---------------------------------
~•Revelations•~
---------------------------------
*MARGA'S POV*
"Sino ba talaga si Sera?"
"Ano ang koneksyon niya kay Gian at Daemon?"
"Matagal na ba nilang kilala ang isa't isa?!"
Sunod-sunod na tanong ko kila Vixen at Nomi. Nagkatitigan muna silang dalawa bago nila ako sinagot. "Dating matalik na magkaibigan sila Gian at Daemon, miyembro sila ng pinakasikat na dance troupe (Bloodfire Dance Crew) noong mga high school pa kami. Kasama nila sa grupong ito sila Clifford, Gab at Frivo," sagot ni Vixen sa'kin.
Nagulat ako sa nalaman ko. Sinong mag-aakala na dating matalik na magkaibigan ang ngayo'y dalawang mortal na magkaaway. Hindi ako makapaniwala. Kaya pala pareho silang magaling sumayaw.
"Kung ganun paano sila naging mortal na magkaaway?" tanong ko ulit sakanila. Nag-away din naman kasi kaming magkakaibigan pero hindi kasing lala ng away nila.
"Noon pa man kilala nang babaero at basagulero ang grupo nila. Sila lagi ang pasimuno ng mga kaguluhan sa school, mahilig sila mang-trip, prank at kung anu-ano pang kalokohan. Wala naman gustong lumaban sakanila dahil apo si Gian ng may-ari ng school at pare-parehong nasa high class society ang mga pamilya nila kaya maituturing silang hari ng Gardanbelle High noong mga panahon na 'yon," salaysay ni Nomi.
Hindi nakapagtatakang dati silang matalik na magkaibigan dahil halos parehong-pareho sila ng ugali at hilig gawin.
"Akala ng lahat ay walang makatitibag sa samahan nila hanggang sa dumating ang isang babae sa buhay nila," ang tinutukoy ni Vixen ay si Sera. "Katulad mo rin siya, nerd, laging may suot na salamin, hindi marunong mag-ayos at laging laman ng library."
Si Sera!
Dating nerd?
Hindi talaga ako makapaniwala sa mga nalalaman ko ngayon. Si Sera ang campus queen ay dati palang campus nerd tulad ko. Kaya siguro ang lapit ng loob namin sa isa't isa.
"Sera became the subject of their horseplay. Nagkaroon sila ng pustahang magkakaibigan na liligawan ng bawat isa sakanila si Sera at kung sinuman ang sagutin niya ay magkakaroon ng napag-usapan nilang premyo. Sa oras na matapos ang kanilang pustahan ay hihiwalayan din nila ito. Niloko at pinaglaruan nila si Sera," dagdag pa ni Vixen.
Mula noon hanggang ngayon hindi parin nagbabago ang sistema sa mga paaralan. Kung sino ang nerd, hindi kaaya-aya ang itsura at hikahos sa buhay, sila madalas ang target ng bullying at diskriminasyon. Nakakalungkot lang dahil hindi man lang gumagawa ng aksyon ang paaralan upang labanan ang ganitong isyu.
"Ano'ng sumunod na nangyari?! Natuloy ba ang pustahan nila?"
"Nangyari ang lahat ng gusto nila, at sa huli'y kay Gian nahulog ang loob ni Sera. Nagtagal din ng isang buwan ang kanilang relasyon pero nang makuha ni Gian ang premyo ay hiniwalayan niya rin si Sera," pagpapatuloy ni Nomi.
Napaupo ako sa isang concrete chair, hinang-hina ako sa nalaman ko. Kaawa-awa pala ang sinapit ni Sera sa mga kamay nila. Naranasan ko na kung paano lokohin at masaktan kaya alam ko kung gaano kasakit ang naramdaman niya noong mga panahon na iyon. Siguro mas masakit pa ang naramdaman niya kaysa sa'kin dahil hindi lang iisa ang nanloko sakanya.
"Sobrang nasaktan si Sera. Simula nang malaman niyang pinaglaruan lang siya ng grupo nila Gian at Daemon ay bihira na siyang pumasok sa school at kapag papasok naman siya ay laging lumilipad ang isip niya. Dahil do'n lagi siyang sinasabihang nababaliw. Kapag nasa bahay naman siya ay lagi siyang nakakulong sa kuwarto, hindi kumakain o umiinom, at ilang beses narin siyang dinala ng Tito niya sa ospital dahil sa mga suicidal attempt niya. Naging miserable ang buhay ni Sera hanggang isang araw nagulat nalang ang lahat nang bigla siyang nag-iba. First year college siya no'n," Vixen.

BINABASA MO ANG
Possessively
RomanceShe is Margarette Del Monte, the most unrecognizable woman in town. She used to be a nerd and a bookworm in school. She's invisible in the eyes of everyone like she doesn't exist in this world but it all ends when Daemon Alcantara comes into her lif...