-----------------------------
~•Sweet Kisses•~
-----------------------------
*DAEMON'S POV*
Put*nginang lalaking 'yon. Ang lakas ng loob niyang hamunin ako, wala naman pala siyang binatbat. Kung hindi lang ako inawat ni Marga baka wasak na ngayon ang pinagmamalaki niyang mukha. Isa pa yung panget na 'yon, matalino nga pero may pagkatanga lang minsan. Kung sumbatan niya ako parang ako ang unang umatake kay Gian, siya nga itong nauna e, I just defended myself. Palibhasa humaling na humaling siya sa lalaking 'yon kaya ganun niya nalang kung ipagtanggol. Bahala sila sa buhay nila, magsama silang dalawa.
Napuruhan din ako ni Gian. Malakas parin siya sumuntok kaya hindi nakakapagtaka kung bakit may ilang pasa ako sa mukha pero sinigurado ko naman na mas marami yung kanya. Masakit ang mga pasa ko pero hindi ko na ito pinagkaabalahang gamutin, sapat na ang isang bucket ng beer para maibsan ang sakit.
'Ganito ka na ba talaga kasama?Pinanindigan mo na ba talaga ang pagiging demonyo mo? Mabuti pa hindi nalang ako sumama sa'yo dito e, dahil walang magandang nangyayari kapag kasama kita. Ano, masaya ka na?! Nanalo ka, ikaw ang nagwagi. Kaya pwede ba umalis ka na bago pa tuluyang maubos ang pasensya ko sayo.'
First time ko siya nakitang nagalit nang ganun. Oo, lagi ko siyang inaasar at madalas siyang mabuwisit sa'kin pero iba siya kanina, base sa mga salitang binitiwan niya, sa diin ng pagkakasabi niya nito at sa mga tingin niya makikita na sobra siyang nagalit.
Hindi ko sinasabing natatakot ako sakanya, bakit ko naman katatakutan ang babaeng 'yon? Pero kasi, baka hindi niya na ako pansinin matapos ang nangyari sa'min ni Gian. Tulad kanina, nakita niya ako na mag-isang nakaupo sa cottage habang nilalagyan ng yelo ang pasa ko pero hindi man lang siya nag-abalang pansinin ako o tanungin kung okay lang ba ako.
Inaamin ko hindi kumpleto ang araw ko kapag hindi ko siya nakikita, wala akong inaasar, wala akong pinagtatawanan at pinagtitripan kapag wala akong magawa, ang boring ng buhay ko kapag wala si Marga kaya kung may katatakutan man ako maliban sa mukha niya, yun ay ang mawala siya sa'kin.
"Daemon, nandito ka pala," biglang sumulpot sa tabi ko ang mga kaibigan ni Marga.
"Ah, oo. Pampalipas oras lang at pampalamig narin ng ulo."
"Naks! Alam mo 'wag mo intindihin yung best friend namin na 'yon, papansinin ka rin no'n, ikaw pa ba?" sabi ni Vixen sa'kin.
"Sino?! Si Marga? Ano ba'ng pakialam ko sa bruhang 'yon? Ano naman kung magalit siya? Ako nga 'tong dapat magalit sakanya dahil ako na nga ang naagrabyado tapos ako pa itong papagalitan at susumbatan niya." nakatingin lang sila sa'kin habang maiging pinapakinggan ang saloobin ko.
"So, LQ kayo ngayon?!" Nomi.
"Oo, parang ganun na nga pero bakit ko ba siya iniintindi? Gaya ng sabi ko wala naman akong pakialam sakanya," tinungga ko ang isang bote ng beer upang pakalmahin ang sarili ko.
"Wala daw pakialam pero kung anu-ano ang pinagsasabi," Nomi.
"Oo nga, in denial din ang isang 'to e. Bagay talaga sila ni Marga, pareho silang laging may palusot," Vixen.
Nagbulungan silang dalawa at hindi ipinarinig sa'kin ang pinaguusapan nila.
"Ano 'yon?!"
![](https://img.wattpad.com/cover/76595400-288-k198331.jpg)
BINABASA MO ANG
Possessively
RomanceShe is Margarette Del Monte, the most unrecognizable woman in town. She used to be a nerd and a bookworm in school. She's invisible in the eyes of everyone like she doesn't exist in this world but it all ends when Daemon Alcantara comes into her lif...