Napakasakit para Kay Eunice ang biglang pagkawala ng walang dahilan ni Roland..
Isang taon tumagal ang kanilang relasyon at ni minsan,ay hindi sumagi sa isip niya na aabot sila sa hiwalayan.
Ni walang dahilan siya na makita kung bakit.,
Ang buong akala nia maayos sila..
Teenager plang sila ng unang magkakilala sa tulong ng pamangkin ni Roland na best friend naman niya.
Unang kita palang niya sa binatilyo pa noong c Roland ay nakadama na agad siya ng tuwa sa kanyang puso.
Pilit niyang pinigilan iyon kahit ang totoo ay parang nais na niya ihiyaw dito na gusto niya ito.
Ginawa n lamang niyang inspirasyon ang lihim na pagtatangi pra sa binata.
Madalas ang pagsama sama ni Roland sa kanila noon,.
Wala itong pakialam kung dalawang babae lamang ang kasama niya.
Marahil siguro ay bago siya sa barangay,at ni isang kakilala ay wala, liban sa kanya at sa isa pa niyang kaibigan.
Natatandaan pa niya noong ayain niya ito sa lumang subdivision na hindi naituloy ang renovation...
"Roland! Tara,jogging tayo!"
Masaya ngunit kabadong aya ni Eunice,dama niya ang pag iinit ng kanyang pisngi habang minamasdan ang mapupungay na mata ng binatang Tila ba parang laging nakangiti sa tuwing ikaw ay kanyang titingnan.
Alas sinko pa lang ng umaga..nag aagaw pa ang dilim at liwanag..
Nakaupo c roland sa balkon at nagkakape.
"Kayo na lng muna.."
Nakangiting sagot nito.
"Sige.." Malungkot n sagot ni Eunice pero ngumiti xa pra takpan ang pagkadismaya.
Crush.
Yan ang tawag ng karamihan sa nararamdaman niya.
Siguro nga.
Pero para Kay Eunice... Pag-ibig ang tamang salita.
Halos isang taon na rin magmula ng maging magkaibigan sila.
Buong akala niya siya lang ang may pagtatangi sa binata.
Pero isang umaga,nagtungo si Rowena sa kanilang bahay.
"Oh,Rowena? Ang aga mo nmn mangapit-bahay?"Birong wika ni Mang waldo. Ang ama ni Eunice.
Edad singkwenta na pero matikas pa at Tila di nagkakaedad,marahil dahil batak sa trabaho bilang mason,at palaging masayahin.Papasok n ito sa trabaho kaya't ito ang nakapagbukas ng pinto.
"Good morning po mang waldo,si Eunice po?"
May giliw na Sabi ni Rowena sa ama ni Eunice."Andyan sa loob,pumasok kna lamang at nag aagahan pa sila,mauuna n ako at baka ako eh malate sa trabaho." Wika nito sabay paandar ng bisekleta nitong nagsisilbi niyang service sa pagpasok sa trabaho.
"Sige po,mang waldo. Ingat po kayo." Habol na Sabi ni Rowena,saka pumasok sa loob ng bahay ng kaibigan.
Sa kusina,naroon sina Eunice, ang dalawa niyang kapatid at ang kanyang ina.
Inaya na din siya ni aling Carmen n mag agahan na pinaunlakan naman niya.
Pagkatapos kumain,mabilis na inaya ni Rowena sa balkon c Eunice.
Nagpalinga-linga sa paligid,sinisiguro na walang nakikinig o nakatingin.
"Ano bang tinitingnan mo?"
Nagtatakang tanong ni Eunice."Naniniguro lang ako na walang nakatingin,bago ko iabot itong.."
Sobrang kinikilig si Rowena habang iniaabot ang nakatiklop na yellow pad paper..
Nagtatakang inabot ni eunice ang papel na nakatiklop at nangingiting pinagmamasdan ang pgpilipit at impit na kilig ng kaibigan..
"Basahin mo na dali!!! Habang di pa ako tinatawag ni mama.."
"Sige.."
Akmang bubuksan palang ni Eunice ang sulat nang...
"Rowena!!!!!"
Napatawa si Eunice nang biglang tumawag ng malakas ang mama ni Rowena.
"Galing ng timing mo,ma!" Imbyernang wika ni Rowena ngunit sila lamang dalawa ang nakakarinig.
"Sige na,.baka sunduin ka pa dito,sabihin pa ng mama mo aga ko makipagtsismisan sayo"
"Basta yung sulat kwento mo huh!?"
"Tanong mo na lang doon sa nagbigay ng sulat.."
"Sa tingin mo sasabihin ni kuya Roland ang nilalaman niyan!? Basta..mamaya na lng!"
Roland?
Tama ba yung dinig ko?
Mula Kay Roland ang hawak Kong sulat?
BINABASA MO ANG
Ikaw Pa Rin
RomanceMahal nila ang isa't isa subalit tadhana talaga marahil ang sila'y magkahiwalay.. Ito ang kwento ng pag-ibig nina Eunice at Roland.. Hanggang saan ang pagmamahalan nila kung ang isa ay may takot na itinatago. At sa muli nilang pagkikita ay nkatali n...