Chapter 43 (Strictly For Adults Only)

4.1K 138 1
                                    

Isang oras ng nakahiga si Dei sa tabi ni JR, nakapikit, hindi gumagalaw pero gising ang diwa. Hindi talaga siya makatulog.  Pinakiramdaman ni Dei si JR, mukha namang malalim na ang tulog nito at medyo naghihilik ng mahina.  Iniangat nito ang braso ni JR na nakayakap sa kanya, dahandahang tumayo at inilagay ang unan sa tabi ni JR at doong ipinatong ang braso nito. Maingat na naglakad ng tahimik, nakita nya ang polo ni JR, hindi niya alam kung bakit pero binitbit niya ito at paglabas ng kwarto inamoy.  "Hala, maghapon ng niyang suot mabango pa din, nakakainis!" Bumungisngis siyang magisa.  Gustong-gusto nya ang amoy ng pabango ni JR, she took a mental note na itatanong niya dito kung ano ang pangalan ng pabango.

Pumunta siya sa sala, naupo, kinuha ang dokumentong galing sa Mama niya at binasa ng mabuti. Hindi siya makapaniwalang nasa pangalan niya ang mga ito. Maraming tanong sa isip niya:  Bakit hindi dumating ang Mama niya nung kailangan niya ito?  Bakit hindi siya hinanap? Bakit hindi niya nilingon ang Papa niya?  Bakit ginawa ito ng Mama niya?   Siguro para mabawasan ang guilt nito, siguro para makagaan sa konsensya niya at siguro talagang mahal lang ng Mama niya ang Papa niya kaya sinunod nito ang lahat ng gusto ng Papa niya. 

Nagsimulang magunahan sa pisngi ang luha niya. Pinunasan niya ng laylayan ng polo ni JR ang luha niya, ng maamoy niya ito napatigil siya sa pagiyak. Parang naririnig niya ang boses nito na pinapatigil siya sa pagiyak. Bitbit ang envelope pumunta siya sa kusina. Kinuha ang isang pack ng sanmig light in can na nakita. Naisip niya, magpapaantok lang siya, hindi na siya iiyak. Gusto lang talaga niyang makalimot at makatulog na. Ipinatong ang envelope at polo sa speaker. Ibinaba ang beer sa carpet at inilatag ang sofa bed. Tumingin ng CD at nakita niya ang CD ni Jill Sobule, isinalang at pinatugtog ng mahina. At nagsimulang uminom.

Naubos na niya ang pangapat na can ng maisipang isuot ang polo ni JR, hinubad ang blouse, wala siyang suot na bra kapag natutulog, isinuot ang polo shirt at ibinutones iniwang bukas ang tatlong butones sa taas. Napabungisngis pa ito ng maisip na parang yakap siya ni JR habang suot ang polo nito. Hinubad ang short, naka black na boyleg lang siya. Mas komportable siyang matulog ng ganon. Nilakasan niya ang aircon, pinatay ang bright lights, pinalitan ng dim light. Hihiga na sana para matulog nang tumugtog ang version ni Jill ng "Can't take my eyes of you". Napatayo siya at sumayaw.

Yun ang inabutan ni JR ng bahagyang buksan niya ang pinto ng entertainment room bandang alas dos ng madaling araw. Nagising kasi itong wala si Dei sa tabi niya. Kaya hinanap niya ito.  Ilang sandali niya itong pinagmasdan, kinuha nito ang beer, uminom at nakapikit pa na sumasayaw ng sexy. Napansin niya ang polong suot nito naisip niya na "nagmukhang maikling damit pero ang sexy tignan sa kanya ng polo ko". Umiindak ang bewang ang balakang nito at gumigiling pababa at paitaas, kinagat pa ang labi. Napalunok si JR. Dahan-dahang pumasok si JR sa kwarto,maingat na isinara ang pinto ewan kung bakit naisipan niyang ilock ito. Sandali pa niyang pinanood ito, nagmulat ito ng maramdamang may nanonood sa kanya.

JR: Iniwan mo ako, nagising tuloy ako. Umiinom ka na naman.

Lumapit si Dei sa kanya at iniyakap sa leeg ang braso nito, habang sumasayaw pa rin.

Dei: Nagpapaantok lang ako, hindi talaga ako makatulog eh, pero hindi ako umiiyak oh. Hindi ako makaiyak naaamoy kita dito sa Polo mo eh.

Natawa si JR. Hinawakan ang bewang ni Dei habang sumasayaw ito.

JR: Eh bakit suot mo ang polo ko?

Dei: Para kunyari yakap mo ako.

JR: Sana ginising mo na lang ako, yakap ko lang pala ang gusto mo.

Inabot ni JR ang isang can ng beer, binuksan at ininom ang kalahati.

Dei: Hon, sayaw tayo.

JR: Isasayaw kita kung magpa-promise ka na hindi ka na iinom magisa. Kahit anong oras mo gustong uminom sasabihin mo sa akin para masasamahan kita.

by the seashoreTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon