Pagkatapos ng tanghalian nagligpit si Dave at Dei. Binuksan ni JR ng TV at aircon sa kwarto na nagsisilbing entertainment room at nanood ng movie sa HBO, Harry Potter ang palabas.
Dei: Gusto ko yan, pwedeng dyan na lang.
Umupo si JR sa sahig na may carpet at sumandal sa bandang gitna ng couch. Humiga naman si Dei sa Couch. Biglang lumapit si Dave kay Dei.
Dave: Ate tignan mo to, ang daming naglike sa post ko ng niluto mo at tsaka nagcomment sya oh.
Napaupo naman si Dei. Nabasa niya ang post ni Dave "Luto ng Ate Dei ko, Yummy! #panginternationalcuisine. Nagcomment si Diane (yung babaeng kinukwento niya kay Dei) "Wow! sarap, pahingi" #inggitmuch
Dei: Oh, magreply ka. bilis.
Dave: Anong sasabihin ko?
Dei: Lagay mo, "Ubos na eh, pero gusto mo I'll cook for you." #bakasakalilang
Sumagot naman si Diane "bakit masarap ka din magluto?" #yungtotoo
Dave: Ate oh, sumagot ulit anong sasabihin ko?
Dei: Sabihin mo "syempre may pinagmanahan eh. dalhan kita food and you be the judge" #seriousako
Sumagot ulit si Diane. "hintayin ko yan ha" #masseriousako
Dave: Yes!!! Ate ang galing mo! Niyakap ni Dave si Dei
JR: Hoy, makayakap ka naman.
Dave: Kuya naman selos agad. Ate, kayo ni Kuya nagte-text din?
JR: Hindi siya mahilig makipagusap sa text.
Dei: Mahilig lang akong magsend ng quotes for the day.
Dave: Masaya kaya makipagtext.
JR: bakit alam mo may katext ka, Oy Dave baka puro text lang inaatupag mo ha.
Dei: Grabe naman to, para text lang, ikaw nga nagtatrabaho nagtetext eh. Ang KJ mo. Parang hindi mo ginawa yan nung college ka. So katext mo na si Diane?
Napatingin si Dave kay JR. Tinatantsa kung magagalit si JR.
Dave: Hindi ate wala akong number niya eh. Nahihiya akong hingin.
JR: Eh ang hina mo naman pala kung ako yan natawagan ko na yan.
Dei: oh kita mo sabi ko sa yo wag kang masyadong natatakot dyan sa kuya mo kunyari lang matino yan. Babaero yan nung college.
Biglang inabot ni JR ang tagiliran ni Dei at kiniliti.
JR: Sinong babaero ha?
Bumungisngis si Dei at hinawakan ang kamay ni JR.
Dei: Oh hindi na wag kang magulo, tinuturuan ko pa si Dave eh
JR: Ano naman tinuturo mo?
Dei: Magmessage ng matino. Kasi sa yo walang matututunan ito eh.
JR: Hala siya, hindi lang sumagot sa text mo minsan hindi na matino?
Dei: Hindi ako nagsabi niyan, ikaw.
Humarap sa kanya si JR lumuhod sa harap ng couch at kiniliti sa magkabilang tagiliran si Dei. Tawa ng tawa si Dei.
Dei: Hindi joke lang. Tama na kasi. Oh sige turuan mo na lang si Dave. Kasi mamaya magluluto siya at dadalhan niya si Diane.
Dave: ano ate? hala... nahihiya ako. Sa school nga hindi ko kinakausap yon kasi ang daming mayayaman na manliligaw eh.
Dei: Marami din akong naging manliligaw nung College but I don't even remember any of them. Gusto mo bang maging katulad ka nila? Or do you want to be that one guy na kahit hindi kayo naging kayo eh tumatak ka sa isip at puso nya. That one guy who she can never forget?
BINABASA MO ANG
by the seashore
RomanceThey say Love can either make or break you. Read how JR and Dei broke their hearts and how they learned that love can teach you a lesson or two.