-----------------------------
~•Warning•~
-----------------------------
*THIRD PERSON'S POV*
Ang aso at pusa kahitsaan dalhin, anumang lugar o oras basta nag-krus ang kanilang mga landas ay siguradong magpapatayan sila.
"Ano ang pakay mo kay Marga?" Daemon asked in low, heavy voice to the man walking sluggishly behind him.
"I am not oblige to say that to you. At anong mapapala ko kapag sinabi ko sayo?" Gian answered playfully.
"Layuan mo na siya! Huwag mo siya paglaruan!" agad nilamon ng galit ang mukha ni Daemon. Sa tono palang ng pananalita nito ay alam niya nang hindi ito gagawa ng mabuti.
"And why should I do that?"
Gusto man niyang sagutin si Gian ay hindi niya magawa. Ayaw niyang ipaalam dito ang tunay niyang nararamdaman kay Marga dahil siguradong gagawin niya lamang itong alas upang saktan si Sera sa pamamagitan niya. Iyinukom niya ang kanyang dalawang kamay sa labis na panggigil. Hindi niya makayanan na nakikita ang taong mahal niya na palihim na sinasaktan ng taong kanyang kinamumurian. Malakas ang kutob niyang may binabalak itong masama kay Marga at pati narin kay Sera.
Masakit man isipin pero hindi niya mababago ang katotohanang hawak ng numero uno niyang kaaway ang taong pinakamamahal niya na siya ring pangunahing kahinaan niya.
"Bakit hindi ka makapagsalita? At bakit gusto mong hiwalayan ko si Marga?"
Lumapit si Gian sa kinatatayuan ni Daemon. Batid niya ang naglalarong inis at galit sakanya ng taong ito. Ngumisi siya dahil unti-unti niyang naisasakatuparan ang kagustuhan niyang buwisitin ang kanyang kaaway.
"Hindi kaya dahil siya naman talaga ang mahal mo?" nagitla si Daemon sakanyang narinig mula rito. Paano ito nagkaroon ng ideya na may espesyal siyang pagtingin kay Marga? Iyan ang katanungang agad na pumasok sa isip niya.
"H-Hindi ko alam ang sinasabi mo!" pagtanggi niya kahit alam niya sakanyang sarili na tama ang hinala nito. Ngunit kailangan niya itong ilihim upang maprotektahan ang dalawang taong mahalaga sakanya.
"Kaya pala dalawang beses mo siyang iniligtas, aah hindi.....tatlong beses!" mabilis na lumingon si Daemon kay Gian. Agad na nagtagis ang kanyang mga bagang na kasing higpit ng pagkakayukom ng kanyang mga kamao.
Alam nito ang nangyaring pagtangkang panggagahasa kay Marga. Isang konklusyon ang agad na pumasok sa kanyang isipan, may kinalaman ito sa lahat ng nangyari.
"Ikaw! Ikaw ang nagpagahasa kay Marga. Inutusan mo ang mga tao mo na gahasain siya!" galit na wika ni Daemon na ngayo'y nagpipigil na huwag gumawa ng hindi kanais-nais.
"Not at all. Wala akong kinalaman noong una siyang pagtangkaan ng mga tao ko pero nang malaman ko na iniligtas mo siya, doon palang ako nakialam."
Sa isip ni Daemon ay ilang beses niya na itong minura at pinatay. Tama ang kanyang hinala, siya nga ang may pakana no'n. At ngayong nagkaroon na siya ng pruweba, hindi siya mag-aatubiling sabihin kay Marga ang lahat ng kagaguhang ginagawa sakanya ni Gian. Galit parin ito sakanya at hindi niya sigurado kung maniniwala o makikinig ba ito sakanya pero gagawin niya ang lahat mailayo niya lang ito kay Gian.
"Hayop ka talaga!"
"Matagal na, Daemon. Hindi ka parin ba sanay? At dahil iniligtas mo siya ng ilang ulit, doon ko napagtanto na mahal mo nga siya pero paano ba 'yan? Ako ang mahal niya."

BINABASA MO ANG
Possessively
RomanceShe is Margarette Del Monte, the most unrecognizable woman in town. She used to be a nerd and a bookworm in school. She's invisible in the eyes of everyone like she doesn't exist in this world but it all ends when Daemon Alcantara comes into her lif...