Chapter 18

2.8K 139 5
                                    

Matapos ang trabaho, pumunta si Dei sa beach front resto. Umorder ng frozen margarita at dumerecho sa beach. Ni hindi nito napansin ang ama-amahan, si Ram at JR na papunta din sa beach front. Naglalakadlakad ito at nagsasalita na namang magisa.

Sir Simon: Matagal na niyang hindi ginagawa yan ah.

JR: Oo nga ho.

Ram: Baka nagsusumbong sa Papa niya.

Sir Simon: Ewan ko ba hindi na natapostapos ang problema ng batang yan. Mabait na bata naman.

Ram: Dad, ibinibigay yon ng Dyos sa kanya dahil alam ng Diyos na kaya nyang dalhin. Pagkatapos she learns from it. Kaya nga wise yang dalaga ninyo dahil sa dami ng pinagdadaanan eh. Huwag nyong alalahanin yan, ang alalahanin ninyo itong binata ninyo dito kung may natutunan ba sa pinagdaanan niya.

Natawa si Sir Simon sa sinabi ni Ram.

JR: Ako na naman ang nakita ninyo. But just so you know I learned how to value what I have and love life more. I have everything I need to live. Kung si Dei nga who does not have anything or anyone natutong mabuhay para sa iba. Now I know I should do the same. And I also learned that kaakibat ng pagmamahal ang pain. Wherever Chelsea is am sure she is happy that I am back to being myself again.

Sir Simon: Nice to hear you say that Richie.

Ram: May pinaghuhugutan ka bro?

JR: Kuya sasabihin ko sa yo kapag sigurado na ako. sa ngayon ang alam ko lang may taong nakakaapekto sa emotions ko I am not sure why.

Ram: so anong dinner natin? dito ako kakain bukas pa uuwi si Krizza eh.

Sir Simon: Mukhang napapadalas sa Maynila yang asawa mo. Anong pinagkakaabalahan?

Ram: Ang sabi aattend lang daw ng reunion. Pinagtataka ko hindi naman humingi ng pera sa akin.

JR: Malay mo naman hindi pa nauubos yung allowance na binigay mo tsaka bago umalis yon laging nandidito, so walang pinagkakagastusan.

Sir Simon: alam mo Ram, isa lang ang gusto ko dyan sa asawa mo. Kahit kelan hindi humingi ng tulong para sa pamilya niya. Hindi ba regular employee lang ng gobyerno ang magulang niya at ilan pa yung kapatid na nagaaral?

Ram: Oho, tatlo ho, isang graduating ng college, isang 3rd year college at isang high school. Kapag bumibisita ho kami sa kanila, inaabutan ko naman si Nanay kahit papano minsan tinatangihan kaya ang binibigyan ko yung mga kapatid nya.  Para kahit papano hindi na humingi ng baon. Kahit nga ho pagpapabili ng kung ano anong bagay ni Krizza nabawasan na. Mukhang maganda ho ang impluwensya ni Dei sa kanya.

Nakita ni JR na nasa bar si Sam. Tinawag niya ito.

JR: Sam, magpaluto ka ng sinigang na hipon, sweet and sour na lapu-lapu, lobster with sour cream at calamares para sa dinner namin.

Sam: Wow! puro favorite ni Dei to ah.

JR: pasasayahin lang natin malungkot eh, Dad may gusto ka pang ipadagdag?

Sis Simon: Mapangiti mo lang ang dalaga ko Richie, kumpleto na ang dinner ko.

Tumayo si JR, umorder sa barista ng isang frozen margarita at isang brandy. Bitbit ito pinuntahan niya si Dei. Umupo siya sa tabi nito sa buhangin.

JR: Oh dinalhan ko na ng kapalit yang baso mo wala ng laman eh.  Nagsumbong ka na sa Papa mo? Anong sabi sa yo? ang tanga-tanga mo daw?

Dei: Grabe ka naman kung makatanga.

JR: Ok ka lang ba?

Dei: Hindi eh.

JR:  Alam mo pala na engaged si Uno bakit pinabayaan mong mapalapit sa yo?

by the seashoreTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon