Chapter 61

3K 129 1
                                        

Nang mga sumunod na araw, hindi na nagiiwasan si Dei at JR.  Hindi pa din sila bumabalik sa dati nilang kasweetan pero nagkakaintindihan na sila at yon ang mahalaga. Nanatili si JR ng ilang araw sa Boracay para asikasuhin ang pagdispose ng mga gamit sa bahay niya.  Sabay sabay na lumuwas ng Maynila si Ram, Sir Simon at Gina.  Si Dei naman ang naiwang kasa-kasama ni Krizza.

Nakaupo si Vinz, Sam at JR sa beach front resto ng dumating si Dei at Krizza.

Krizza:  Hi guys! anong meron at nakakunot ang noo ninyo?

Vinz:  Namumrublema si JR, hindi alam kung papano ididispose ang gamit niya.

Krizza:  Pwede mong ilagay sa bahay namin yung iba.

Dei: Bakit mo ba kasi naisipang ibenta yon? Sayang, maganda pa naman.

JR: Nakatiwangwang lang kasi , hindi ko naman natitirhan. Kung maibebenta ko, makakatulong yung pera para masimulan na yung bahay sa Balinghai.

Dei:  May mga paintings ka pa ba? Krizza pumili ka na din para sa bahay ninyo at sa unit ng Daddy   at pwede din pumili para sa Annex. Tapos yung matitira ipadala mo sa manila  para mailagay sa Resto at  tsaka doon sa office baka may mga paintings na pwede nating ilagay.  

JR:  Good idea.

Dei:  Ibenta mo na lang ng fully furnish. Sayang nga lang yung mga furnitures mo magaganda pa naman.  Wala ka bang gustong itabi para sa bahay sa Balinghai?

JR:  Yung mga furnitures talaga ang nanghihinayang ako kasi ako ang pumili ng lahat ng yon. Nagustuhan mo ba lahat yung nasa living, dining at kitchen?

Dei:  Oo, ang gaganda at ang mamahal kaya non. 

JR:  Tama!, Sige I'll have the whole first floor pati yung entertainment room at yung bedroom ko emptied out tapos Vinz gagawin ko na lang munang bodega yung Penthouse ng Annex tutal wala namang laman yun. Tapos papalitan ko na lang ng ibang furnitures na nasa bodega ko sa bahay.  Tsaka ko ibebenta ng fully furnish.

Vinz:  Hay sa wakas, natapos din ang problema mo.

JR:  Krizza, eto oh yan yung mga natitirang gamit doon, pumili ka na ng magugustuhan mo, sayo na.

Krizza:  Talaga bro?

JR:  Oo naman, its yours for free.  Kung wala kayong TV sa kwarto niyo Krizza, you can have one of the flat screen TV.  Apat ang flat screen TV diyan eh. Ikaw vinz baka may kailangan ka na home appliances. Yung washing machine na maliit sa yo na at yung isang kama.  Yung heavy duty na lang ang itatabi ko para sa Balinghai.

Vinz: Wow! thank you!

Dei:  yung isang TV pwede bang ibigay mo na lang kay Sam hanggang ngayon maliit pa rin ang TV ni Nanay eh tapos yung isa pwede nating ipakabit sa lobby ng annex at lagyan na din natin ng couch kung meron pa.

Krizza:  Itong beige na couch bagay sa living room namin.

JR: May kapartner na dining set, bookshelves at curtains yan Sis sayo na lahat. Ibigay mo na lang sa Nanay mo yung Dining Set at Couch ninyo di ba patapos na ang renovation ng bahay nila?

 Krizza:  Oo bro,  Thank you talaga. Excited ako!  

Niyakap ni Krizza si JR.  Nakangiti lang si Dei.

JR:  Meron ka pa bang gustong isave sa bahay na yon?

Dei:  Yung flower garden.  Joke lang.  

Napaisip si JR, alam niyang gusto talaga ni Dei yung  flower garden.

JR:  Vinz, sandali nga samahan mo muna ako may bigla lang akong naalalang gusto kong ipakita sa yo sa Annex.  Excuse lang ladies ha, magtatrabaho muna ako.

Dinala ni JR si Vinz sa empty space na nasa pagitan ng Main building at Annex building at yung pagitan ng dalawang building papunta sa  Beach front resto at swimming pool.

JR:  May sinabi ba ang daddy kung anong balak niyang gawin sa empty space na ito?

Vinz: Walkway lang tapos yang pagitan ng buildings wala naman. Bakit anong naiisip mo?

Nagdrawing si JR sa clipboard na hawak. 

JR:  Eh kung ganito kaya ang gawin natin dyan?

Vinz: JR, great idea magiging magandang view yan para sa pictures ng mga guest.

Ngumiti at bumulong sa sarili si JR, "patutunayan ko sa yo Dei kung gaano kita kamahal."

Kinabukasan, magkasabay na bumalik ng Manila si Dei at JR.  Hinintay lang nilang dumating si Sir Simon at Ram lulan ng helicopter at yun din ang naghatid sa kanila pabalik ng Manila. Dumeretso silang pareho sa opisina.  Nandon na si Walter, ipinakilala ito ni JR kay  Dei. Iniwan na ni Dei ang dalawa at nagpunta sa Cafeteria para kamustahin ang mga ito. Wala namang naging problema sa halos isang linggong pagkawala niya.  Ibinigay niya ang isang buwang menu na ginawa niya para sa mga ito.

Bumalik si Dei sa lamesa niya, ipinatawag niya ang head ng HR at ng Admin, nagfile siya ng indefinite leave dahil hindi pa talaga niya alam kung kailan siya babalik. Wala naman talaga siyang planong magtagal don pero ayaw niyang maipit sa time frame kaya indefinite leave ang kinuha niya.  Naintindihan naman siya ng mga ito.   Pinagusapan nila ang ilang nakabinbin na problema sa ilang tao, promotions at salary increases.  Ng matapos makipagusap sa HR at Admin head.  Pinuntahan nito si JR at Walter.

Dei:  Excuse me,  may kailangan ka pa ba sa akin?  Kung wala na pupunta na ako ng Resto.

Tumayo si JR at lumapit kay Dei.

JR: Ahm, wala na.  Teka lang wala kang sasakyan.

Dei:  Pwede naman akong magtaxi eh.

Lumabas ito ng office at tumingin sa mga lamesa. 

JR:  Henry, busy ka?

Henry:  Hindi Sir, naghahanap na nga ako ng magagawa eh.

JR: Pakihatid si Dei sa Resto. Eto ang susi yung kotse ko na lang gamitin ninyo.

Dei:  Nakakahiya naman eh.

JR:  Narinig mo wala namang ginagawa si Henry. Kung pababayaan kitang magtaxi magaalala pa rin ako at hindi mapapakali.  Magpahatid ka na para matahimik ako, ok?

Dei:  Sige na nga, alis na kami.

Hinagkan ni JR si Dei sa pisngi. Nagulat din siya, nakalimutan niyang bawal nga pala ang PDA sa office. Bumulong ito.

JR:  sorry, ingat ka. Sunduin na lang kita later.

Hinawakan siya ni Dei sa braso at tumango.  Paglabas ni Dei, nagsigawan ang mga staff.

Staff:  Uuuyyy si Sir Richie, inlove talaga.

Alvin:  Bro, iba ka na talaga ngayon ah. 

Namula si JR. 

JR:  Kayo talaga, bumalik na nga kayo sa trabaho puro kayo kalokohan eh.

Alvin.  Bro, nagbablush ka!

Nagtawanan silang lahat. Bumalik na si JR sa lamesa at napatingin siya sa nakangiting si Walter.

Walter:  Tama pala si Ram, you are really happy at nagtutwinkle pa ang mata mo. Alam mo ba na hindi ka ganyan kasaya nung kayo pa ni Chelsea?

Ngumiti lang si JR. Napaisip siya, "Yon din ang pakiramdam ko and I am so lucky I found her."








by the seashoreTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon