Chapter 47

197 5 0
                                    

----------------------------
~•Prodigal•~
----------------------------





*MARGA'S POV*




"Marga, I want to talk to you," sabi niya mula sa likuran ko pero nanatili parin ako sa aking posisyon. Hindi ko pa siya kayang makita, hindi pa ngayon dahil sa tuwing makikita ko siya ay bumabalik lang ang lahat ng panloloko niya sa'kin. Hindi pa magaling ang sugat ko, ayoko na munang masugatan ulit.

Hindi ko namalayan na tumutulo na naman ang mga luha ko. Pinunasan ko ito at pinilit maging normal. "Wala na tayong dapat pag-usapan. Tapos na tayo, Gian. Kaya please lang, itigil mo na 'to!"

Nakatingin lang si Vixen at Nomi sa aming dalawa. Ayaw nilang makialam sa'min dahil alam nilang problema namin itong dalawa.

"Tinapos mo ang relasyon natin nang hindi mo man lang ako hinahayaang makapagpaliwanag. Sa tingin mo kaya kong tanggapin 'yon ng basta-basta?"

Ano pa ba'ng kailangan niyang ipaliwanag? Kahit ano pa'ng rason ang sabihin niya, hindi mababago no'n na nagsinungaling parin siya sa'kin, niloko niya parin ako.

"Para ano pa?! Para paniwalain na naman ako sa mga kasinungalingan mo?"

"Please, Marga! Makinig ka muna sa'kin."

Padabog akong tumayo sa kinauupuan ko upang harapin siya. "TAMA NA, GIAN! TIGILAN MO NA AKO!! SINAKTAN MO NA AKO KAYA PWEDE BA 'WAG MO NA 'KONG SAKTAN ULIT!!! HINDI AKO ANG URI NG BABAE NA PWEDE MONG GAMITIN AT PAGLARUAN!!!!"

Alam ko na ang totoong intensyon niya sa'kin at hindi ko hahayaang mangyari 'yon kaya ako nakipaghiwalay sakanya. Ayokong mabuhay sa kasinungalingan at panloloko.

"Marga!"

"RINIG NA RINIG KO MISMO KUNG ANO ANG MGA PLANO MONG GAWIN SA'KIN, KAY DAEMON AT KAY SERA!!! Wala ka nang dapat sabihin pa sa'kin maliban nalang kung gusto mo nang aminin ang lahat ng kagaguhan mo."

"Bakit ka ba naniniwala sa mga 'yan?!" dinuro niya ang mga kaibigan ko. "Binibilog lang nila ang ulo mo, 'di ba nga gusto nilang sirain ang relasyon natin. Ako ang mahal mo kaya ako ang paniwalaan mo."

"Nagkakamali ka, Gian!" inilihis ko ang tingin ko sakanya.

"Ano'ng ibig mo sabihin?"

Since wala narin kami, siguro ito narin ang tamang oras para sabihin ko sakanya ang totoong nararamdaman ko na matagal ko ring ikinubli sa loob ko.

"Totoong mahal kita pero noon 'yon, may iba nang nagpapatibok sa puso ko ngayon."

Bakas ang kalituhan sa mukha niya. "H-Hindi kita maintindihan?"

"Noong una pilit kong pinagtatakpan ang totoong nararamdaman ko, pilit kong pinaniwala ang sarili ko na ikaw parin ang mahal ko pero hindi madaling magtago ng nararamdaman. Isinantabi ko ang nararamdaman ko para hindi ka masaktan pero ngayon nakahanap na ako ng dahilan para ilabas ang totoong nararamdaman ko."

Ayaw niyang tanggapin ang mga sinasabi ko sakanya ngayon. "Hindi totoo 'yan. Nasasabi mo lang 'to kasi galit ka sa'kin."

"Quitz na tayo, Gian. Hindi mo ako mahal at hindi narin kita mahal pero ako hindi kita niloko, hindi kita ginamit."

Nagsalubong ang makakapal niyang kilay habang yumukom naman ng mahigpit ang mga kamao niya.

"Si Daemon ba?" wika niya na puno ng poot.

PossessivelyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon