Chapter 36

2.8K 143 3
                                    

Naiwang nagiisip pa rin si JR at Ram. Habang umiinom ng beer nagkwentuhan ang magkapatid ng mga magagandang alaala nila kasama si Dei. Naikwento ni JR kung pano niya ginalit si Dei para matalo sa jetski race si Krizza at naikwento din niya na yung unang dinner date nila ang unang beses na nagdate si Dei, hindi makapaniwala si Ram. Nakikwento niya kung papano laruin ni Dei ang kamay kapag ninenerbyos at kung papanong gustong gusto nito ang appetizer doon at kung ano ang poorman's pasta ng biglang napatayo si JR.

JR: Kuya alam ko na kung nasan si Dei, sa Nami. Naalala ko gustong gusto niya ang view at rooms doon kasi nakaslope sa bundok.

Dali-daling nagpunta sa parking area at umalis ang dalawa.

Pagpasok pa lang nila sa gate ng Nami,  nakita na agad ni JR ang motor ni Dei sa parking area. Umakyat sila at nagtanong. Nakilala ni JR ang waiter na nagserve sa kanila nung unang magpunta sila.

Waiter: Sir, sabi ko na darating kayo eh.

JR: Anong nangyari?

Waiter: Dumating ho ditong umiiyak, nagcheck in  sa isang kuwarto at nagpumilit na iinom daw siya, wala naman ho kaming nagawa at hindi namin mapigilan.  Umorder ng isang boteng Jack Daniels at nachos. 

JR: Asan siya?

Sinamahan sila ng Waiter sa kwarto ni Dei. Napaupo sa kama ang magkapatid, awang awa sa itsura ni Dei. Umorder si Ram ng dalawang softdrinks at tubig. Humingi naman si JR ng hot towel.  Tahimik lang silang uminom at parehong nagiisip.

Ram:  Malamang bukas na ng umaga magising yan.  Anong balak mo?

JR:  Maiiwan na ako dito, umuwi ka na, sabihin mo sa Daddy doon na muna kami sa bahay ko. Malamang hindi pumayag ito na umuwi ng Destiny.  Sabihin mo sa Daddy huwag ng magalala akong bahala kay Dei. Pakuhanin mo si Sam ng mga damit ni Dei at dalhin dito.

Ram:  Oh sige. Magiingat kayo.

Makalipas ang isang oras dumating si Sam bitbit ang bag ng damit ni Dei.

Sam: Bilib na ako sa yo at nahanap mo siya. Bahala ka na sa kanya ha.

JR:  Sige, salamat. 

Naginit siya ng tubig sa electric kettle at inilagay sa tabo at dinagdagan ng tubig galing sa gripo. Pinunasan niya ang mukha ni Dei, magang maga na ang mata nito. Inayos nya ang pagkakatali ng buhok. Pinunasan ang leeg. Napahinto siya, nagisip.  Maya-maya pa tinanggal niya ang pagkakabutones ng dress shirt ni Dei tumambad sa kanya ang itim na bra ng dalaga. Pilit niyang isiniksik sa utak na "nakita ko na siya ng nakaunderwear lang so it's no big deal".   Pero makailang beses pa rin siyang napalunok habang pinupunasan ang katawan ni Dei. Sinuotan niya ito ng bagong blouse.  Uminom siya ng tubig at binalikan si Dei. Tinanggal ang pagkakabutones ng  patalon ni Dei at ibinaba ang zipper ng maong pants nito. Kinuha niya ang towel na malaki at itinakip sa ibabaw ng katawan ni Dei mula sa  bewang hanggang sa hita at sinimulang hilahin pababa ang pantalon nito. Piniga niya ang hot towel at pinunasan ang hita at binti ng dalaga. Iningatang wag masaling ang hindi dapat.  Pinagpapawisan siya kumuha ng shorts na maong sa bag at isinuot kay Dei. Tinanggal niya ang twalya na nakatakip, napalunok siya ng makita ang itim na boyleg ng dalaga. Inaayos sa bewang ang shorts, ibinutones at isinara ang zipper nito. Pawisan na siya ng matapos.

Inayos niya sa pagkakahiga si Dei, nilagyan ng unan sa gilid at kinumutan. Itinupi ang nakakalat na damit nito sa kama, ipinatong sa lamesa, piniga ang towel isinampay sa banyo pati ang towel na malaki. Itinapon ang tubig sa lababo at itinaob ang tabo don.  Nilakasan ang aircon, kinuha ang susi ng motor at ang lisensya ni Dei at inilagay niya sa sariling walet at ang susi sa bulsa ng kanyang pantalon. Hinalikan niya ito sa noo at lumabas ng kwarto, inilock ang pinto at nagpunta sa restaurant ng Nami at kumain. Umorder si JR ng club sandwich at pinatakpan ito ng food wrap, naisip niyang baka magising si Dei at magutom. Pagbalik sa kwarto ipinatong niya ang pagkain sa lamesa. Kumuha ng instant noodles sa kabinet at ipinatong din sa lamesa. Pumasok siya sa banyo, hinubad ang lahat ng damit at nagshower. Pagtapos maligo at magpatuyo isinuot ulit ang boxers.  Binitbit ang pantalon at sports shirt at isinabit sa kabinet at humiga na sa tabi ni Dei. Pumasok sa ilalim ng kumot at niyakap si Dei. Pinagmasdan niya ang mukha ni Dei habang natutulog hanggang makatulog na din siya.

Bandang ala una ng madaling araw, nagising si Dei na nagugutom at masakit ang ulo. Pagmulat niya ng mata, mukha ni JR ang bumungad sa kanya. Natutulog ito na nakaharap sa kanya at nakayakap pa. Napaisip si Dei, "hinanap mo talaga ako." Namuo na naman ang luha sa mata niya. Dahan dahan niyang inangat ang kamay nito na nakayakap sa kanya at bumangon sa kama at dahan dahan din ibinaba ito para hindi magising si JR. Nagulat siya ng makita ang suot niya. "Binihisan niya ako?" ipinagkibit na lang niya ng balikat tutal nakita na din naman na siya ni JR on her underwear.  Nakita niya ang pagkain sa ibabaw ng lamesa. "ang sweet mo talaga Richie."  Naginit siya ng tubig para sa instant noodles at kumain ng club sandwich.  Naalala na naman nya ang Ina. Nagsimula na naman siyang humikbi at tumulo ang luha.

JR:  Walang nakakaiyak sa pagkain ng noodles at club sandwich.

Bumangon ito, lumuhod sa harap ni Dei at pinahiran niya ng mga daliri ang luha nito. Umupo  sa kabilang silya at kumuha ng sandwich. Walang imik silang kumain. Matapos kumain kumuha ng bottled water si JR sa  ref. Binuksan at inilagay sa harap ni Dei ang isa at ininom naman ang isa. Pagkapos uminom, pumasok sa banyo si Dei, umihi at nagtoothrbush at humiga sa kama.  Pumasok naman si JR sa banyo nagtoothbrush. Pinatay ang mga ilaw at humiga sa tabi ni Dei. Inilagay niya ang braso sa ilalim ng ulo ni Dei at hinila ito para  mapayakap sa kanya. 

JR:  Talagang may balak kang iwan ako? kami?  Tandaan mo, sa susunod na umalis ka, hindi na kita hahabulin at hahanapin. 

Dei:  Richie, ayokong umuwi, ayoko syang makita. Tumulo na naman ang luha ni Dei.

JR:  Eh di hindi kita iuuwi don. 

Lalo namang napaiyak si Dei.  Hindi niya alam kung anong sasabihin kay Richie. Kung papano magpapasalamat at hinanap siya nito. Tumingin siya dito.

Dei: Richie...

JR:  Shhhhh... 

Bago pa naituloy ni Dei ang sasabihin, hinalikan siya ni Richie sa labi ng may pagsuyo at pagmamahal.  Ipinikit na lang niya ang mata at nagpaubaya. 

Nagising siya kinabukasan ng narinig niya ang tunog ng shower sa banyo. Bumangon siya at tinignan ang oras sa cellphone niya alas diyes na. Nagtimpla siya ng kape  at naupo sa couch.  Lumabas si JR ng banyo ng nakabihis na.

JR:  Magshower ka na, tapos magbreakfast  tayo at magcheck out na.

Inilabas ni JR ang bag ng damit at ipinatong sa kama.

JR:  Ayan ang mga damit mo. si Sam ang kumuha niyan at nagdala dito.

Nagshower si Dei paglabas nito, nakamaong at nakapink na sleeveless dress shirt. Binitbit ni JR ang bag at nagpunta na sila sa Resto para kumain. Pagkatapos magcheck out ni JR, hinawakan niya ang kamay ni Dei at hinila na ito papunta sa Parking area.

Dei: Susi ko tsaka lisensya ko?

JR:  Bakit? 

Dei:  Magdadrive ako. 

JR:  Nakakahiya naman yata sa pagkalalaki ko kung ako ang iaangkas mo di ba? 

Natawa si Dei.

JR: Ayan ngumingiti ka na.  Mas bagay sa yo.

Isinukbit ni RJ ang knapsack sa harap niya sumakay sa motor at pinaandar ito. Sumakay sa likod si Dei.  Iniyakap ng mahigpit ang braso sa katawan ni RJ. Natawa si RJ.

Dei:  Richie... thanks for taking care of me.

JR:  Basta ikaw! Bagyo ka sa akin eh.

At nilisan nila ang Nami.






by the seashoreTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon