulder bag nya, kung saan nandon ang wallet, camera, suntan spray, perfume at kung ano-ano pa. Pagsara nya ng pinto ng kwarto bumukas naman ang pinto ng kwarto ng kanyang ina.
Gina: Good morning, magiingat kayo ha at tumawag kayo kapag nakarating na kayo ng Subic. Anak, do me a favor magrelax ka at pagpahinga ok?!
Dei: Opo Ma. Thanks!
Gina: Huwag kang magalala sa restaurant, pupunta ako don mamaya pagkatapos ng meeting ko.
Dei: Thanks Ma, nakapagbilin naman ako kay Chef Alvin, Dave at Diane. So, I'm sure they'll be ok. But would be nice kung pupunta kayo don later.
JR: Tita tuloy na po kami.
Dei: Sige na Ma, go back to sleep. Gising naman si Armida siya na magsasara ng gate.
Humalik na ito sa pisngi ng Ina at bumaba na. Binuksan ni JR ang compartment ng kotse at nagulat ito sa cooler na nakalagay don. Napangiti siya ng buksan nya iyon at makita ang laman. Ito ang isa sa nagustuhan niya kay Dei, hindi siya free loader. Nahihiya kapag inililibre at gagawa at gagawa ng paraan para makabawi in her little way. Inilagay na niya ang backpack nilang dalawa. Habang binubuksan ni Armida ang gate. Sumakay si Dei sa kotse at umalis na sila para pumunta sa Restaurant. Pagdating doon nagpark si JR sa parking area at doon na lang sila naghintay mismo sa kotse.
JR: Excited ka ba? o talagang hindi ka lang natulog? Ang daming laman ng cooler natin eh.
Dei: Nakatulog naman ako. In a way, excited naman ako kasi kasama kita pero medyo kinakabahan din. Baka hindi ako pumasa sa taste ng mga friends mo eh.
Humarap si JR kay Dei hinawakan ang kamay nito.
JR: Ilang beses ko bang sasabihin na wala kang dapat ipagalala, honestly I don't care what they think. Akala ko ba you don't care what others think of you.
Dei: Yung totoo ngayon lang ata ako nagkaganito, mahirap yung may inaabot kang standard eh pang beauty queen pa naman yung ex mo.
JR: Naiinsecure ka kay Chelsea?
Dei: Hindi joke lang, kalimutan mo na yung sinabi ko. It's just a me issue. Puyat lang ako. Sige iidlip lang muna ako.
Sumandal na ito at pumikit. Pero panay ang sabi nito sa sarili, "Sana hindi nila ako icompare kay Chelsea because that would be the last thing I wanted to hear."
Ilang minuto lang dumating na sila Uno, nakangiti at mukhang excited na bumaba si Maxine para puntahan si Dei. Pagbukas ng pinto ng kotse ni Dei, hinila na siya ni Maxine papunta sa Coaster. Tinulungan naman ni Uno si JR na ilipat ang gamit nila sa Coaster. Bitbit ni JR ang cooler ng pumasok ito ng Coaster at inilapag ito sa bandang harap.

BINABASA MO ANG
by the seashore
RomanceThey say Love can either make or break you. Read how JR and Dei broke their hearts and how they learned that love can teach you a lesson or two.