Chapter 11

333 25 0
                                    

-------------------------
~•Practice•~
-------------------------




*MARGA'S POV*




I texted Gian to ask him if we can practice our paired performance today and he said yes kaya sobrang saya ko dahil sa wakas ay magkakaroon na kami ng special moments sa isa't isa. Nanuod ako ng mga video at cover sa youtube na pwede naming pagbasehan ng sayaw namin, inaral ko narin ito para hindi naman ako magmukhang tanga sa harap ng crush ko.

Naligo ako, nagsipilyo, nagpolbo, naglagay ng deodorant at halos ipaligo ko na yata ang pabango ko para lang magmukha akong fresh sa paningin ni Gian na mas sariwa pa sa mga tinitindang isda sa palengke.

Bumaba ako sa kusina para magpaalam kay Inay bago ako pumasok pero sa halip na si Inay, si Clint ang nadatnan ko. Nakapalungbaba siya sa ibabaw ng estante habang nakatingin sa bahay na nasa harap ng bakery namin. Kapag nandito siya sa bakery laging diyan ang puwesto niya, bakit kaya?

"Nasa'n si, Inay!?" pagkuha ko sa atensyon niya.

"May binili lang sa palengke!?" sagot niya bago siya tumingin sa'kin.

"Wala ka bang pasok o tinatamad ka na namang pumasok?"

Hayyys! Pinapairal niya na naman ang katamaran niya. Mas marami pa yata ang absent niya kaysa sa mga araw na present siya sa school e. Paano kami uunlad sa buhay kung ganyan siya katamad?

Wala akong narinig na sagot sakanya. Nakataas lang ang kilay niya habang pinagmamasdan ako from head to toe. "Bakit ka nakaayos!?" nanunuyang tanong niya.

Tinignan ko ang sarili ko. Napansin niya na nakaayos ako kaya hindi imposibleng mapansin din ako ni Gian mamaya. Shems! Excited na 'ko, hihi.

"B-bakit!? Maganda ba?!" hinawakan ko ang magkabilang laylayan ng palda ko at sabay umikot na parang si Cinderella.

"Ang panget, mukha kang nabulok na espasol." natigil ako sa pagmamaganda dahil sa sinabi niya. Para siyang si Daemon, pareho silang walang preno ang bibig.

"Wala kang pakialam, che!" naaasar na sabi ko sabay irap sakanya. "Makaalis na nga lang, panira ng araw, hmp." pinabaunan ko muna siya ng masamang tingin bago ko padabog na isinara ang pinto.



*****



"Ang dami palang event ngayon buwan ano!" wika ni Nomi habang nakatingin sa papel na hawak niya. Kung hindi ako nagkakamali, memo iyon para sa mga event na gaganapin ngayon buwan.

"Siyempre, patapos na ang second sem e, kahit naman last year ganyan din." sabi naman ni Vixen habang nagsosolve ng algebraic expression sa papel niya.

"Patingin nga!" kinuha ko mula kay Nomi ang papel at binasa ito.

-Annual Sports fest 2019
-Culminating Activity in Contemporary Arts
-"Biyaheng Tayo" Field Trip 2019
-etc.

"Oo nga!" pagsang-ayon ko sa sinabi ni Nomi. Buti narin ito para makapagpahinga naman ang mga utak namin. Halos hatiin ko na kasi ang utak ko sa dami ng mga pinagagawa ng mga prof namin tapos sasabay pa yung magaling kong alaga na walang ibang ginawa kundi iasa sa'kin ang mga requirements niya para pumasa sa mga bagsak niyang subject.

"Super excited na 'ko para sa sports fest, magsisilabasan na naman ang mga gwapong basketball player ng iba't ibang school, hihi." kinikilig na sabi ni Nomi habang tumitirik pa ang mata. Naglalandi na naman 'tong baklang 'to. "Tiba-tiba na naman tayo, bakla! WAAAAAAAHHHH!!!" naghigh five silang dalawa ni Vixen sabay humiyaw ng pagkalakas-lakas, pinagtitinginan tuloy kami ng mga tao dito sa cafeteria.

PossessivelyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon