Makalipas ang isang buwan, lulan ng yate si Dei at JR, sinundo sila sa Caticlan port, kababalik lang nila galing sa dalawang linggong bakasyon sa Los Angeles. Magkahawak kamay na bumaba ng yate si JR at Dei sa beach front mismo ng Destiny Resort. Masaya silang sinalubong ng kanilang pamilya. Nagmano ang dalawa kay Sir Simon at Gina. Yumakap kay Krizza at Ram.
Sir Simon: Kamusta naman ang bakasyon ninyo?
JR: Masaya Dad, mababait naman ang mga relatives ni Dei. Para kaming bola na pinagpasapasahan. Sa iba't ibang bahay kami pinatulog. Libre lahat.
Dei: Nakilala po namin ang tatlong kapatid ni Papa, si Uncle Steve, yung nasa LA, Aunt Debbie yung nasa Sta. Monica, at si Uncle Shawn naman sa Sta. Barbara. Masaya po. At ang dami nilang binigay na pasalubong.
Gina: Mabuti naman kung ganon.
JR: Kayo po kamusta dito. Kamusta naman ang baby natin diyan mommy Krizza?
Krizza: Ok naman, may vitamins na kami at lagi kaming gutom?
Dei: That's good kailangan maging malusog si baby dahil yung mga gamit na dala namin pang malaking baby talaga.
Ram: Kayo talaga, bakit nagabala pang bumili don eh pwede naman dito.
Dei: Actually Kuya, marami don galing kay Uncle Steve kasi yung apo niya 3 years old na yung mga gamit nandon lang nakatambak ayan ibinigay sa amin lahat ng malaman na on the way si Krizza.
Krizza: Naeexcite naman ako.
Ram: Bro, yung bahay mo nabenta na sa presyong gusto mo. Papunta yung mga buyers dito ngayon para magkapirmahan na.
JR: Talaga? That's cool. Kamusta sa Balinghai?
Sir Simon: Nagsimula na silang gumawa doon. Mamaya ipapakita ni Ram sa inyo ang plano para kung may mga gusto kayong baguhin.
Vinz: Grabe naman kayong dalawa. Ano bang pinagbibili ninyo sa US at apat na kahon ito?
JR: Basta marami, mamaya natin buksan pagkatapos ng dinner at may pasalubong kami sa inyo. Oh Sam, kamusta ng Ninong at Ninang?
Sam: Mabuti naman at salamat daw sa TV na bigay mo. Tuwang-tuwa ang Nanay mas maganda na daw ang panonood niya ng mga tele nobela.
JR: Vinz, ready na ba yung ipinagawa ko?
Sir Simon: Hay naku Ricardo, nataranta nga yang kaibigan mo masunod lang ang gusto mo. Pero magandang idea anak, magandang lumabas ang project mo.
Dei: Anong project? May bago kang project? Saan?
Vinz: Oo ready na. Sobrang ready! ire-reveal na ba natin?
Hinawakan ni JR ang kamay ni Dei.
JR: Halika may surprise ako sa yo.
Naglakad sila papunta sa walkway papunta sa Hotel. Nagulat si Dei na may nakatakip na lona sa daan. Pinatayo niya si Dei sa harap ng lona at nasa likuran naman nila ang buong pamilya.
Tumayo si Sam at Vinz sa magkabilang gilid ng lona para hilahin ito.
JR: Ready ka na Hon?
Tumango si Dei. Biglang hinila ni Sam at Vinz ang lona at tumambad sa kanilang mga mata ang isang napakagandang garden. Ang concrete na walkway galing sa hotel papunta sa beach front at annex, ngayon ay napapaligiran ng bermuda grass, may plant boxes na may mga tanim na spices sa gilid nito. May mga bench din dito. Naglakad sila papunta sa dating empty space sa pagitan ng Main at Annex building. Nandon sa gitna nito ang malaking bamboo fountain na binigay sa kanya ni JR. Sa gilid may anim na bench at ang dingding ng parehong building puro iba't ibang klaseng orchids at sa dulo ang flower garden. May iba't ibang kulay ng rose, may rosal, santan, daisies, carnation, bongavilla, mumps, babies breath at kung ano ano pang mga bulaklak may walkway ito sa gitna at nagsisilbing bubong nito ay steel railings at net. May nakasabit pang karatula. "Dei's Garden - where love comes alive".
![](https://img.wattpad.com/cover/75447902-288-k132633.jpg)
BINABASA MO ANG
by the seashore
RomanceThey say Love can either make or break you. Read how JR and Dei broke their hearts and how they learned that love can teach you a lesson or two.