Chapter 17

304 26 2
                                    

--------------------------------
~•He's Back•~
--------------------------------




*MARGA'S POV*




Hindi pwede 'to. Kailangan may gawin ako. Tumingin ako sa mga babae sa likod ko.

Alam ko na.

Kinausap ko ang mga cheerleader at ilang babae na makipagcollaborate sa'kin, noong una sinungitan nila ako at hindi pinakinggan pero nang sabihin ko na para ito kay Daemon ay napapayag ko naman sila. Sinabihan ko sila na mas lakasan pa nila ang cheer nila, baka sa ganitong paraan bumalik si Daemon sa dati niyang mood. Sumama narin sa'min sila Nomi at Vixen.

Humiram ako ng banner at idinikit ito sa katawan ng mascot na suot ko. Kumuha rin ako ng pompoms para maging convincing para sakanya ang aking pagiging mascot slash cheerleader.

"Okay. 1! 2! 3! Go!!!" bulong ko.

"GO DAEMON!!! GO BLACK PANTHERS!!! GO GO, WE LOVE YOU, AHA-AHA WE LOVE YOU!!!"

"GO DAEMON!!! GO BLACK PANTHERS!!! GO GO, WE LOVE YOU, AHA-AHA WE LOVE YOU!!!"

Dumagundong sa buong covered court ang cheer namin. Mas malakas, mas maganda. Agaw atensyon kami ngayon sa mga audience, talo namin yung fansclub ng kabilang team. Tinignan ko si Daemon, huminto siya at saglit natigil sa paglalaro. Kumunot ang noo niya at mas lalong nagsalubong ang kanyang dalawang kilay habang nakatitig siya sa'kin. Kapag nagreklamo pa siya ewan ko nalang pero hindi iyon ang nangyari, unti-unting nag-iba ang ekspresyon ng mukha niya at nakita ko sa mukha niya ang munting ngiti na ilang oras ding nawala sakanya.

"DAEMON!!!" pinalakpakan siya ng coach nila upang kuhanin ang atensyon niya, napalingon naman siya dito. "Ano pa'ng ginagawa mo diyan?!" para naman siyang nagising at muling tumuloy sa paglalaro.

"DAEMON FOR THREEEEE!!!!" sigaw ng announcer. Nakapuntos na ulit siya sa wakas. Bumalik narin ang laro niya at mas gumilas pa siya ngayon.

Unti-unti akong natigil sa pag-cheer at hinayaan na lamang ang mga cheerleaders na sumigaw ng sumigaw. Bigla kasi akong may naramdamang kakaiba sa dibdib ko, nararamdaman ko naman siya, yung kakaibang feeling kapag lumalalim ang mga tingin ko sakanya. Hanggang ngayon hindi ko parin alam kung ano itong nararamdaman ko.

Natapos ang game na panalo ang Black Panthers. Sila parin ang champion ngayong taon. Sobrang saya, lahat ng tao na nandito ngayon sa covered court ay nagbubunyi. Pinarangalan si Daemon bilang MVP kaya busy siya ngayon sa pakikipag-usap sa press na nag-i-interview sakanya. Samantalang ako eto, busy sa mga taong nagpapapicture sa'kin. Selfie dito, selfie doon, selfie kahitsaan. Nakakapagod, gusto ko na sanang umalis dito para hanapin sila Vixen at Nomi, at para matanggal ko narin itong mascot na suot ko. Init na init at bigat na bigat na ako pero paano ako makakaalis kung ganito karami ang nagpapa-picture sa'kin?

Instant sikat ako ngayon. Tanggalin ko kaya itong mascot na suot ko, lalapit pa kaya sila sa'kin? Ilang saglit pa'y may biglang humila sa kamay ko paalis sa maraming tao.

"Daemon!" siya pala ang humila sa'kin, buti naman para matakasan ko na yung mga taong umaabuso sa serbisyo ko.

"Ano o sino ang naging inspirasyon mo para maipanalo ang game na 'to at maiuwi ang championship?" tanong ng isang reporter sakanya.

Hala, bakit may reporter? Nasa TV ba kami? Sayang naman naka-mascot ako, hindi tuloy makita ang mukha ko.

"Siya!" mas lalo niyang idinikit ang sarili niya sa'kin. "Siya ang dahilan kung bakit kami nanalo." biglang napako ang tingin ko sakanya dahil sa sinagot niya sa reporter.

PossessivelyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon