------------------------------
~•Terminal•~
------------------------------
*THIRD PERSON POV*
"D-Daemon?!" sabay nilang sabi. Gulat na gulat ang mga mukha nila sa hindi inaasahang bisita na dumating.
Seryoso silang pinagmasdan ni Daemon. Hindi nila alam kung bakit ito naririto ngunit lingid sa kanilang kaalaman ay alam na nito ang kanilang itinatagong sekreto.
"Uy, D-Daemon! K-Kamusta?! Napabisita ka yata," kinakabahang wika ni Vixen. Pareho silang kinakabahan ni Nomi at ngayon ay hindi na nila malaman ang kanilang gagawin.
"Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa, hindi ako nandito upang bumisita. Hinahanap ko si Marga. Alam kong nandito siya!" mariing saad ni Daemon. Nabigla naman ang dalawa sa sinabi nito. Nagtataka sila kung paano nito nalaman na dito nagtatago si Marga.
"S-Si Marga? W-Wala siya dito!" nauutal na sagot ni Nomi kay Daemon.
"Hindi mo parin ba siya nakikita?!" tanong rin ni Vixen.
Yumukom ang mga kamay ni Daemon sa sobrang pagkayamot. Nagsinungaling na ang mga ito sakanya dati at hanggang ngayon ay hindi parin sila nagsasabi ng totoo. "Nasaan siya?!" mahinahong saad ni Daemon sa kabila ng kanyang panggigigil
Napansin nila ang madiin na pagkakasara ng mga kamao ni Daemon, halos lumabas ang mga ugat nito at nanginginig pero nangako silang walang sasabihing kahitano para sa kapakanan at kaligtasan ni Marga. "H-Hindi nga namin alam kung nasaan siya! Kung nandito si---" hindi natuloy ni Vixen ang kanyang sasabihin.
"PWEDE BA 'WAG NA KAYONG MAGSINUNGALING! PAANO KO SIYA MAKIKITA KUNG ITINATAGO NIYO SIYA SA'KIN?!" halos mapatalon ang dalawa nang biglang magtaas ng boses si Daemon. Kitang-kita nila ngayon ang matinding galit na bumabalot kay Daemon. Takot ang katumbas no'n sa kanila.
"Huminahon ka, Daemon. K-Kung gusto mo t-tulungan ka naming hanapin siya pero sinasabi namin sayo wala siya dito," paninindigan ni Nomi na kahit kinakabahan ay pilit pa ring pinagtatakpan ang katotohanan.
"MGA SINUNGALING!! ALAM KONG ITINATAGO NIYO SIYA SA'KIN!!!" gigil na sigaw ni Daemon. Tuluyan nang sumabog ang galit sa loob niya at sa mga ganitong pagkakataon ay walang sinuman ang makapipigil sakanya. "Kung ayaw niyo siyang ilabas wes ako ang hahanap sakanya, MARGA!!!" puwersahang pinasok ni Daemon ang bahay nila Vixen upang hanapin si Marga. Naniniwala siyang nandito lang ito at nagtatago.
Sinubukan siyang pigilan nila Nomi at Vixen pero ayaw niyang papigil, nagtuloy-tuloy siya sa loob kahit hindi siya pinahintulutang pumasok. "Daemon, ano ba?! Wala nga dito si Marga! Ang kulit mo naman e!" untag ni Vixen sa ayaw papigil na si Daemon.
"Marga, nasaan ka?! Mag-usap tayo!" sigaw ni Daemon habang nililibot ang buong bahay.
"Daemon, tumigil ka na nga! Wala dito ang hinahanap mo, wala siya dito!" tumigil si Nomi sa pag-awat sakanya kaya si Vixen nalang ngayon ang pilit pumipigil sakanya. "Daemon, please naman, o! Itigil mo na 'to, hindi na maganda itong ginagawa mo!"
"Hindi! Hindi ako titigil hanggang hindi ko siya nahahanap kaya kung gusto niyong tumigil ako ilabas niyo nalang siya. Marga! Lumabas ka na, please! Kung may problema tayo pag-usapan natin 'to," muling nagpatuloy si Daemon sa paghahanap. Iniisa-isa nito ang bawat kuwarto, buti nalang ay wala ang mga magulang ni Vixen.
"Dae---" susundan pa sana ni Vixen si Daemon pero nagulat siya nang bigla siyang pinigilan ni Nomi.
"Hayaan mo na siya, wala rin naman siyang mahahanap e," kalmadong sabi ni Nomi.

BINABASA MO ANG
Possessively
RomanceShe is Margarette Del Monte, the most unrecognizable woman in town. She used to be a nerd and a bookworm in school. She's invisible in the eyes of everyone like she doesn't exist in this world but it all ends when Daemon Alcantara comes into her lif...