Chapter 7

461 30 1
                                    

----------------------------
~•Cupcake•~
----------------------------




*GIAN'S POV*




Madaling araw na nang makauwi ako sa bahay(Manse de Montefalco). Sa sobrang kalasingan ay hindi ko na nakaya pang magdrive kaya naki-ride nalang ako sa sasakyan ni Frivo. 

"Naku, Sir Gian! Bakit ngayon lang po kayo? Kanina pa po kayo hinihintay ni Senyora Diana." nababahalang salubong sa'kin ng mga maid ng mansion. Hindi ko sila pinansin, bagkos ay nagpatuloy lang ako sa paglalakad papasok sa loob ng bahay.

"Sir, akayin na po namin kayo!" sabi ng isang katulong. Nakasunod parin sila sa'kin.

"Bitawan niyo ko, kaya ko ang sarili ko." inialis ko ang mga kamay nila sa pagkakahawak sa'kin.

Naparami yata ang inom namin ng mga kaibigan ko. Obvious naman 'yon dahil madaling araw na kami nakauwi. Para tuloy akong nasa carousel, hindi na ako makapaglakad ng maayos dahil sa sobrang pagkahilo.

"Sir, ingat po kayo!" paalala ng driver namin, muntik na kasi akong
matumba.

"Can you just leave me a alone. I can bare myself without your help." kahit sinabi kong iwan na nila ako nakasunod parin sila sa'kin.

Ilang saglit pa'y nakarating narin ako sa kuwarto ko, hindi ko alam kung paano basta nakarating ako. Ganito ako kabihasa. Ibinalibag ko ang bag ko sa sofa at sabay sumalampak sa kama ko. "Finally!" I whimpered followed by a deep sighed.

"Lasing ka na naman!" isang pamilyar na boses ang tumalima sa may bandang pintuan ng aking kuwarto. I always hear that phrase everytime na uuwi ako ng bahay. At sa isang tao ko lang naririnig ang mga salitang 'yan.

"Goodnight, Mom!" I stated before I raised my hand. I hear her footsteps coming towards my bed.

"Good morning! Halatang hindi mo na talaga iniintindi ang oras. Uuwi ka dito sa bahay kahit anong oras mo gustuhin. Let me just remind you that it's already 3:00 am in the morning, uwi ba 'yan ng isang matinong college student?" as usual, my beloved mother making a ceremony again.

"Hindi. Hindi naman kasi ako matino e." pilosopong sagot ko.

"Wag mo kang mamilosopo, kinakausap kita ng matino." she said strictly.

Bakit kapag nagtatanong ang mga magulang tapos sasagutin mo, ang sasabihin nila namimilosopo ka o nangbabastos? Sinagot lang naman natin ang tanong nila, haiist!

"Whatever!" I silently said.

"Kailan ka ba magtitino, Gian? Lagi ka nalang ganyan. Uuwi dito sa bahay ng late at nakainom. Wala ka na bang ibang plano sa buhay mo kundi ang uminom ng uminom? Ang bata-bata mo pa, lasingero ka na." kinuha ko ang dalawang unan ko at itinakip ito sa magkabilang tenga ko. Rinding-rindi na ako sa boses niya.

"Bukas na tayo mag-usap, Mom. I just want to sleep." saad ko.

"Stop being immature, Gian. You are not a kid anymore. In fact, after this school year, graduate ka na from college. Ano nalang ang sasabihin ng Lolo mo kapag nakita ka niyang nagkakaganito?"

See, kasasabi niya lang na ang bata ko pa para maging alcoholic tapos sasabihin niya I'm not a kid anymore. Minsan, ang gulo din ng mga magulang.

"Baka nakakalimutan mo, Gian. Ikaw ang susunod na uupo bilang CEO ng Montefalco Group of Companies kaya 'wag mo hahayaang makahanap ang Lolo mo ng dahilan para hindi mangyari 'yon." paalala niya.

PossessivelyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon