------------------------
~•Towel•~
------------------------
*DAEMON'S POV*
Katatapos lang ng practice namin. Pinatawag kami ni coach upang kausapin para siguro sa nalalapit na annual sports fest ng Gardanbelle University. Bago ako pumunta sa huddle, hinanap muna ng mga mata ko ang aking alalay na ipinaglihi yata sa pimples, blemishes at blackheads. Nandun parin siya sa puwesto niya kanina, nakaupo at nakapalungbaba habang nagkakamot ng kanyang binti. Haisst, sabi ko naman sakanya maligo siya e para hindi siya dinadapuan ng kung anu-anong insekto.
"Nalalapit na ang taunang sports fest ng GU kaya simula ngayong linggong ito dapat ay puspusan na ang paghahanda natin. Ngayong linggo puro practice lang tayo, kalimutan niyo muna ang mga subjects niyo, ako na ang bahalang kumausap sa mga professor niyo para bigyan kayo ng excuse, did I made myself clear?" sabi ni Coach Joward sa'min.
"YES, COACH!!!" sagot ng lahat, pagkatapos ay nag-break na din kami since tapos na ang practice namin ngayong umaga.
"Daemon!" tawag sa'kin ni Clifford, ka-teammates at kaibigan ko. Inakbayan niya pa ako sa balikat.
"Bakit!?" tanong ko sakanya.
"Tignan mo o, kanina ka pa yata hinihintay ni Ms.Beautiful." ngumuso siya sa babaeng nakaupo sa bleachers.
Sinong Ms.Beautiful? Si Marga ba ang tinutukoy niya? Tsss. Bulag ba 'tong si Clifford?
Anong nakita niya kay Marga at sinabihan niya ito ng maganda? Well, maganda naman ang katawan niya, balingkinitan, maputi, may hulma, medyo malaki ang boobs, kahit papaano may laman naman ang puwet niya......arrggh! Ano ba itong ginagawa ko? Pinagnanasaan ko ba siya? 'Yang ugly nerd na 'yan.
"Hayaan mo siya." tipid na sagot ko sakanya bago ako nagpatuloy sa paglalakad papunta doon sa babaeng tinutukoy niya. Sinabihan ko kasi siya na pumunta dito sa gym kung wala siyang ginagawa para may mautusan ako. I guess hindi naman siya busy kaya nagtityaga siya dito ngayon.
Hindi niya napansin na palapit ako sakanya dahil sa iisang direksyon lang siya nakatingin, tulala at parang lumulutang ang isip. Napansin ko rin na kanina pa siya nakabusangot. Ano na naman ba ang drama nitong bruha na 'to?
Nandito na ako sa harapan niya pero hindi niya parin ako nagawang pansinin. Nagpameywang pa ako sa harapan niya para mapansin niya ako pero walang paring epekto, tsk.
Katok.
Kinatok ko ang noo niya at doon palang siya parang nagising sa pagdi-day dream niya. Hinimas niya ang kanyang noo nang hindi nagrereklamo sa ginawa ko. Nagulat ako sa ikinilos niya. This is unusual, usually umuusok na ang ilong niya kapag inaasar ko siya pero ngayon parang wala lang sakanya ang mga pang-aasar ko.
Tsss.
Nakapagtataka.
Si Marga ba 'tong nasa harapan ko?
Mukha namang siya, siya lang naman ang panget dito e, but I felt something strange in her today. It's like I'm facing a different Margarette Del Monte that I haven't met before.
"I need my towel." utos ko sakanya pero sa halip na ibigay sa'kin ang towel ko'y bag ang ibinigay niya sa'kin. "Can't you hear what I said? I said, I need my towel not my bag." sabi ko sakanya na kunwari'y naiinis ako.
"E di kunin mo." inis na sabi niya sabay irap sa'kin.
"Inuutusan mo ba ako? Last time I checked, you're my ugly maid and I am the boss." I said while pinpointing myself.

BINABASA MO ANG
Possessively
RomansShe is Margarette Del Monte, the most unrecognizable woman in town. She used to be a nerd and a bookworm in school. She's invisible in the eyes of everyone like she doesn't exist in this world but it all ends when Daemon Alcantara comes into her lif...