-----------------------------
~•Biyenan•~
-----------------------------
*MARGA'S POV*
Nakaupo ako ngayon sa concrete table dito sa may science park, mayroong seminar ang mga professor ngayong hapon kaya dalawang subjects ko ang bakante, hinihintay ko nalang na mag-uwian para makauwi na ako sa bahay.
Sa mga ganitong pagkakataon talagang nami-miss ko sila Vixen at Nomi, kapag kasi may bakante kaming subject ay magkikita agad kami para magkuwentuhan o kaya ay mag-foodtrip kaso hanggang ngayon hindi parin nila ako pinapansin e. Gusto ko sanang mag-reach out sakanila kaso nahihiya ako. Habang magkasama kami ni Gian malabong magkasundo kami.
Napatingin ako sa gilid ko nang biglang may sumulpot na isang bouquet ng bulaklak sa tabi ko. Napapikit ako at umiling. Kahit nasa likod ko ang taong may hawak ng mga rosas alam ko kung sino siya.
Pambihira! Kahitanong sabihin at gawin ko wala talaga siyang balak tigilan ako. Hindi pa ba siya susuko? Ilang linggo ko na siyang sinusungitan at binabalewala pero hindi parin talaga siya humihinto sa panunuyo sa'kin.
"Wala ka ba talagang balak tigilan ako? Alam mo nagti----" napahinto ako nang malaman ko na mali pala ang hinala ko. Hindi pala si Daemon ang nasa likod ko at may hawak ng mga bulaklak.
"G-Gian, ikaw pala!" nauutal na sabi ko. Nabigla lang ako nang mapag-kamalan ko siyang si Daemon, binibigyan din kasi ako ni Daemon ng mga bulaklak na katulad ng dala niya ngayon kaya inisip ko na siya pa rin iyon.
Umupo siya sa tabi ko at ibinigay sa'kin ang dala niyang mga rose.
"Bakit, may iba ka pa bang inaasahang magbibigay sayo ng mga bulaklak maliban sa'kin?!" tanong niya sabay halik sa pisngi ko.
"Oo, mer...aah-I mean wala, siyempre wala."
Marga, si Gian na ang kasama mo ngayon. Huwag ka nang mag-isip ng kung sinu-sino.
"Salamat nga pala dito."
"Sus, maliit na bagay. Basta para sayo lahat ibibigay ko, susungkitin mga bituin, iikutin buong mundo, habambuhay kang susuyuin mapasaakin lang ang puso mo."
Imbes na kiligin natawa pa ako sa pagiging poetic niya. Ang baduy kasi tignan, hindi niya bagay.
"O, bakit ka natatawa?! Panget ba?" ngumuso siya sa harap ko.
"Hindi, ang ganda nga e. Bihira lang ang nakagagawa niyan, ikaw lang."
Ngumiti siya at yinakap ako ng mahigpit. Habang nasa loob ako ng mga bisig niya, nakararamdam ako ng saya, kapanatagan at kaluwagan pero sa likod nito hindi ko nararamdaman ang buo at totoong pagmamahal.
I felt so guilty dahil hindi ko maibigay sakanya ang buong sarili ko. Ang love story na sinimulan kong buuin sa mga pangarap ko ay parang isang larawang kupas na unti-unting nawawala. Kung may paraan lang para maibalik ko ang dating pagtingin ko sakanya gagawin ko pero sa tuwing susubukan ko agad din akong bumabalik sa simula dahil sa lalaking gumulo sa puso at isipan ko.
"Free ka ba ngayong weekend?!" bigla niyang natanong.
"Bakit?!" balik ko sa tanong niya. Hindi na kasi ako masyadong lumalabas ng weekend simula nang pagalitan ako ni Inay kaya kung sasabihan niya akong gagala kami ngayong weekend tatanggihan ko talaga siya.
"Gusto kasi kitang ipakilala kay mom," bigla ko siyang naitulak dahil sa sinabi niya.
"Ano?! I-ipakikilala mo 'ko sa mom mo, seryoso?!"

BINABASA MO ANG
Possessively
RomanceShe is Margarette Del Monte, the most unrecognizable woman in town. She used to be a nerd and a bookworm in school. She's invisible in the eyes of everyone like she doesn't exist in this world but it all ends when Daemon Alcantara comes into her lif...