Chapter 55

201 3 0
                                    

--------------------------
~•Clueless•~
--------------------------





*MARGA'S POV*




"Hinahanap ka na sa'min ni Daemon!" balita sa'kin ni Vixen.

"Anong sinabi niyo?!"

"Sabi namin hindi namin alam kung nasaan ka, yun ang gusto mo 'di ba?" sagot ni Nomi.

Ito ang pinakamagandang gawin sa ngayon, ang magtago sakanya. Tulad ng sinabi ko hindi ko hahayaang ilayo niya sa'kin ang bata. Okay lang na hindi niya ako panagutan kaysa naman kuhanin niya palayo sa'kin ang anak ko.

"Anong gagawin mo ngayon, bessy?! Siguradong hindi siya titigil hanggang hindi ka niya nahahanap lalo na't may habol siya sayo," nababahalang wika ni Vixen.

Sa katunayan ay naisip ko na 'yan. Kilala ko si Daemon. Kapag ginusto niya ang isang bagay ay siguradong gagawa at gagawa siya ng paraan upang makuha ito pero hindi ko hahayaang maupo lang ako dito at hintaying mahanap niya ako. Gagawin ko rin ang lahat upang hindi niya matunton ang kinaroroonan ko.

"Titigil nalang muna ako sa pag-aaral. Wala akong ibang choice. Kailangan kong magtago sakanya," walang halaga ang karapatan ko bilang ina kapag isang tulad niya ang kalaban ko. Tulad din siya ni Gian na kayang manipulahin ang mga bagay gamit ang kanilang yaman.

Kung tinanggap niya lang ako at ang bata hindi sana kami umabot sa puntong ito. Ginawa ko na ang lahat upang ipaglaban ang karapatan ng anak kong magkaroon ng kumpletong pamilya pero may mga bagay talaga na gusto mong makuha pero hindi naaayon sayo. Ayoko nang ipagpilitan siya sa taong ayaw naman sakanya, alam ko ang pakiramdam no'n.

"Anuman ang desisyon mo ay susuportahan ka namin," Vixen.

"Ibibigay namin ang lahat ng tulong na pwede naming ibigay sayo," Nomi.

Hindi ako pwedeng matunton ni Daemon dahil kapag nangyari 'yon ay siguradong kukuhanin at ilalayo niya sa'kin ang anak ko. Hindi na ito tungkol sa'kin o sakanya, tungkol ito sa anak ko.








*DAEMON'S POV*


After three weeks.....


I have been finding Marga for about three weeks but I still couldn't find her. I'm still clueless. There's even no footsteps of her. Para akong naghahanap ng karayom sa bunton ng mga dayami.

Nasaan na ba talaga siya? Bakit hanggang ngayon ay hindi parin siya nagpapakita? Minsan iniisip ko kung pinagtataguan niya ba ako, may rason siyang gawin 'yon dahil sinabi kong ilalayo ko sakanya ang bata sa oras na lumabas ito sa sinapupunan niya. Hindi ko naman talaga gustong sabihin 'yon, nadala lang ako ng galit at matinding emosyon.

Sa ngayon patuloy parin ako sa paghahanap sakanya. Inaamin ko napapagod na ako pero wala akong balak tumigil dahil ako rin naman ang dahilan kung bakit siya lumayo kasama ang magiging anak namin. Napuntahan ko na ang lahat ng pwede niyang puntahan maging sa bahay nila pero tama ang hinala ko, wala rin siya do'n.

'Matagal nang hindi umuuwi dito si Ate Marga, Kuya. Akala ko nga nandun siya sa inyo e pero wala rin pala siya,' sabi ng nagtatakang si Clint. Nabigla siya ng malamang hindi ko kasama si Marga.

'Kaya nga ako nandito ngayon upang hanapin siya. Pinuntahan niya ako noong araw na pinalayas siya sa inyo pero may mga nasabi ako sakanyang masasakit na salita kaya umalis din siya.'

Ilang beses ko nang sinisi ang sarili ko at hanggang ngayon ay yung parin ang nangyayari. If I approached her in a nice way and if I didn't say those hurtful words to her edi sana hindi ako nagpapakahirap hanapin siya, sana'y kasama at inaalagaan ko siya ngayon.

PossessivelyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon