----------------------------
~•Positive•~
----------------------------
*MARGA'S POV*
Para akong tinakasan ng sarili kong katinuan dahil sa nakikita ko ngayon. Ang kaba ko ay napunta na sa takot. Ang patak ng mga luha ay nagmistulang talon na hindi humihinto sa pagbuhos.
"Hindi maari. Hindi ito pwedeng mangyari," sabi ko sa aking isip.
Ilang oras na akong nakakulong sa kuwarto ko, ayoko lumabas dahil hindi ko kayang humarap kila Inay. Hindi ako naaawa para sa sarili ko, naaawa ako para sakanila lalo na kay Inay, binigo ko siya. Lihim akong nagkasala sa kanila at ang pagkakasalang iyon ngayon ay nagbunga na.
Dalawang guhit ang lumabas sa pregnancy test, dalawang guhit na magpapabago sa buhay ko. I was pregnant. I don't know how it happened but one thing is for sure, what happened between Daemon and me is the root of this.
Hindi ko pa iniisip kung ano ang gagawin ko dahil hanggang ngayon ay lutang parin ang isip ko, I couldn't still believe that I was baring a child. I am just nineteen years old for God's sake.
This is ill.
I'm such a bastard.
Sinabunutan ko ang aking buhok dahil sa sobrang galit ko sa aking sarili. Hinagis ko ang mga unan sa pader at sabay umiyak ng umiyak. Ang dami-dami pa naming problema tapos sumabay pa 'to. Siguradong papatayin ako ni Inay kapag nalaman niya ito.
'Huwag na huwag ka gagawa ng bagay na pagsisisihan at ikakasira ng buhay mo.'
'Sa ngayon ikaw nalang muna ang pinagkakatiwalaan ko kaya sana 'wag mo ring paiiyakin si Inay hah, madami pa kasi akong iniisip.'
'Lalo ka na, Marga. Sa inyong dalawa ikaw ang pinaka-inaasahan ko dahil ikaw ang nasa-kolehiyo, matalino ka at masipag, siguradong malayo ang mararating mo. Umaasa ako sayo kaya huwag mo sana ako biguin.'
Binigo ko siya. Sinira ko ang tiwala niya sa'kin. Sa isang iglap gumuho ang lahat ng mga pangarap namin. Ang tanga-tanga ko. Bakit ko hinayaang mangyari 'to?
'Tok' 'Tok'
"Marga! Anak, labas ka na! Kakain na tayo," tawag sa'kin ni Inay mula sa labas ng kuwarto ko.
Pinunasan ko ang luha ko at agad na binuksan ang pinto. Nagtaka si Inay nang makita niya ako. "O, bakit namumugto ang mata mo? Umiiyak ka ba?"
Yumuko ako at muling pinunasan ang natitirang luha sa mga mata ko. Hindi agad ako nakapagsalita dahil natatakot ako na baka madulas ako. Hindi pa ako handang sabihin sakanya ang tungkol sa pagbubuntis ko.
"May umaway na naman ba sayo?"
"Wala po, Inay. Masakit lang po ang ulo ko," dahilan ko.
Dinampi niya ang noo at leeg ko. "Wala ka namang sinat. Hala sige kumain ka na muna pagkatapos ay magpahinga ka na."
Nauna nang pumunta si Inay sa kusina habang ako ay nananatili parin sa kinatatayuan ko. Muli, isang patak ng luha ang gumuhit sa pisngi ko.
"Sorry, Inay. Patawarin niyo 'ko."
*GIAN'S POV*
Galit na galit si Mom habang nakatingin sa'kin. Tahimik na nakaupo si Lolo sa sofa habang ako ay aburidong-aburido sa sinabi niya sa'kin. I didn't give what he wants so he wont give what I want too. Hindi na ako ang magmamana ng kompanya. It would be Charles who will take everything.

BINABASA MO ANG
Possessively
RomanceShe is Margarette Del Monte, the most unrecognizable woman in town. She used to be a nerd and a bookworm in school. She's invisible in the eyes of everyone like she doesn't exist in this world but it all ends when Daemon Alcantara comes into her lif...