Nagulat si Dei ng yayain siya ni Krizza magbonding. Gusto din naman niyang makasundo ito kaya sumama siya. Nagpabody scrub, wax at spa sila. Tapos nagpamanicure at pedicure at bumili ng bagong stilletos. Nagenjoy naman siya sa company nito lalo na at nagpagusapan ang mga movies at fashion. Tumambay pa sila sa Starbucks at nagboy watching at nagkwentuhan na din.
Krizza: I saw sa FB mo, you changed your status, wala na kayo ni Eric?
Dei: Matagal na, Ikaw ang tatanungin ko Krizza, minahal mo ba si Ram kasi isa siyang Santillan-Perez?
Krizza: Hindi no, hindi ko nga alam na mayaman pala ang angkan niya eh. Malay ko ba eh hindi naman ako mayaman. Dito lang kami nagkita sa Bora sa isang beach party tapos yon na.
Dei: Exactly kung magmamahal ako hindi dahil mayaman siya, I want something more.
Krizza: Pasenya ka na sa akin noon ha tsaka. Thank you kasi nalaman ko sa yo pala nakuha ni Ram yung mga idea niya.Kaya alam ko na ngayon na kapatid lang talaga ang turing mo sa kanya.
Dei: pasensya ka na din, dapat din naman kasi hindi ako ganon ka close kay Ram pero talagang kuya lang ang turing ko sa kanya. Tsaka baka nagseselos ka sa treatment sa akin ni Daddy?
Krizza: Hindi, yun ang hindi ko pinagselosan dahil alam ko kung papano mo inabot yang inabot mo ngayon. Kung ano ang binigay sayo ni daddy dahil pinagtrabahuhan mo yan.
Dei: Thanks Krizza
Krizza: Naiinggit ako sa yo kasi nagagawa mo ang gusto mo, eh ako kay Ram lang ako umaasa.
Dei: Pwede mo namang gawin ang gusto mo, kaya lang syempre dapat pinaghihirapan mo din. bakit hindi ka magbusiness para may sarili kang kita.
Krizza: saan naman ako kukuha ng puhuanan, eh tinitipid ko nga yung ibinibigay ni Ram kasi binibigay ko kay Nanay pangpaaral sa mga kapatid ko. Yung mga ipinabibili ko kay Ram na gamit marami don wala na kasi ibinebenta ko din para maibigay ang pera sa amin.
Ngayon lang nalaman ni Dei yon, nahabag naman siya kay Krizza
Dei: Ano bang negosyo ang alam mo? Anong course ka ba graduate?
Krizza: Fashion and interior design.
Dei: Wow! patingin ng mga sketches mo.
Pinakita ni Krizza ang mga sketches nya na kinuhanan niya ng pictures sa celphone niya.
Dei: Wow Krizza ang gaganda. Dapat magbukas ka ng boutique.
Krizza: Papano eh hindi naman ako marunong sa negosyo.
Dei: Eh di kukuha tayo ng marketing associate at mga staff mo, mga mananahi. Lahat naman nagsisimula sa maliit eh.
Krizza: Naeexcite ako.
Dei: Ako din!
Alas dos na ng hapon ng bumalik ang dalawa, may uwi pang cufflings para kay Ram at JR.
Ram: Ang tagal nyo naman
Krizza: Ganon talaga ang mga babae babe pag nagpapaganda.
JR: Patingin ng maganda
Naupo ang dalawa sabay nagcrosslegs. Napapito si Ram
Ram: you had whole body waxed?
Krizza: Yes
Napalunok lang si JR ng makita ang makinis na legs at hita ni Dei.
Ram: Babe, halika uwi muna tayo?
Nagtawanan sila.
Krizza: Ay, I bought you something.
Dei: Oh, sungit! Pasalubong mo.
BINABASA MO ANG
by the seashore
RomanceThey say Love can either make or break you. Read how JR and Dei broke their hearts and how they learned that love can teach you a lesson or two.