-------------------------------------
~•Gian's Revenge•~
-------------------------------------
*MARGA'S POV*
"G-Gian?!!!" bulalas ko.
"Ako nga! Gulat ka?!" pilyong wika niya bago niya ako dinala papunta sa isang madilim na eskinita.
"Bitiwan mo nga ako, Gian! Ano ba'ng kailangan mo sa'kin?!" pinilit kong kumawala mula sa pagkakahawak niya pero masyadong mahigpit ang pagkakapit ng kamay niya sa'kin, masyado siyang malakas para takasan ko nang ganun kadali.
"Ahh!" daing ko nang buong lakas niya akong isinandal sa pader. Otomatikong nanakit ang katawan ko at saglit na nanghina.
"Dati mayroon akong kailangan sayo pero ngayon wala na dahil sinira mo ang lahat ng plano ko, kayong dalawa ni Daemon!" galit na turan niya. Tumalikod siya at sinipa ang isang timba na may lamang mga basura.
Sinira ang mga plano niya?! Sa paanong paraan? At bakit ako at si Daemon ang sinisisi niya?
"A-Anong plano?!!"
"Don't fool me, Marga. Alam kong alam mo ang tinutukoy ko!"
Napaisip ako. Tungkol ba ito sa baby? Pinatulan niya ako dahil gusto niya akong buntisin upang sa ganoon ay magkaroon siya ng anak na ayon sa kagustuhan ng Lolo niya. Gagamitin niya ang bata upang sakanya ipasa ng kanyang Lolo ang kompanya nila.
"Naalala mo na! Lahat ng narinig at nalaman mo, totoo ang lahat ng 'yon," sakanya na mismo nanggaling. Sakanya ko na mismo narinig at sakanya ko narin nakumpirma.
Mabilis kong naintindihan kung bakit siya nagkakaganito.
Dahil nakipaghiwalay ako sakanya nang hindi niya ako nabubuntis posibleng hindi niya naibigay ang nais ng kanyang Lolo at dahil do'n ay hindi na nito sakanya ipamamana ang kanilang kompanya. Mapupunta ito kay Charles na pinsan niya. At ang dahilan ng kanyang pagparito ay upang paghigantihan ako.
Napangiti ako at hindi napigilan ang sarili ko sa pagtawa. Tumaas ang gilid ng labi niya dahil sa itinuran ko. Nagtataka siya kung bakit ako tumatawa sa mga ganitong sitwasyon na maari akong manganib sa ilalim ng mga kamay niya.
"Karma nga naman, napakabilis kung dumating. Mas mabilis pa ito sa inaasahan ko, haha!" wika ko habang tumatawa. Mabilis na nilamon ng galit at inis ang mukha niya.
"SHUT UP!" bulyaw niya na nangyayapos sa galit.
"Haha!" nagpatuloy ako sa pagtawa.
"I SAID SHUT UP!!!"
'Pak!'
Sumubsob ako sa lupa nang sampalin niya ako ng malakas. Masakit ang ginawa niya pero ayokong ipakita na naapektuhan ako. Minsan na akong nagpakita ng kahinaan sakanya at anong nangyari? Sinaktan niya lang ako. At ang taong nasasaktan ay mas lalong tumatapang. Hindi ko na hahayaang maging mahina ako ulit lalo na sakanya.
"Nawala ang lahat ng mayroon ako dahil sayo. Napakapakipot mo, akala mo naman ang ganda-ganda mo e basura ka lang naman na ni-recycle ko upang muling mapakinabangan."
Basura na ang tingin niya sa'kin noon pa man pero sa palagay ko naging basura lang ako matapos niya akong gamitin.
Tumayo ako at hinaplos ang bahaging nasampal niya. "Ang kapal naman ng mukha mong sisihin ako! Sino ba'ng nanloko dito? Sino ang nanggamit? Sino ang naglaro ng damdamin?! Hindi ba ikaw?! Tapos ako pa ang sisihin mo. Ang sabihin mo kinakarma ka na sa lahat ng kasamaan mo, buti nga sayo!"

BINABASA MO ANG
Possessively
RomansShe is Margarette Del Monte, the most unrecognizable woman in town. She used to be a nerd and a bookworm in school. She's invisible in the eyes of everyone like she doesn't exist in this world but it all ends when Daemon Alcantara comes into her lif...