--------------------------------
~•Love and Sex•~
--------------------------------
*DAEMON'S*
"Hayyy! Naku naman, Marga. Ano ba'ng pinaggagawa mo sa buhay mo at bakit ka nagpakalasing ng ganyan?" sabi ko habang pinagmamasdan ko siyang natutulog sa tabi ko.
Lasing na lasing siya. Hindi naman kasi siya umiinom kaya nagulat ako nang makita ko siyang wala sa sarili kanina, yun pala lasing siya, tsk. tsk. Ngayon lang ako nakakita ng nerd na naglalasing.
Ano ba ang dahilan kung bakit siya nagpakalasing ng ganito? Hindi naman kasi siya iinom dahil gusto niya lang at wala sa bokabularyo niya ang uminom ng alak. Hindi kaya dahil sa nakita niya kanina? Matapos ako halikan ni Sera kanina, napansin ko na nakatingin siya sa'min pero hindi ko maintindihan ang reaksyon ng mukha niya kaya hindi ko rin alam kung natuwa ba siya o hindi. Ang nasisiguro ko lang, nakita ko ang pag-agos ng luha mula sa mga mata niya at hindi ako namamalikmata sa nakita ko, umiyak talaga siya.
Gusto ko sana isipin na nasaktan siya sa nakita niya pero bakit naman siya masasaktan? Wala naman siyang gusto sa'kin. Si Gian ang gusto niya at hindi ako. Ibinalik ko ang tingin ko sa daan at nag-focus nalang sa pagmamaneho.
Hindi ibig sabihin na nakabalik na si Sera ay nagbalik narin ang pagtingin ko sakanya. Marami nang nagbago nang umalis siya at kasama na ro'n ang nararamdaman ko para sakanya. Wala na yung dating pinagsamahan namin at hindi na maibabalik pa iyon, malabo na dahil ngayon ay may mahal na akong iba. Itong nerd na 'to, ito na ang mahal ko ngayon.
Maraming nag-iisip na nagkabalikan na kami ni Sera pero hindi, lagi lang ako nasa tabi niya para protektahan siya kay Gian. Hindi parin kasi siya tinatantanan ng gagong 'yon. Gusto ko sanang sabihin sakanya ang lahat pero nang malaman ko na magkaibigan sila ni Marga ay nagdalawang-isip ako dahil ayokong masira ang pagkakaibigan nila pero kapag dumating ang tamang panahon sasabihin ko rin sakanya ang tunay kong nararamdaman.
Nitong mga nakaraang araw, pilit kong iniiwasan ang nerd na 'to dahil aminin ko man o sa hindi nasasaktan ako kapag nakikita ko siyang kasama si Gian and the worst, mas lalo akong nasasaktan dahil wala akong magawa para ilayo siya sa gagong 'yon. Niloloko lang ni Gian si Marga dahil si Sera naman talaga ang totoong mahal niya. Hindi ko rin maintindihan kung ano ang pakay niya kay Marga pero kung anuman 'yon nararamdaman ko na hindi ito makakabuti para kay Marga. Naiinis ako sa sarili ko, napoprotektahan ko si Sera pero hindi ko man lang maprotektahan ang taong mahal ko.
Inihinto ko ang sasakyan sa isang gilid. Pinagmasdan ko siya habang mahimbing na natutulog, nakasandal pa ang ulo niya sa bintana.
"Hindi ka maganda, hindi ka mayaman, hindi ka rin sweet, minsan may pagkasadista ka at sobrang suplada pero hindi ko alam kung bakit nakuha mo ang puso ko," hinaplos ko ang mukha niya.
Matagal na panahon siyang nasa tabi ko pero wala man lang akong nagawa para mapasa'kin siya.
"Kung noon palang nilakasan ko na ang loob kong sabihin sayo kung gaano kita kamahal ang saya siguro natin ngayon, sobrang saya ko sana."
*THIRD PERSON'S POV*
Sa labis na pag-iisip, hindi na namalayan ni Daemon ang daan na kanyang binabagtas. Huli na nang malaman niyang papunta na pala sila sa kanilang bahay at hindi sa bahay nila Marga. Gustuhin niya mang bumalik ay hindi niya na magawa dahil masyado nang malayo ang naibiyahe nila at paubos narin ang gasolina ng sasakyan na sapat na lamang pauwi sa kanila. Sa huli'y napagdesisyunan niyang iuwi nalang si Marga sa bahay nila tutal ay kilala naman ito ng kanyang mga magulang.

BINABASA MO ANG
Possessively
RomansShe is Margarette Del Monte, the most unrecognizable woman in town. She used to be a nerd and a bookworm in school. She's invisible in the eyes of everyone like she doesn't exist in this world but it all ends when Daemon Alcantara comes into her lif...