Chapter 44

3.4K 132 2
                                    

Kinabukasan  alas alas diyes na  ng magising si Dei, dahil sa tunog ng cellphone niya. Galing sa unknown number na naman. Ang message...  "Gia, nak. I'm leaving in 2 hours. You can live your normal life again. Sorry and take care."

Kumuha siya ng kape at naglakad-lakad sa garden.  Naggood morning si Dave sa kanya pero tumango at ngumiti lang siya dito. Iniisip ni Dei ang sinabi ni JR tungkol sa ina.  Naisip niya gumagaan ang pakiramdam nito kapag nakakausap siya, siya kaya ganon din ang mararamdaman niya kung sakali? Tama si JR, para siyang Daddy niya, hindi niya kayang talikuran ang kahit na sinong taong mahalaga sa kanya. Tulad ni Daddy Simon, hindi niya ito maiwan dahil sa utang na loob niya dito; Si Eric hindi niya maigive up dahil si Eric na lang ang natira sa kanya nung panahong nagiisap siya hindi siya iniwan nito; Si Uno hindi niya nakuhang magalit dahil alam niyang yun lang ang kayang ibigay nito; Pati na ang mga tao sa Resort at ang mismong lugar hindi niya maiwan dahil mahalaga ang alaala ng mga ito sa kanya; at si JR hindi niya kayang tanggihan ang bawat gusto nito dahil kahit kelan hindi siya nito pinabayaan.  Pero bakit kahit isa sa mga ito kahit minsan hindi nya naisip na hindi nya kayang iwan dahil mahal nya ang mga ito na katulad ng pagmamahal niya sa Papa niya. Noon lang niya narealize na naging napakadali sa kanya na nilisan ang Destiny dahil lang nandon ang Mama niya.  At kahit minsan hindi niya inamin sa sarili o nasabi man lang kahit sa sarili na mahal niya ang mga ito.  Napaisip siya, nakakaramdam pa ba siya ng pagmamahal? Ganon na ba kawasak ang puso niya para hindi matutunang mahalin ang mga taong ito?

Napaisip siya, habang buhay na nga ba siyang ganito? Habang buhay na bang utang na loob lang ang dahilan kung bakit hindi niya maiwan ang mga taong tumanggap, nagaruga at nagmahal sa kanya. Kapag ganito ng ganito habang buhay na din miserable ang buhay niya. Paano si JR?  Paano niya  mamahalin si JR kung ganito kawasak ang puso niya?  Kailangang subukan niyang buuin ang puso niya, subukang tanggalin ang galit na namamahay dito para magkaron ng puwang para sa pagmamahal.  Nagdesisyon si Dei ng oras na yon.  Pupuntahan niya si Gina Paredes para magkaron ng sagot ang mga tanong niya, baka sakaling sa pamamagitan nito, maghilom ang sugat.

Nagshower si Dei at nagbihis.  Hinanap niya ang lisensya at susi nya sa gamit ni JR.  Nakita siya ni Dave na kasalukuyang naglilinis sa banyo ng masters bedroom.

Dave:   Ate, anong hinahanap mo?

Dei:  Yung susi ng motor ko at yung lisensya ko. Nakita mo ba kung saan itinabi ni JR?  Pupuntahan ko kasi ang Mama ko.

Dave:  Yung susi baka nandon sa lalagyan ng susi sa may dining area.  Yung lisensya mo hindi ko alam, baka dyan sa drawer sa dresser.  Dyan nilalagay ni Kuya ang wallet niya eh at mga credit cards.

Binuksan ni Dei ang drawer.  Nakita niya ang wallet ni JR.  Binuksan niya ito at napatunganga siya.  Litrato ni JR at ni Chelsea ang nasa wallet nito. Nanlalambot na napasandal  si Dei sa upuan. Nasabi niya sa sarili... "Asa ka pa talaga Dei na mamahalin ka niya? Ayan oh malinaw pa sa sikat ng araw, litrato pa rin ni Chelsea ang nasa wallet niya."  Nakita ni Dave ang naging reaksyon niya.  Lumapit ito sa kanya.  

Dave:  Ate bakit?

Hindi umimik si Dei.  Binuklat buklat lang nito  ang ibang parte ng wallet, nakita niya ang lisensya niya.  Kinuha niya ito.

Dave:  Ate, bakit ba parang nalungkot at nanlumo ka?

Dei:  Di ba tinanong mo ako kung mahal ko pa yung dati?  At kung mahal pa niya yung dati?

Dave:  Opo, ang sabi mo  hindi na at hindi mo alam kung ano ang sagot ni Kuya pero hindi porke wala na hindi na mahal.

Iniabot ni Dei  ang wallet ni JR kay Dave.

Dei:  Tignan mo na lang yan, malalaman mo ang sagot sa tanong mo.  Pabayaan mong matulog ang Kuya mo ha, hindi nakatulog yon kagabi.  

Kinuha ni Dave ang wallet pero hindi naman binuksan ibinalik ang wallet sa drawer.  Sinundan lang si Dei pababa hanggang makarating ito ng garahe.

by the seashoreTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon