Chapter 65

3.5K 146 4
                                    

Nagdaan ang pitong buwan. Dahil kabuwanan na ni Krizza, sa mansyon ito sa Forbes naninirahan kasama si Ram, Dei at Gina. Habang si JR naman sa sariling pad nakatira.  Masaya ang naging relasyon ni Dei at JR.  Kahit busy sa kani-kanilang mga negosyo, lagi silang may oras para sa isa't isa, sa mga kaibigan at sa kanilang pamilya.  Isang beses sa isang linggo na nagdidinner sila sa Home Cuisine kasama sila Uno at Maxine.  Nagpunta din sila sa kasal ng mga kaibigan.  At sa bawat pagkakataon na magkakasama sila lagi't lagi na silang tinatanong ng mga ito kung may plano na ba silang magpakasal.  Katulad ng sabado ng umaga na yon, magkasama si Dei at Maxine sa isang spa, habang nasa loob ng steam room nagkwentuhan ang dalawa.

Maxine:  Kamusta naman girl?

Dei:  Okay naman.  Eto masaya, ang lakas ng Home Cuisine at mabuti naman ang buong pamilya, walang nagkakasakit kaya talagang masaya ako.

Maxine:  Pero am sure mas masaya ka sana kung nagpropose na siya sa yo.

Dei:  Siguro, pero hindi naman ako nagmamadali eh.  Besides feeling secured naman na ako sa pagmamahal ni Richie, so ok lang yon.

Maxine:  Kami ni Uno ang naiinip para sa inyo. Bakit ba kasi ayaw nyo pa?  Pareho naman na kayong may magandang trabaho at negosyo.

Dei:  Hindi naman sa ayaw namin, hindi lang talaga namin napaguusapan pa. Besides anong magagawa ko, alangan namang ako ang magpropose?

Maxine:  Pero tapatin mo ako girl, ikaw ba sure ka na siya ang gusto mong makasama habang buhay?

Dei:  Oo naman, siguradong sigurado ako.

Samantala, sila Uno at JR naman nasa gym.  Habang nasa threadmill, nagtanong si Uno.

Uno:  Bro, hindi ka man lang ba nainggit nung ikasal kami ni Maxine?  Eh dapat nauna ka pa sa akin na ikasal noon di ba. Tapos ngayon naunahan na kita.

JR:  Medyo nainggit, tsaka nung makita kong napaiyak si Dei sa wedding vows ninyo, naisip ko din na sana in the future mapaiyak ko din siya sa wedding vows ko para sa kanya.

Uno:  Then, what's stopping you?

JR:  Wala naman, nageenjoy naman kami ni Dei sa relationship namin eh.  Pero tatapatin kita bro, it is at the back of my head.  Napapanaginipan ko na nga ang paglakad namin papunta sa altar eh.

Uno:  Yun naman pala eh, bakit hindi ka pa magpropose?  Pareho naman na kayong stable at botong boto naman ang pamilya nyo para sa inyong dalawa.

JR:  Ewan ko, hindi pa lang siguro namin napaguusapan or siguro hindi pa panahon.

Uno:  Ano pa bang panahon ang hinihintay mo bro?  Tapatin mo nga ako, ikaw ba hindi ka pa sigurado na si Dei ang gusto mong makasama for the rest of your life?

JR: Bro, wala na akong ibang babaeng nakikitang kasama ko sa future kung hindi si Dei.  Ewan ko ba, siguro natotorpe na naman ako, natatakot na baka ayaw pa niya since hindi naman niya sinasabing gusto na niyang magpakasal eh.

Uno:  Ano ka ba?! Bro, syempre hindi yun magsasabi, alam mo naman ang mga babae feeling nila kapag sila ang nagopen ng topic na yon eh sila lang ang may gusto na magpakasal at dahil hindi ka naman nagtatanong iisipin niya ayaw mo pa siyang pakasalan.

JR:  Alam kong nagaalala ka para kay Dei bro, pero ako na ang nagsasabi sa yo, wala kang dapat alalahanin dahil si Dei na ang gusto kong makasama ko sa hinaharap.  

Uno: Mabuti naman kung ganon.  Yung totoo bro, ayoko ng masaktan pa ulit si Dei.  Dapat sa mga panahon na ito puro saya lang ang dumating sa kanya dahil sobra-sobra na ang sakit na naramdamam niya in her past.

by the seashoreTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon