-------------------
~•Sera•~
-------------------
*THIRD PERSON POV*
"Tigilan mo na ako, Gian. Patahimikin mo na ako," tumatangis na wika ng isang babae.
Hindi niya lubos akalain na kung sino pa ang taong ayaw niyang makita ay siya pa'ng taong nasa harapan niya ngayon. Akala niya'y nakalimutan na siya nito dahil ang balita niya'y may bago na itong kasintahan pero sa nakikita niya ngayon ay mukhang hindi parin siya nito nakakalimutan.
"How could I do that to the woman I still love? Hindi kita nalimutan, Sera. Hanggang ngayon ikaw parin, ikaw parin ang sinisigaw ng puso ko," mariing sabi ni Gian na nagsisimula naring umiyak. Lahat ng naipong sakit sa mahabang panahon na hindi niya ito nakita at nakasama ay ngayon palang kumakawala mula sakanyang loob.
"You're right, nothing had change," ngumiti si Gian sa itinuran ni Sera, parang binigyan siya nito ng bagong pag-asa.
"Hindi parin kita mahal, hindi parin ikaw ang mahal ko," mabilis na nawala ang ngiti sa mukha ni Gian. Ang akala niyang pag-asa ay siya palang panibagong kabiguan. Ayaw niyang paniwalaan ang sinabi ni Sera sakanya, hindi niya ito matanggap at kahit kailan ay hindi niya ito matatanggap.
"Hindi, hindi totoo 'yan," umiling si Gian bilang senyales ng hindi pagtanggap.
"Kalimutan mo na ako, Gian. Tahimik na ang buhay ko, bumalik lang ako dito para ipagtuloy ang pag-aaral ko at hindi para sayo."
"Pag-aaral lang ba talaga, Sera?" nagtatagis-bagang na wika ni Gian habang matalim na nakatitig kay Sera. "O baka naman nandito ka para balikan si Daemon. Tama ako, hindi ba?"
"Ano ba'ng sinasabi mo?"
"Nandito ka para kay Daemon, dahil hanggang ngayon siya parin ang gusto mo, siya parin ang mahal mo! SIYA PA RIN!! LAGI NALANG SIYA!!!" agad tinablan ng takot si Sera nang magtaas ito ng boses sakanya. Ang mukhang nababalot ng galit na nakikita niya ngayon sa kanyang harapan ay siya ring mukhang sumira sa lahat ng namamagitan sa kanilang tatlo dalawang taon na ang nakalilipas mula ngayon.
"Dahil siya naman talaga ang mahal ko, ang minahal at patuloy kong minamahal hanggang ngayon kaya hayaan mo nalang kami maging masaya, nakikiusap ako sayo."
"Kalokohan! Sa'kin ka lang, Sera! Sa'kin ka lang!" hindi na alam ni Sera kung paano niya pa pakikiusapan si Gian. Matigas ito, ayaw niyang nagpapatalo at nakatatak na sa isipan niya na walang ibang lalaki ang nararapat kay Sera kundi siya lang.
Ngunit kahit anong gawin ni Gian ay hindi na mababago ni Sera ang nararamdaman niya. Ipaglalaban niya ang pagmamahal niya kay Daemon, bagay na sinukuan niya nang umalis siya papuntang ibang bansa.
"Hindi, Gian. Hindi mo ako pag-aari. Bakit kasi hindi mo nalang ako hayaang maging masaya? Hayaan mo nalang akong bumalik sa taong mahal ko."
Tumiklop ang mga kamay ni Gian na sa labis na galit ay naging nag-aapoy na kamao. Para siyang sinisilaban sa tuwing ipapamukha sakanya ni Sera na si Daemon at hindi siya ang mahal nito.
"Sa tingin mo may babalikan ka pa? Hindi ka na mahal ni Daemon. Nakalimutan ka na niya at hanggang ngayon siguradong galit pa siya dahil sa pag-iwan mo sakanya."
Hindi itinatanggi ni Sera ang pag-iwan niya kay Daemon pero kung may dahilan man kung bakit niya nagawa iyon ay dahil sa kasamaan ng taong kaharap niya ngayon. Siya ang dahilan kung bakit nasira ang lahat at ang nagdala sakanya sa isang sitwasyon na kailangan niyang iwan ang taong mahal niya.

BINABASA MO ANG
Possessively
RomansaShe is Margarette Del Monte, the most unrecognizable woman in town. She used to be a nerd and a bookworm in school. She's invisible in the eyes of everyone like she doesn't exist in this world but it all ends when Daemon Alcantara comes into her lif...