Dalawang araw na si Dei na nasa Destiny, pero hindi pa rin sila nagkikita ni JR. Lumuwas kasi ito ng Maynila kasama ni Sir Simon. Nakabukas ang TV sa hotel lobby dahil nanonood sila sa kaganapan ng panahon. May papasok na bagyo sa bansa at tinatayang malakas ito at tatama ito sa Visayas Region. Nagsisimula ng lumakas ang hangin ng hapong iyon. Nagpapunta na din ng tao si Mayor sa mga resort na nagsabing ilikas na ang mga tao na nagstay sa mga cottages sa tabing dagat. Ipinalipat na ni Dei sa mga bakanteng rooms sa hotel ang mga guests na nakabook sa mga beach front cottages sa Destiny at sa Summit. Ipinaligpit na din niya lahat ng mga gamit sa beachfront resto na maaaring masira o anudin kapag naghigh tide at lumakas ang alon. Nakuha na din ni Dei ang mga gamit niya sa sariling cottage at nailipat na niya sa opisina niya. Dumating na din don si Ram at Krizza, nagaalala ang mga ito dahil ang alam nila nung oras na yon nasa flight na pabalik ng Caticlan si Sir Simon at JR.
Dei: Sam, pakitawag si Julie, Ruel ng Inventory at Marcy ng Housekeeping.
Mayamaya pa dumating na ang mga ito, at narinig na din ni Dei ang pagdating ni JR at Sir Simon galing sa beach kung saan ibinaba sila ni Mang Roger at bumalik na ito sa port. Kinausap ni Dei ang mga tauhan.
Dei: Can you guys check if we have enough supplies, i want an inventory report right now, paki update na please. Marcy, make sure every room has water and coffee supply and towels.
Julie: Ok po Mam, am on it.
Ruel : Sige po Mam.
Marcy: Ok Mam, I will.
Lumapit si Dei at humalik sa ama-amahan.
Sam, ikuha mo sila ng towel at coffee please. Inabutan naman ng towel ni Sam ang magama.
Sir Simon: Ang lakas na ng hangin at ulan. May mga ilang puno na kaming nakitang bumagsak. Kanina pa ba umuulan dito?
Dei: Kanina pa ho, mga 4 hours na pero hindi pa ganon kalakas, lumakas lang ng ganyan an hour ago.
Ram: Maagap naman pong nagpunta ang mga tao ni Mayor para magbigay ng advice na ivacate ang mga beach front cottages kaya naging handa naman kami, two hours ago nailipat na namin lahat sa hotel pati na sa Summit.
Sir Simon: Good Job. We will just have to pray na everything that we have is enough habang wala tayong choice but to stay in.
Dei: Don't worry Dad, I already ask for the inventories. Magbigay ako ng instructions when I get them. Sige na po, umakyat na kayo para makashower at makapagbihis.
Inalalayan na ni Ram ang ama, nakatayo at nakatingin lang si JR kay Dei. Natatawa naman si Krizza at Vinz. Napatingin si Dei kay JR.
Dei: Anong itinitingin-tingin mo dyan? That goes for you too! Umakyat ka na! Magkakasakit ka kapag natuyo yang damit sa katawan mo. Go!
Hinaplos ni JR ang pisngi ni Dei.
JR: Namiss kita...
Dei: Ano ba! Bumabagyo na humihirit ka pa! Sige na!
Nagtawanan si JR, Vinz at Krizza. Tumakbo na si JR, papunta sa elevator. Natatawang nangingiti si Dei.
Krizza: Kinikilig ka naman dyan. Kunyari ka pa.
Bumungisngis silang dalawa.
Makalipas ang isang oras, bumaba si JR sa Lobby inabutan niyang nagtatawag nagbibigay ng instructions si Dei sa kitchen staff; si Krizza nagtatawag sa bawat rooms to tell guests to make sure na sarado ang mga bintana, sliding doors and curtains bago matulog. Kausap naman ni Ram ang GM ng summit nagbibigay ng instructions. Sumilip si JR sa salamin na bintana ng hotel, lalong lumakas ang hangin. Lumapit sa gwardiya.

BINABASA MO ANG
by the seashore
RomanceThey say Love can either make or break you. Read how JR and Dei broke their hearts and how they learned that love can teach you a lesson or two.