Sa bahay niya dinala si Dei. Pagtapat nila sa gate bumusina si JR at pinagbuksan sila ni Dave.
JR: Kung ayaw mo sa Destiny, dito na lang tayo, ok lang?
Tumango si Dei. Pinuntahan agad ni Dei ang flower garden.
Dave: Oh kuya, nakaangkas na sa yo. Girlfriend mo na ba si Ate Dei?
JR: Bakit may reklamo ka?
Dave: Wala ah, bagay nga kayo.
JR: Dave, babantayan mo si Dei ha, hindi siya pwedeng umalis dito ok? Naglayas siya, nahanap ko lang, baka mamaya magbalak na namang umalis.
Dave: Don't worry kuya, bantay sarado sa akin yan.
Pagpunta ni JR sa garden nakita niyang may hawak na rose si Dei at tulala na naman ito. Niyakap niya ito mula sa likod at ipinatong ang baba niya sa balikat ni Dei.
JR: What are you thinking?
Dei: Favorite ng Papa ang flowers.
JR: Ikaw anong flower ang favorite mo?
Dei: Yellow Carnation
JR: Sige magpapahanap ako ng Carnation at itanim mo dyan ha?
Dei: I would like that.
Natahimik na naman si Dei. Umakyat ito sa veranda kumuha ng throw pillow at naupo sa couch kung saan tanaw ang dagat. Naiiling na sinundan na lang ito ni RJ at naupo sa isang couch sa di kalayuan.
Dei: Papa sorry ha, alam ko nasaktan kita ng saktan ko siya pero hindi ko mapigilan. Alam ko sasabihin mo she's still my Mom and I owe her my life. Pero when I lost you pinatay na din niya ako so quits na kami. Papa, you have taught me to forgive pero bakit hindi ko magawa? No matter what I do kapag nakikita ko kahit litrato niya masakit talaga. Sorry to tell you Pa, I hate her not only for turning her back at you but more so for making me this way.
Tuluyan na itong umiyak. Walang nagawa si JR kung hindi tahimik lang na tignan ito. Alam ni JR mabait na tao si Dei, masakit lang talaga para sa kanya kaya nakakayang manakit. Lumapit sa kanya si Dave.
Dave: Kuya ok lang ba si ate Dei?
JR: Hindi siya ok pero pabayaan lang natin siya. Dave dito ka muna, mamamalengke ako, mukhang magtatagal kami dito. Bantayan mo at ibigay ang kahit anong hingin sa yo. Pero huwag na huwag mong pababayaang umalis.
Dave: Ok kuya, sige akong bahala.
Makalipas ang bente minutos lumapit si Dave kay Dei.
Dave: Ate, wag ka ng umiyak. Nagaalala si Kuya sa yo eh. Tsaka papangit ka nyan.
Dei: Maniwala ka naman sa kuya mo.
Dave: Sige, ikaw nga ang isang taong hindi importante sa yo pagaaksayahan mo ng panahong hanapin?
Dei: Sabagay...
Dave: Parang yang iniiyak mo, hindi ka naman iiyak ng ganyan kung hindi dahil sa isang importanteng bagay at tao eh. Hindi mo pagaaksayahan ng oras at pagod sa pagiyak yang taong yan kung hindi siya mahalaga sa yo.
Dei: Pero kaya ako umiiyak dahil sa galit ko sa kanya.
Dave: Nagagalit ka eh may halaga siya sa yo. Kasi sabi ng tatay ko, kapag ang isang bagay hindi mahalaga sa atin, balewala kahit tignan hindi natin titignan. Kaya kung ayaw mo sa tao eh di dapat para lang siyang agiw nandyan pero bale wala sa yo.
Dei: Hindi, hindi siya mahalaga sa akin no!
Dave: Eh di dapat hindi mo pinagaaksayahan ng oras mo at ng luha mo kung sino man yang walang kwentang taong yan. Kasi sayang lang ang oras at luha mo.
BINABASA MO ANG
by the seashore
RomanceThey say Love can either make or break you. Read how JR and Dei broke their hearts and how they learned that love can teach you a lesson or two.