Chapter 53

224 5 2
                                    

-------------------------------
~•Kasunduan•~
-------------------------------





*MARGA'S POV*




"G-Gian?!" sambit ko sa pangalan ng taong kaharap ko ngayon.

"Here we go again," hinithit niya ang huling baga ng kanyang sigarilyo bago niya ito inihagis sa labas.

"Ikaw na naman?!"

"Ako nga! Aren't you happy to see me again?"

Gugustuhin ko pa bang makita siya matapos niya ako muntik gahasain? Isang bangungot ang gabing 'yon at ngayo'y parang binabalikan na naman ako ng aking masamang panaginip.

"A-Ano na naman ba ang balak mong gawin?" kinakabahan ma'y hindi ako nagpakita ng kahinaan ng loob.

Na-trauma ako sa ginawa niya sa'kin. Kaya kahit marinig ko lang ang kanyang pangalan ay naginginig na ako sa takot. Para siyang makamandag na ahas na dapat kong iwasan.

"Napadaan lang sa tapat mo may balak na agad, hindi ba pwedeng nag-park lang pero just to be honest ikaw naman talaga ang sinadya ko dito," mas lalo akong kinabahan sa sinabi niya. Edi tama nga ang hinala ko, may binabalak na naman siyang gawin sa'kin. Hinding-hindi niya talaga ako titigilan hangga't hindi siya nakakapaghiganti. "Hindi naman ako pupunta sa ganito kabaho at kaduming lugar para lang mamasyal."

Bakas sa mukha niya ang pandidiri. "Pwede ba deretsuhin mo na ako. Ano ba talagang kailangan mo?" ayoko ko nang makipagtalastasan pa sakanya dahil wala rin naman akong mapapala.

"I just want to talk to you, one on one! It's a personal talk."

"Wala na tayong dapat pag-usapan, Gian. Huwag mo na ako guluhin! Patahimikin mo na ako at ang sarili mo para matigil na ang lahat ng ito," binitbit ko ang mga bag na dala ko at muling nagsimulang maglakad. Sandamakmak ang mga problema ko ngayon at wala akong panahong makipag-usap sakanya dahil sigurong problema rin ang dala niya.

"It's about your eligibility and scholarship in Gardanbelle," pahabol niya. Napahinto ako sa sinabi niya. "Nabalitaan ko na pinaaalis ka na raw and after hearing that I came here immediately to personally talk to you 'cause a very interesting idea came in my mind. What if we makeup an agreement?"

Napalingon ako sakanya pabalik. "Agreement?! Tungkol na naman ba ito sa ambisyon mong magka-baby tayo?!" kunot-noong anas ko.

Ako lang ba ang babae rito sa mundo at ako lagi ang kinukulit niya tungkol do'n. Madami namang babae diyan na mas maganda at mas willing na ibigay ang gusto niya pero ewan ko ba at ako pa ang napili niyang gamitin, pwede rin naman siyang mag-ampon nalang. May certain standard ba siya sa magiging ina ng anak niya? Hayy, ewan! Anuman ang reason niya hinding-hindi na ako ulit magpapagamit sakanya.

"Parang ganun na nga but not exactly that's why I'm making an agreement."

Hindi ko alam kung saan ko nakukuha ang ganang kausapin siya sa dami ng kasalanang ginawa niya sa'kin. Pero kahit hindi ko siya pansinin ay hindi rin naman siya matatahimik e, siguradong guguluhin niya parin ako.

"Ano ba kasing agreement ang sinasabi mo? Huwag ka na kasing magpaligoy-ligoy, sinasayang mo lang ang oras ko e!" sabi ko na nagsisimula nang mainis.

"Gaya ng sabi ko kaya kong ibalik ang eligibility mo sa Gardanbelle at ganun narin ang scholarship mo," agad niyang nakuha ang atensyon ko dahil sa narinig ko mula sakanya. Apo siya ng may-ari ng Gardanbelle kaya hindi imposible ang sinasabi niya. "Yun ay kung papayag kang akuin ko ang bata."

PossessivelyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon