Pagkatapos ng hapunan niyaya ni JR sa salas si Dei, Dave at Diane. Naisip niya kung kakausapin niya si Dei sa harap ni Dave at Diane hindi ito basta magiging emotional. Naupo si Diane at Dave sa single couch, si Dei sa 3 seater tumabi sa kanya si JR.
JR: Dinala ko ito kasi binigay ni Daddy ang sabi sa akin ibigay ko sayo at kausapin kita ng mabuti. Ayokong magalit ka sa akin, wala lang talaga akong choice kasi si Daddy ang nagutos ok? Galing ito sa Mama mo.
Ipinatong ni JR ang envelope sa harap ni Dei. Inakbayan nya ito.
Dave: Kuya, anong laman niyan?
JR: Mga importanteng papeles para kay Ate Dei mo.
Diane: Hindi naman yan ipipilit na maibigay sayo kung hindi importanteng makita mo. Ate, baka gamit ng Papa mo yan.
JR: Parang ganon, actually bigay yan ng Papa nya sa kanya.
Dave: Ate, tignan mo na, wala namang mawawala sayo. Malay mo gusto lang ibigay sayo ng Mama mo yan dahil pinabibigay talaga ng Papa mo.
Kinuha ni Dei ang envelope at inilabas ang unang papel na nahawakan. Niyakap ni JR ang dalawang braso sa bewang ni Dei at ipinatong ang baba sa balikat nito. Nakatitig lang si Dei sa papel.
JR: Yan ang titulo ng lupa at bahay ninyo sa Manila. Yung dating tinitirhan ninyo. Ipinalagay ng Mama mo sa pangalan mo two years ago kahit hindi niya alam kung saan ka hahanapin.
Dei: Hinanap ba talaga niya ako? Ni hindi nga niya pinuntahan ang Papa nung... pati mga kamaganak niya walang pumunta.
JR: Alam daw niyang wala siyang karapatan dyan simula ng tinalikuran niya kayo.
Dei: Hindi na siya nakatira don?
JR: Ilang buwan pagkawala ng Papa mo umalis siya don. Hindi niya daw kayang tumira don.
Dei: San na siya nakatira?
JR: Hindi ko alam, wala naman siyang nabanggit.
Dave: Wow Ate Dei, may bahay at lupa ka na pala eh.
Binuksan niya ulit ang envelope at kinuha ang bungkos ng papel na natitira.
Dei: Ano to? Metrobank, Time Deposit sa Pangalan ko?
JR: Ipinagbukas ka ng Papa mo ng Time-Deposit worth two hundred thousand, duration is three years. Nung mawala ang Papa mo at wala ng magasikaso ng restaurant niya, ibinenta ito ng Mama mo at lahat ng pinagbentahan ipinasok ng Mama mo dyan. Currently ang laman niyan ay 4.8 Million. In 3 months time matatapos na yung 3 years duration niyan kaya ka gustong makausap ng Mama mo.
DeI: Hindi ko naman kailangan ito eh. Kanya na lang kung gusto niya. Nakokonsensya siyang gastusin ang Pera ng Papa, meron pala siya non?!
Dave: Grabe ate milyonarya ka pala eh.
JR: So, kailangan mong pumunta sa Manila para makipagusap sa banko. Sabi ng Mama mo sa akin, gusto ng Papa mo na matupad mo ang mga pangarap mo kaya ka ipinagbukas ng time deposit. Dyan nilagay ni Mama mo ang lahat ng pera ng Papa mo dahil alam daw niyang yon ang gustong mangyari ng Papa mo.
Dei: Parang mabait naman ang Mama mo Ate Dei, kasi kung iba yan, hindi mo naman alam ang tungkol dyan di ba, baka ginastos na yan o ideneposit sa pangalan nya iyong napagbentahan ng restaurant ng Papa mo, pati yang titolo, dapat conjugal property yan di ba kasi magasawa sila pero ipinangalan pa rin niya sa yo.
JR: Sabi mo hindi ka mahal ng Mama mo, siguro tama ka, pero at least alam niya kung gaano ka kamahal ng Papa mo kaya lahat ginawa niya ayon sa kagustuhan ng Papa mo and I think that also shows how much your Mom loves your Dad.
![](https://img.wattpad.com/cover/75447902-288-k132633.jpg)
BINABASA MO ANG
by the seashore
RomanceThey say Love can either make or break you. Read how JR and Dei broke their hearts and how they learned that love can teach you a lesson or two.