Chapter 18

310 25 1
                                    

------------------------------
~•Confession•~
------------------------------




*DAEMON'S POV*




"Ang tagal niya!" I said while looking at my wrist watch. Bakit wala pa siya? Sabi niya kanina parating na siya pero isang oras na akong naghihintay dito sa parking lot ng campus ni anino niya hindi parin nagpapakita. I have been sending messages and calling her for a lot of times but she didn't respond for any of those.

Sumandal ako sa gilid ng kotse ko at tinanaw ang paligid. Palubog na ang araw at mangilan-ngilan nalang ang tao dito sa school pero wala paring bakas na parating na siya.

Inuubos niya ang pasensya ko? Naghintay pa ako ng ilang minuto pero hindi ko na nakayanan, tuluyan na akong tinalo ng inip at ngawit sa kahihintay ko sakanya. Isang napaka-gwapong nilalang paghihintayin niya lang, sino ba siya?!

Bakit ko ba kasi siya hinihintay? Kanina pa dapat ako umuwi. Sino ba siya para paghintayin ang isang Daemon Alcantara? Bahala siya sa buhay niya, ayoko nang maghintay.

"Daemon!" bubuksan ko palang ang kotse ko nang biglang may tumawag sa pangalan ko. Si Lyndon, kaklase ko.

"Oy, kamusta?!" bati ko sakanya.

"Ayos lang! Ba't nandito ka pa? May hinihintay ka ba!?" tanong niya.

Saglit akong natigilan dahil hindi ko alam ang isasagot ko. Dapat ko bang sabihin na nandito pa ako school dahil hinihintay ko si Marga, the campus nerd?

"Ah, uhm! Oo, hinihintay ko si Coach Arnold." I lied. Ayoko sabihin sakanya na hinihintay ko si Marga dahil baka kung ano pa ang isipin niya.

"Ganun ba! Sige pala, maiwan na kita, may pupuntahan pa kasi ako e."

"Teka, n-nakita mo ba si Marga?!" hindi ko rin natiis na hindi tanungin si Marga pero hindi ako masyadong nagpahalata, naging normal lang ako.

"Si Marga ba?! Nakita ko siya kanina sa hallway kausap si Gian." biglang bumigat ang pakiramdam ko sa narinig ko.

Si Gian? Si Gian na naman.

Posible kayang kasama niya si Gian ngayon? Ilang linggo ko rin siyang hindi nakita at sa malamang sabik na sabik na naman si Marga na makita ang mayabang na 'yon.

"May problema ba, Daemon?" nagtatakang tanong niya nang mapansin niyang bigla akong natahimik.

"Ahh, w-wala. Bigla ko lang naalala na may lakad pala ako ngayon." I lied again. Umalis na si Lyndon habang ako ay gigil na napasandal sa kotse ko.

Inaya ko siyang umuwi para hindi na siya mahirapang mag-commute pero anong ginawa niya, pinaghintay niya ako ng halos isang oras. Actually, hindi niya lang ako pinaghintay, ginawa niya pa akong tanga. Tapos malalaman ko nalang na kasama niya na yung Gian na 'yon?

Dumating lang si Gian nakalimutan niya na agad ako. Hindi ba sumagi sa isipan niya na para akong tanga na naghihintay sakanya dito?

Ano ba'ng meron sakanila ng Gian na 'yon?!

Iyinukom ko ang aking dalawang kamay kasabay ng pagtagis ng mga bagang ko. Sinipa ko ang kotse ko bago ako naglakad sa direksyon kungsaan posibleng pumunta sila Marga at Gian. Hindi ko alam kung bakit ko ginagawa 'to pero gusto ko silang makita at kapag nakita ko sila, hindi ko alam kung ano ang magagawa ko.








*MARGA'S POV*




Nandito ako ngayon sa lumang library building kasama si Gian. Pumayag akong makipagusap sakanya dahil gusto kong malinawan ang isip ko. Mabuti narin ito para mapakinggan ko ang side niya kung bakit hindi siya nakarating sa dance performance namin. Hindi naman pwedeng nagalit lang ako dahil hindi siya nakarating, kailangan ko rin pakinggan ang dahilan niya.

PossessivelyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon