------------------------------
~•Marga's Hero•~
------------------------------
*MARGA'S POV*
Madilim na nang lumabas ako sa library. Hindi ko na namalayan ang oras dahil sa dami ng ginagawa ko. Nakaka-stress. Nagkakanda-hirap ako dito samantalang si Daemon enjoy na enjoy sa buhay niya. Buwisit talaga siya kahit kailan, tsk. Nag-aral pa siya kung ipapagawa niya lang din sa iba ang mga requirements niya sa school. Kung wala ako malamang 10 years ang gugugulin niya sa college.
Kahit gaano katindi ang inis ko sakanya wala naman akong magagawa e. Kailangan ko gawin 'to para kahit papaano'y mabawasan ang mga utang namin sa pamilya niya tiyaka pakunsuwelo narin sa pagligtas niya sa'kin noong isang araw, baka sabihin niya pa wala akong utang na loob.
Kumapit ako ng mahigpit sa bag ko at inayos sa pagkakapatong ang mga librong hawak ko.
Pumunta ako sa waiting shed at doon naghintay ng masasakyan. Kinapa ko ang bulsa ko pero wala akong nakuhang pera kaya lumipat ako sa kabilang bulsa pero wala rin akong nakuha kahit barya. Kinalkal ko rin ang bag ko pero wala parin talaga.
Hala! Nasa'n na ang pera ko?
'Buburahin ko ang SCANDAL video mo pero sa isang kundisyon, ibibigay mo sa'kin ang allowance mo for one month.'
Bigla kong naalala ang kasunduan namin ni Clint. Haisst! Binigay ko nga pala sakanya ang lahat ng allowance ko. Kung minamalas ka nga naman. Kahit kailan talaga ang daming pahirap sa buhay ko.
Ilang saglit pa'y may humintong tricycle sa harap ko. "Sakay ka, miss?" tanong ni Manong Driver sa'kin.
Sa totoo lang, gustong-gusto na talaga sumakay ng tricycle para makauwi na agad ako sa bahay dahil siguradong nagaalala na sa'kin si Inay pero anong gagawin ko e wala na nga akong pera. Imposible namang magpa-free ride 'tong si Manong Driver.
"Hindi po, Manong. May hinihintay pa kasi ako e." dahilan ko. Umalis narin si Manong at nagsakay nalang ng ibang pasahero.
I have no other choice kundi ang maglakad pauwi sa bahay namin. Tutal malapit lang naman e, mga DALAWANG BARANGAY lang naman. Napaihip ako paitaas bago ako nagsimulang maglakad.
Maliwanag naman ang kalyeng linalakaran ko dahil sa mga nakatayong poste ng ilaw. Hindi rin ako nagiisa sa paglalakad dahil mayroon pa namang mga tao sa kalye. Umuuwi pa lang sa kani-kanilang mga tahanan ang iba, nagkalat din sa kalye ang mga batang masayang nagtatakbuhan, ang mga tambay na nakaupo sa tabi ng kalsada habang may hawak na gitara at nagkakantahan, mayroon ding mga nagiinuman sa tindahan.
Ganito ang klase ng lugar na kinalakihan ko kaya bakit ako matatakot na maglakad sa ganitong lugar? Panatag ako na walang mangyayaring masama sa'kin dahil hindi naman na bago sa'kin ang maglakad ng gabi.
Matapos ang ilang minutong lakaran ay narating ko narin ang pangalawang barangay, kailangan ko rin daanan 'to bago ako tuluyang makarating sa barangay namin. Ngunit iba ang lugar na ito sa barangay na dinaanan ko kanina. Hindi matao ang lugar na ito. Wala rin masyadong bahay at halos walang mga street light na nakatayo sa daan. In short, madilim ang lugar na 'to.
Hindi naman ako takot sa multo o sa dilim, takot ako dahil magisa nalang akong naglalakad ngayon, as in wala nang mga tao sa kalye pero ganun pa ma'y pinagpatuloy ko nalang ang paglalakad para makarating na ako sa'min.

BINABASA MO ANG
Possessively
RomanceShe is Margarette Del Monte, the most unrecognizable woman in town. She used to be a nerd and a bookworm in school. She's invisible in the eyes of everyone like she doesn't exist in this world but it all ends when Daemon Alcantara comes into her lif...