Nakaisang buwan ng bukas ang The Home Cuisine at maganda naman ang pagtanggap ng mga tao dito. Marami-rami na ding mga Executives na nagtatrabaho sa Ortigas na regular ng nagla-lunch at dinner dito. May mga regular na nakatira mismo sa Valle Verde ang nagbe-breakfast at bumibili ng pastries dito. Tulad ng pangako ng mga kaibigan ni JR, nagpupunta ang mga ito kasama ng girlfriend o mga date nila. Minsan na ding bumisita doon si Uno kasama si Maxine at ang mga sosyal na kaibigan ni Uno na nakilala noon ni Dei. Natutuwa si Dei na nagustuhan ni Maxine ang ambiance at food ng kanyang restaurant and talagang ipinagmamalaki ito sa mga kaibigan. May pagkakataon pa nga na tumawag sa kanya si Maxine at umorder ng pagkain at ipinapick-up ito sa driver niya. Naisip ni Dei, "Mabait si Maxine, maswerte si Uno at masaya siya na kahit papano ay maganda ang kinahinatnan ng arrange marriage nila."
Natapos na ang Culinary Class ni Dei at sa umaga pagkatapos ng trabaho sa Summit sa The Home Cuisine naman siya naglalagi at doon siya sinusundo ni JR para ihatid pauwi. Isang araw nagulat si Dei ng may naghanap sa kanya na Customer.
Dave: Ms. Dei may Customer po na naghahanap sa owner ng Restaurant. Kaibigan nyo daw po siya. Eric daw po ang pangalan.
Pinuntahan ito ni Dei sa garden area. Tumayo si Eric ng makita siyang papalapit.
Dei: Hi! It's nice of you to come by.
Iniabot ni Eric ang isang bouquet ng roses sa kanya.
Eric: Congrats! You finally reached your dream. Masaya ako para sa yo.
Dei: Nagabala ka pa. Thanks anyway! Magisa ka lang?
Eric: Oo, actually kanina ko lang nalaman ang tungkol dito sa lugar mo. Nagpost si Uno ng picture nila sa FB, kaya ko nalaman. This is really nice. I really like the concept.
Dei: Thanks! Masaya din ako alam kong masaya na ang Papa ko. Ikaw, kamusta naman?
Eric: Eto, enjoying being a bachelor. Pero nakakamiss pa din yung may girlfriend na nangungulit.
Dei: Eh bakit kasi hindi mo ligawan ang isa sa mga babaing umaaligid sa yo.
Eric: Tatapatin kita, hindi pa kasi kita makalimutan eh. Umalis ako nagpadestino sa US baka sakaling mapadali ang paglimot pero hindi eh.
Samantala, pumarada ang sasakyan ni JR sa tapat ng restaurant, bababa na sana ito ng makita mula sa labas si Eric at Dei. Nakita niyang hinawakan ni Eric ang kamay ni Dei.
Eric: Wala akong balak manggulo, gusto ko lang na malaman mo. Alam kong masaya ka na pero hindi ko lang talaga mapigil na hindi ka puntahan. Ok na sa akin makita ka lang.
Bahagyang hinila ni Dei ang kamay niya.
Dei: Eric, lalo mo akong hindi makakalimutan kung palagi mo akong nakikita. Ayoko ding saktan ka pero mahal ko si Richie. Talagang pagkakaibigan na lang ang pwede kong ibigay sa yo. Sana naiintindihan mo naman ang sitwasyon ko.
Eric: Tulad ng sinabi ko hindi ako nanggugulo tama na sa akin na alam mo at ok na nakikita lang kita pabayaan mo na lang na paminsan-minsan puntahan kita dito.
Hindi na nakasagot pa si Dei, dumating na kasi ang pagkain ni Eric.
Dei: Sige na magdinner ka na, I hope you enjoy the food.
Eric: namiss ko na nga ang mga luto mo eh.
Ngumiti lang si Dei at nagpaalam na.
Dei: Paki asikaso si Eric ha.
Dave: Yes Mam.
Tumayo na si Dei at nagpunta sa kitchen.
Nanatili si JR sa sasakyan ng 15 minutos pa, nakita niya lahat ng nangyari, hindi man niya narinig ang paguusap nila, kinukutuban pa rin siya sa pagpuntang yon ni Eric. Pumasok ito sa Maine Entrance ng Restaurant, alam niyang nakita siya ni Eric pero nagkunwari siyang hindi niya ito nakita.

BINABASA MO ANG
by the seashore
RomantikThey say Love can either make or break you. Read how JR and Dei broke their hearts and how they learned that love can teach you a lesson or two.