Richard Santillan-Perez, one of the youngest successful businessman in the Philippines. Kilala sa pagiging responsable at magaling na businessman. At the age of 23 hinawakan nito ang Summit Holdings na nakapagtayo ng ilang subdivisions at malls. At the age of 27 he is one of the most handsome and successful bachelor in Manila. Of course kilala siya ni Dei dahil na rin nafeature na sa ilang magazines ang binata at pareho silang graduate ng Lasalle Manila. Ahead sa kanya ng dalawang taon si Richard mas kilala sa tawag na Richie noon at JR na ngayon. JR na simula ng mawala ito sa business world. Now, he is into motocross, diving, bungee jumping, rock climbing. Lahat na yata ng extreme sports sinalihan nito.
Heartrob ng Dela Salle si Richie noon hindi lang dahil basta gwapo at ang cute ng dimple nito kung hindi matalino at mabait din ito. Si Dei, Dean's Lister noong College at crush ng bayan dahil simple at hindi nakakasawa ang ganda nito, mabait, masayahin, matulungin at matalino. . Lagi nilang nirerepresent ang school sa mga competition. Kaya hindi makapaniwala si Dei na ang Richie noon ay ang JR ngayon. Naitanong nito sa sarili, anong nangyari dito?
Mga bandang 5:30 ng hapon nagpunta si JR sa Richie's Shots and Drinks, ang bar ng kanilang resort. Binati naman siya ng mga tao doon.
Allan: Good afternoon Sir, happy hour na, anong gusto ninyong inumin.
JR: Sanmig light na lang muna, hihintayin ko pa si Vinz at Sam eh. Pwedeng magpalamig ka ng isang case para mamaya nasa beach kami.
Allan: Sige Sir basta kayo. Anong ipapaluto kong pulutan ninyo?
JR: buffalo wings, nachos, sisig at calamares.
Allan: Sige sir, ipatawag nyo lang ako kapag gusto niyo ng iserve ang pulutan ninyo.
Dumating ang secretary ni Dei.
Liza: Good afternoon Sir!
Tinanguan lang ito ni JR.
Liza: Allan, remind lang kita yung frozen margarita ni Mam ha, malapit ng magsunset.
Allan: Don't worry Liza I know the drill, 6:10 nandon na ako kasama ang brandy ni Sir Simon.
Liza: Thanks! Sir JR una na po ako.
Nagtataka si JR pero hindi ito kumibo. Naisip nya, aba at may happy hour din ang bitch.
JR: Allan, pagpunta mo ng beach paki dalhan na din ako ng isa pang bote, mauuna na ako don.
Allan: Sige Sir, isunod ko na don.
Pagdating ni RJ sa beach, may inaayos na lamesa ang isang waiter sa mismong shore sa pagitan ng dalawang beach chair. Umupo si JR sa isang beach chair sa di kalayuan. Tinignan ang oras ng relos 6:25 nakita ni JR si Dei, hindi na ito nakacorporate suite. Naka colored sundress ito at bago umapak sa beach hinubad at binitbit nito ang sandals. Lumalakad ito na parang may kausap. Nakita din niya na isa-isang naglabasan ng resort ang ilang staff at pinanonood si Dei. Mayamaya ay naupo ito sa isa sa mga beach chair na inayos ng waiter. Dumating naman si Sam at Vinz lumapit kay JR.
Sam: Palagay mo Vinz kailan kaya siya titigil?
Vinz: Hindi ko din alam, dalawang taon na din syang ganyan no?
Sam: Oo nga eh, pero alam mo, nagviral na nga ang video niya sa youtube eh.
Hindi na nakatiis si JR at nagtanong.
JR: Nagviral ang video nino?
Sam: Video ni Dei. Normal na tanawin dito sa Destiny yang ginagawa ni Dei. Mahigit dalawang taon na nyang ginagawa yan araw-araw. Sa Video ang tawag sa kanya, the sunset girl. No one knows who she's talking to but she does it everyday.
BINABASA MO ANG
by the seashore
RomanceThey say Love can either make or break you. Read how JR and Dei broke their hearts and how they learned that love can teach you a lesson or two.
