Chapter 56

2.7K 131 4
                                    

Pagkatapos ng poetry reading nagkayayaang maginuman ang mga boys at magswimming ang mga girls.  Bumalik silang lahat sa kanya-kanyang kwarto at nagsipagbihis.  Naunang nakarating sa pool area sina Uno at Maxine.  Umorder na ito ng inumin at pulutan.  Makalipas ang sampung minuto nagdatingan na din sila Josh, Betina, Peter at Trixie.  Samantala sa kwarto naman nila JR at Dei.   Naupo si JR sa couch at hinila si Dei para mapakandong sa kanya.

Dei:  Ay! Ano ba Hon?  Magbibihis na ako.

JR:  Sandali lang dito ka muna.

Umayos ng upo si Dei sa kandungan ni JR at iniyakap ang braso sa leeg nito.

Dei: Hmmmm bakit ba?

JR:  Gusto ko lang sabihin sa yo na ang saya-saya ko. Binago mo ang buhay ko, ibinalik mo ang sigla at saya sa bawat araw ko.  Sa tinagal ng pagtatago ko,  paghahanap ko ng kaligayahan hindi ko na nahanap yon sa pagkukulong ko sa sarili kong mundo.  Ngayon, narealize ko madali lang naman palang maging maligaya, yung kasama lang kita; yung napapangiti at napapatawa kita;  yung naiisip ko na nami-miss mo ako at hinahanap hanap mo ako;  yung titigan ka lang, hagkan ka lang at yakapin ka lang ng ganito. Sobrang saya ko na at parang sasabog ang dibdib ko sa kaligayahan.  Thank you ha at sana napapasaya din kita. Kasi Gia, hindi ko kakayanin kung mawawala ka pa sa buhay ko.

Dei:  Walang araw na hindi ako naging masaya dahil sa yo Richie. Hindi ko maibabalik sa normal ang buhay ko kung hindi dahil sa yo. Maligaya din ako na katabi ka lang, panatag ako kapag yakap mo ako pakiramdam ko walang makakasakit sa akin kapag kasama kita.  Pinilit kong gamutin ang puso ko dahil gusto kong ibigay ito sa yo ito ng buo. Because you deserve a heart which is whole... katulad ng puso ko nung college na nagmahal sa yo kahit hindi mo ako kilala. Mahal kita Richie... noon at hanggang ngayon. Mahal pa rin kita.

Niyakap ni Dei si JR. Nagunahang tumulo ang luha sa pisngi niya at humikbi ito.  Naramdaman yon ni JR inilayo niya ang katawan sa kasintahan para tignan ang mukha nito. Pinahid niya ng kamay ang mga luha nito.

JR:  Oh bakit ka umiiyak?  Tahan na, naiiyak na din ako eh.

Dei:  Masaya lang ako, hindi ko akalain na masasabi ko pa yan sa yo eh.

Hinagkan ni JR ang noo ng kasintahan, ang pisngi at ang labi ng biglang tumunog ang celphone nito. 

JR:  Ano ba namang istorbo naman eh.  

Dei:  Sagutin mo na, magbibihis na ako.

Tumayo na si Dei at nagtungo ng banyo para magbihis ng two piece.

JR:  Hello Uno, oo papunta na kami.

Nagpalit na siya ng sando at ng trunks.  Magkahawak kamay nilang nilisan ang kwarto habang nakangiti.  Kitang-kita ang ligaya sa mga mukha nilang dalawa ng makarating sa kinaroroonan ng mga kaibigan.  Nanukso tuloy ang mga ito. Magkatabi silang naupo at nakisali sa kwentuhan. May dalang tequilla si Trixie.  Una, wine lang ang iniinom ni Dei.  Ayaw sanang uminom ni Dei dahil alam niya kung pano siya malasing.  Pero mapilit si Betina at Trixie.  Dahil gustong makisama pinagbigyan niya ang mga ito.  Nang maubos ang isang bote ng tequila, naginom naman sila ng san mig light.  Dahil halo-halo ang ininom nalasing silang lahat.  Sabay sabay silang pasuray suray na naglakad pabalik ng kwarto.  Pagpasok ng kwarto ni JR sa couch na ito bumagsak, si Dei naman nakarating pa ng kama. Ang huling natatandaan niya narinig niyang magpaalam si Uno at Maxine at nagblackout na siya.

Bandang alas onse na ng umaga ng magising si Dei sa amoy ng brewed coffee at mga naririnig na boses na nagtatawanan galing sa veranda ng kwarto nila. Pagbangon niya naramdaman niya ang sakit ng ulo. Dumeretso siya sa banyo para magbihis at maghilamos.  Dinatnan niya na nagkakape at nagaagahan si Maxine, Uno at JR.

by the seashoreTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon