---------------------------
~•Hell Day•~
---------------------------
*MARGA'S POV*
Hindi ko na pinasukan ang mga subjects ko ngayong umaga. Sira na ang araw ko at ayoko nang dagdagan pa ang mga masasamang nangyari sa'kin ngayong araw. Mananatili nalang ako sa lugar na 'to hanggang sa mag-uwian, at least kahit papaano safe ako dito sa mga bully. Hindi naman siguro magkakaroon ng lindol at bigla nalang maguho itong building. If ever na mangyari 'yon, I am totally convince na ako na talaga ang pinakamalas na tao sa balat ng lupa.
Umupo ako at sumandal sa pader, medyo tumataas na ang araw kaya kailangan ko na lumilim. Alam niyo naman ang mga manananggal takot sa araw.
"Water!?" may nagoffer sa'kin ng isang baso ng tubig.
"No thanks!" I refused without looking up to that person.
Sinong magaakala na sa lahat ng mga kamalasang nangyayari ngayon sa buhay ko ay may isang taong magmamagandang loob na bigyan ako ng tubig. Kung sino man siya napakabuti niyang tao, pagpalain siya nawa ng puong may kapal.
Teka, sino ba 'to? Titingin palang ako sakanya nang biglang.....
"WAAAAAAAH, ANG LAMEEEEG!!!!" literal akong nanigas nang may bumuhos sa aking napaka-lamig na tubig.
Tumingin ako sa taong gumawa no'n then I saw a masculine figure of a man standing infront of me. He's wearing a gray jearsey short na may tatak na number 17. His winter gray eyes are so familiar to me, even his havana brown hair, his ridged nose and the most notably, his devilish smile.
"BAKIT MO 'KO BINUHUSAN NG TUBIG!!!? ANO BA TALAGANG PROBLEMA MO, DAEMON!???" pinagtaasan ko na siya ng boses sa sobrang galit.
Ang dami ko nang problema tapos dumadagdag pa siya, buti sana kung nakakatulong siya but as usual he's here to annoy me.
"Wala lang! Mukha ba akong may problema? Mayaman ako, gwapo, malakas ang appeal at magaling magbasketball, so anong poproblemahin ko." pilosopong sabi niya.
"Aah, sa sobrang ganda ng buhay mo kaya buhay ko ang pinagtitripan mo." ako.
"Parang ganun na nga." siya.
Wala talaga siyang modo. Nang magsabog ang langit ng kabutihang asal malamang tulog siya.
"Wes, wala ako sa mood para sakyan 'yang kawalanghiyaan mo, 'wag ngayon, Daemon." kinuha ko ang bag ko para umalis.
"Hep! Hep! Where do you think you're going?" hinawakan niya ng mahigpit ang braso ko at ibinalik ako sa kinatatayuan ko. Sa laki ng katawan niya para lang akong bulaklak na inilipat sa ibang paso.
"Daemon, ano ba!? Bitiwan mo nga ako!" nabubuwisit na ako sa uggoy na 'to. Ano ba talagang trip niya bukod sa pagbuhos sa'kin ng malamig na tubig? O baka ang talagang pakay niya ay ang ihulog ako dito sa building para tuluyan na akong matigok.
"Hindi ka aalis hanggang hindi mo ipinaliliwanag sa'kin kung ano ang ibig sabihin nito." ipinakita niya sa'kin ang video na ipinakita rin sa'kin ni Clint kanina. Biglang nagiba ang tono ng pananalita niya.
![](https://img.wattpad.com/cover/76595400-288-k198331.jpg)
BINABASA MO ANG
Possessively
RomanceShe is Margarette Del Monte, the most unrecognizable woman in town. She used to be a nerd and a bookworm in school. She's invisible in the eyes of everyone like she doesn't exist in this world but it all ends when Daemon Alcantara comes into her lif...