-------------------
~•Sick•~
-------------------
*MARGA'S POV*
Hindi ko alam kung ano ang naisipan ko kung bakit ako sumakay sa kotse niya. I have an option to refuse his offer pero hindi ko ginawa, palibahasa'y lutang ang isip ko kanina kaya hindi ko na napagisipan ang mga ginagawa ko. Nangyari na ang nangyari, wala narin akong magagawa dahil nandito narin ako.
"Siguraduhin mo lang na dadalhin mo 'ko sa bahay namin, ah." paglilinaw ko sakanya.
"At ikaw pa ang may ganang magdemand, hah. Ikaw na nga itong nakikisakay." saad niya.
Masama ba'ng manigurado? Malay ko ba kung may pinaplano na naman siyang hindi maganda tiyaka hindi naman ako ang nag-insist na sumakay sakanya, siya kaya 'tong nag-aya sa'kin.
"Nanunumbat ka ba?" ako.
"Kung sabihin kong oo, anong gagawin mo? Tiyaka bakit ba ang sungit mo, hah." he said controlling his temper.
Tumingin ako ng deretso sa daan at hindi nalang siya pinansin. Walang dahilan para ikuwento ko sakanya ang mga masasakit na nangyari sa'kin ngayong araw. Mas gugustuhin ko pang mag-open sa diary ko kaysa makipag-usap sakanya.
"May regla ka, ano?" namula ako sa biglang lumabas sa bibig niya.
"Tumahimik ka na nga lang, Daemon." naiinis na buwelta ko sakanya.
Tinignan ko siya ng masama pero sa halip na tumigil ay dumako ang tingin niya sa dibdib ko. Na-curious ako kung bakit siya tumingin sa dibdib ko kaya tumingin din ako dito, at otomatikong nanlaki ang mga mata ko dahil ngayon ko lang napansin na basa pala ang suot kong uniform kaya bumakat dito ang suot kong bra. Binobosohan na pala ako ng manyak na 'to nang hindi ko namamalayan.
"Nice, I have no idea na mahilig ka pala sa Hello Kitty." gumuhit ang tusong ngiti sa labi niya.
"Bastos!" agad kong tinakip ang bag ko sa dibdib ko. Ang manyak niya talaga kahit kailan.
"Ang assuming mo naman, sa tingin mo pagnanasaan ko 'yang flat mong dibdib? Teka nga, iniisip mo ba na may balak akong gawing masama sayo?" he asked fiery.
"Lalaki ka pa rin 'no at babae parin ako." sabi ko sakanya.
Hininto niya ang sasakyan sa isang gilid, hindi ko alam kung bakit pero nararamdaman ko na may pinaplano na naman siyang hindi maganda. "D-Daemon, bakit mo hininto ang sasakyan?" I asked disorderly.
He didn't answer me, he just looked at me instead. I don't know what kind of stare he's giving me but I felt something strange in it. Unti-unti siyang lumapit sa'kin hanggang sa itinukod niya ang mga kamay niya sa headrest at glove compartment box.
"D-Daemon!" wala akong ibang masabi kundi ang pangalan niya. He seriously buried his eyes on me. Nagpatuloy ang paglapit ng mukha niya sa'kin. Sa sobrang lapit ng mukha niya sa mukha ko pati gamit niyang mouth wash naaamoy ko.
"Ano ba ang kadalasang nangyayari kapag nagsasama ang isang babae at isang lalaki sa isang lugar na sila lang dalawa ang magkasama." he said with husky hoarse voice.
Bakit hindi ako makagalaw? Ano na naman ba'ng ginagawa sa'kin ng lalaking ito? Ito ba ang taktika niya sa mga babaeng kinakama niya? Bibihagin muna sa una gamit ang mga mapangakit niyang mata pagkatapos ay isusunod niya ang mga labi ko, at sa huli'y pagsasamantalahan niya ang sariwa at birhen kong katawan.
"WAAAAAAAHHH!!!! MANYAK KA, DAEMON!!! BASTOS KA!" pinaghahampas ko siya gamit ang kamay ko.
"Array! Array! Ayan ka na naman, Marga e." he complained.
![](https://img.wattpad.com/cover/76595400-288-k198331.jpg)
BINABASA MO ANG
Possessively
RomanceShe is Margarette Del Monte, the most unrecognizable woman in town. She used to be a nerd and a bookworm in school. She's invisible in the eyes of everyone like she doesn't exist in this world but it all ends when Daemon Alcantara comes into her lif...