Chapter 44

166 6 0
                                    

---------------------------------------
~•False Mistaken•~
---------------------------------------





*MARGA'S POV*




Alam niyo yung feeling na inis na inis kayo sa isang tao.
Yung lagi ka niyang binubuwisit, pinagtitripan at niloloko,
Yung kapag hindi mo siya natiis ay mababatukan mo nalang talaga siya sa ulo,
Yung taong kahit anong sabihin mo patuloy ka parin niyang iinisin,
Yung feeling na gusto mo na siyang patayin pero hindi mo magawa kaya maiiyak ka nalang sa sobrang inis mo.




Siya si Daemon Alcantara, ang taong laging gumugulo sa tahimik kong buhay, nakakaasar siya pero do'n na ako nasanay. Nasanay in the sense na hindi kumpleto ang araw ko kapag hindi niya ako kinukulit. Maliban sa pagligo, pagkain, pagpasok sa school at pagtulog, kabilang na siya sa daily routine ko sa buhay. Hindi na ako magtataka kung bakit parang nag-iba ang takbo ng mga araw ko, wala na kasi siya e.

Tinupad niya ang lahat ng sinabi niya sa'kin. Simula noong araw na 'yon hindi niya na ako ginulo. May mga araw na hindi ko siya nakikita at may mga araw din na magsasalubong kami pero parang hindi naman namin kilala ang isa't isa. Nasanay kasi ako na siya ang unang pumapansin sa'kin.

Parang lumuwag ang mundo ko sa paglayo at pag-iwas niya, sa sobrang luwang para tuloy akong naliligaw. Ganito pala ang pakiramdam ng pagtalikod ko sakanya, parang tinanggal ko ang isang bahagi ng buhay ko.

Mga ilang linggo niya rin akong iniwasan at hanggang ngayon ganun parin, siya ang kusang lumalayo sa'kin.

Nagsisisi ba ako?

Hindi ko alam.

Siguro nga nagsisisi ako.

May mga pagkakataon talaga sa buhay na kailangan mong isuko ang isang bagay para sa isa pang bagay na sa tingin mo'y mas makakabuti sayo kahit kapalit pa nito ang sarili mong kaligayahan.

Ngayon, sinisikap kong itawid ang bawat araw na kasama si Gian at alam kung ganun din siya kay Sera. Matatagalan bago ko siya makalimutan at kapag dumating ang araw na 'yon, baka makalimutan ko narin na minsan sa buhay ko ay minahal ko ang isang tulad niya.




*****




Latang-lata ako habang naglalakad papasok ng school. Hindi ko ba alam, parang wala ako sa sarili at kanina pa lumilipad ang isip ko. Ano ba'ng nangyayari sa'kin? Para kasing ang malas ko ngayong araw.

Kamalasan 1: Na-late ako ng gising kanina kaya late narin akong pumasok.

Kamalasan 2: Natapunan ako ng iniinom na gatas ni Clint kaya naligo ulit ako at nagbihis ng panibago.

Kamalasan 3: Narinig ko sa mga tsismosa naming kapitbahay na malapit na raw umuwi si Aling Vicky. Kapag dumating siya siguradong palalayasin niya na kami sa bahay na tinitirahan namin dahil ilang buwan na kaming hindi nakakabayad ng renta.

Kamalasan 4: Lunes ngayon at punuan ang mga jeep. Makakasakay sana ako kaagad kanina sa jeep na may bakanteng isang upuan kaso paparahin ko palang ito nang bigla akong matalisod. Buti nalang nasapo ko ang mukha ko pero sa kasamaang palad ay hindi ko naman nahabol ang jeep.

Kamalasan 5: Late na late na ako.

Hindi ba, sobrang malas ko ngayong araw and worst nagsisimula palang ang malas na araw na 'to. Ano naman kaya ang susunod na kamalasan ang dadating sa'kin?

Para akong nasa pugad ng mga bubuyog unang pagtapak ko palang sa Gardenbelle, pinagtitinginan at pinagbubulungan ako ng mga tao hanggang sa makarating ako sa hallway. Hindi ko alam kung bakit pero alam kong may masama na naman silang iniisip tungkol sa'kin. Last time na nangyari ito ay noong kumalat ang scandal video ko na nagsasayaw sa Casa Del Valle. Ano naman kaya ngayon?

PossessivelyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon