Chapter 50

3K 132 2
                                        

Makalipas ang dalawang linggo, kakarating lang niya sa office ng dumating ang Liason Officer ng kumpanya na si Rico.

Rico:  Good morning Mam, kunin ko lang po yung mga documents ng Home Cuisine, ikukuha ko na ho ng building permit.

Dei:  Ah ok, eto meron na din dyan na letter from the subdivision. Iinform nyo lang sila kung kailan kayo magsisimula and give them the time frame.

Rico:  Ok  po.  Paki sign na din po ng cash voucher?

Dei:  Okay. Rico, pwedeng paki daan na itong checque sa  Accounting, please.

Rico: Yes Mam.

Dei:  Would you know kung dumating na si Mr. Perez?

Rico:  Mam, kanina pa ho, maagang nagpunta ng location.

Dei:  Ok, Thanks!

Napaisip si Dei, "Grabe ang aga naman ni Ram."  Isinulat niya lang ang Menu para sa restaurant at nagbilin na sa sekretarya na mamimili ng mga furniture para sa Home Cuisine at umalis na ito. Makalipas ang dalawang oras dumating si JR sa opisina. 

Joanne:  Sir, nandyan na po yung mga supplier, papasukin ko na ba isa-isa?

JR:  Oo sige, si Ms. Dei nakita mo na?

Joanne:  Yes Sir, nandito kanina pero umalis para mamili ng furniture.

JR:  Tawagan mo ang wooden at steel furniture supplier natin kakausapin ko.

Makalipas ang isang oras nakatanggap ng tawag si Dei mula kay Joanne.

Joanne: Mam, may supplier presentation po ng 11am. Nagbilin po si Sir na kayo daw po ang umattend para makita niyo baka may magustuhan kayo.

Dei:  Sige pabalik na ako.

Eksaktong alas onse ng makarating si Dei kaya dumeretso na ito sa conference room kung saan naghihintay ang supplier.  Matapos ang presentation may napili nang steel dining set with granite top in black, at wooden dining sets for 2, 4 at 6 si Dei.  Pero pasado alas dose na ng matapos ang presentation kaya nagmamadali na siyang pumunta sa Culinary Class niya.

Makalipas ang dalawang linggo hindi nakita ni Dei si Ram sa opisina. Palagi itong nasa location. Kaya nagpasya ang dalaga na pumunta sa location pagkatapos gawin ang menu para makita kung ano na ang natapos doon. Pagdating nya doon pumarada siya sa likod ng kotse ni Ram. Napangiti siya ng makita niyang wala na ang dating concrete wall sa harap at naitayo na din ang side concrete wall. Ginagawa ang concrete walkway at stepping stones papunta sa main entrance at may naglalandscape sa front lawn nito.  Bumati sa kanya ang mga taong dinaanan niya papasok.  Pagdating sa loob nakita niya na naenclose na din ang kitchen pero wala pang counter top at salamin. May narinig siyang mga boses na naguusap sa isa sa mga bedrooms.

Nagulat siya pagpasok ng makita ang head ng Engineering na si Joel at si JR.  Napakunot ang noo ni Dei. Nakita naman siya agad ni Joel. 

Joel:  Dei, hi! Glad you dropped by. Eto suot ka ng hardhat, nagtatanggal sila ng kisame baka mabagsakan ka ng kung ano.

JR:  Hi!

Dei:  Anong ginagawa mo dito?

JR:  I am the one handling Home Cuisine, hindi ba sinabi ni Ram?  Been here for two weeks now.

Dei:  Ah, ok.  Welcome back to Summit Holdings then. Sige continue what you're doing, napadaan lang naman ako para tignan kung ano na nangyayari dito. 

Ang totoo napaisip siya, "two weeks ka ng nandito and you did not say anything to me?"

Joel: Mukhang hindi nagustuhan ni gf ang pagkagulat na makita ka dito bro.

by the seashoreTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon