Chapter 33

228 5 0
                                    

------------------------------
~•Party•~
------------------------------





*MARGA'S POV*




The gathering already started when we arrived at the venue of the party. I can't stop myself not to feel magnetized and allured by this splendid get-together. It was so grandiose and I feel like I'm not in the usual homecoming party but in the royal gathering instead. This is inspired by antediluvian western fete.

'Wag naman sana ako magmukhang ignorante sa sobrang pagka-inklinado ko sa mga nakakamanghang bagay na nakikita ko. Siguro dahil first time kong dumalo sa ganito kalaking party kaya ganito nalang ang reaksyon ko. "Haha, you look so fascinated by everything that you see here. Is this your first time?!" tanong ni Gian sa'kin.

I nodded.

"Don't worry, I'm here to guide you."

Nakakawit lang ako sa kamay niya habang naglalakad kami. Marami din palang dumalo sa party ni Sera, karamihan mga estudyante lang din ng Gardanbelle University. Ang gaganda ng mga suot nila, mukhang mamahalin at pang-mayaman talaga, bigla tuloy akong nanliit sa sarili ko. Kaya ayaw ko pumupunta sa mga party na katulad nito dahil ganito lagi ang nangyayari.

Agaw atensyon kami sa mga tao dahil siguro hindi bagay sa maganda kong damit ang panget kong mukha tapos may kasama pa akong napaka-gwapong nilalang kaya hindi nakapagtatakang pinagtitinginan kami ngayon ng ibang taong naririto.

"That bitch nerd again," narinig ko ang boses ni Ashley sa isang tabi. Nandito rin pala ang mga demonyintang fantards ng boyfriend ko at ang lider nilang impokrita. Nakatingin sila ng masama sa'kin habang naka-cross arms at nakataas ang kilay. Ang ginawa ko, mas dumikit pa ako kay Gian para lalo silang inisin at ganun nga ang nangyari. Inis na inis ang mga mukha nila, haha.

Inggit na naman sila. Magaganda nga sila pero wala naman silang Gian, huhu.

"I don't wanna eat any shrimp dishes anymore."

"Malayo pa ang Christmas 'di ba pero bakit naglilibot na ang isa sa mga reindeer ni Santa Claus, haha?!"

"Ang ganda nga ng damit, ang panget naman ng mukha, so balance."

"Tapos dumikit pa siya kay Gian, nagmukha tuloy siyang katulong."

Inakbayan ako ni Gian at sabay tinakpan ang tenga ko gamit ang kamay niya. Ayaw niya kasing marinig ko ang bulungan ng mga tao sa paligid.

"Don't listen and don't mind them, okay." bulong niya ng malapit sa tenga ko.

"Margarette!" agad akong lumingon sa tumawag ng pangalan ko.

Si Sera.

Hindi ko maiwasang hindi matulala sakanya. She's so perfectly beautiful wearing an elegant evening party gown long dress floor length formal dress vestido de festa paired with luxury gold strap ballroom dance shoes high heels. I looked at her from head to toe and everything is perfect.

"Sabi ko na nga ba darating ka," sabi niya bago namin niyakap ang isa't isa.

"When I broke my promise, it's like I broke our friendship too." ginawa ko talaga ang lahat para lang makapunta dito kahit na pinagbawalan kami ni Inay na lumabas ng bahay.

"Wait," kumalas siya sa pagkakayakap sa'kin at tinignan ako. Nabahiran ng pagtataka ang mukha niya habang nakatingin siya sa'kin. "A-Anong nanyari?!" nagtatakang tanong niya.

Sabi ko na nga ba mapapansin niyang balik na naman sa dati ang itsura ko. "Pasensya na, Sera. Hindi kasi nagustuhan ni Inay e, sabi niya mas gusto niya daw yung ganito," paliwanag ko.

PossessivelyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon