---------------------------------
~•The Breakup•~
---------------------------------
*MARGA'S POV*
Slap!
"Para 'yan sa panloloko at panggagamit mo sa'kin!"
Slap!
"Para naman 'yan sa pananamantala mo kay Sera!"
Slap!
"At para ito kay Daemon."
Slap!
"Ito wala lang, sinasadya ko gaya ng ginawa mong pananakit sa'kin."
Sinigurado ko munang said na ang mga luha ko bago ako humarap sakanya. My tears didn't deserve someone like him. He rubbed his cheeks dahil sa malulutong na sampal na ibinigay ko sakanya.
"M-Marga, let me explain."
"Explain! No need! You already explained everything that I have to know and thank you for telling the truth. Sa lahat ng sinabi mo sa'kin baka ito lang ang totoo," wala na siyang dapat ipaliwanag pa dahil sa bibig niya na mismo nanggaling ang lahat ng panlolokong ginawa niya sa'kin at hindi ko na siya hahayaang lokohin pa ako ulit. Hindi ko na hahayaang bilugin niya pa ulit ang ulo ko. "Rinig na rinig ko mismo mula sayo ang mga panloloko mo sa'kin, napakahayup mo!"
"Marga, mag-usap muna tayo. M-Mali ang iniisip mo," he plea.
"Tama na, Gian! Ilang beses ko nang sinabi sa sarili ko na mali ang iniisip ng ibang tao tungkol sayo. Tinalikuran ko ang katotohanan para sayo dahil mahal kita. Kahit lahat ng tao ayaw sa relasyon natin ipinaglaban parin kita, kahit nasasaktan na ako minahal parin kita. Nag-away pa nga kami ng mga kaibigan ko e dahil mas pinili kita sa pag-aakalang iba ka sa mga lalaking nakilala ko, tanggap mo ko, hindi mo 'ko sasaktan at mamahalin mo ako bilang ako pero mali pala ako, mali na ipinaglaban kita."
Napakatanga ko. Matagal ko na siyang kilala at alam ko kung paano siya maglaro ng mga babae, itinuturing niya ang mga itong parang upos ng sigarilyo na itatapon niya lang basta sa isang tabi matapos niya gamitin pero mabuti narin na nalaman ko agad ang totoo. Nagawa kong patayin ang apoy bago pa man ako nito maubos.
"Marga, please naman oh! Pakinggan mo muna ako," patuloy parin siya sa magmamakaawa sa'kin na pakinggan ko siya pero anumang sabihin niya ay balewala na sa'kin dahil kung may mali man akong nagawa sa buhay ko yun ay ang pinakinggan ko siya.
"Kilala na kita, Gian. Nalaman ko na ang lahat ng hindi ko pa alam tungkol sayo at sa mga nalaman ko napatunayan ko kung gaano ka kasamang tao," sobra kong pinagsisisihan na ginusto ko siya dahil ilang taon din pala akong sumamba sa isang demonyong tulad niya.
"Kanino mo naman nalaman ang mga kalokohang 'yan? Sino ang nagsabi sayo?! Si Daemon 'no?" biglang nag-iba ang tono ng pananalita niya nang banggitin niya ang pangalan ni Daemon. Matagal nang sinasabi sa'kin ni Daemon na layuan ko siya pero hindi ako nakinig, ngayon nalaman kong totoo pala ang lahat ng sinasabi niya.
"Hindi na mahalaga kung sino ang nagsabi sa'kin. Ang kapal ng mukha mong gamitin ako, balak mo pa akong gawing revenge weapon at baby maker. Buti nalang nalaman ko agad dahil kapag nagkataon hindi ko alam kung ano ang magiging buhay ko habang ipinagbubuntis ko ang anak ng isang demonyo," hindi maitatago ang inis at galit na naglalaro sa mukha niya. Nakasara narin ang mga kamay niya sa sobrang panggigigil pero hindi niya ako magawang saktan dahil kapag sinaktan niya ako mas pinatunayan niya lang sa'kin kung gaano siya kasama.
BINABASA MO ANG
Possessively
RomanceShe is Margarette Del Monte, the most unrecognizable woman in town. She used to be a nerd and a bookworm in school. She's invisible in the eyes of everyone like she doesn't exist in this world but it all ends when Daemon Alcantara comes into her lif...