Chapter 57

241 4 1
                                        

-------------------
~•Hint•~
-------------------





*MARGA'S POV*




"Ate, pinuntahan nga pala ako ni Kuya Daemon noong isang linggo. Hinahanap ka niya sa'kin. Ano ba talagang nangyari?! Pinuntahan mo raw siya pero umalis ka rin agad," nahinto ako sa aking ginagawa dahil sa tanong ni Clint.

Biglang nabanggit ni Clint si Daemon habang nag-iimpake kami ng kanya-kanya naming mga gamit. Kung maari'y iniiwasan kong mapag-usapan siya dahil lalabas na naman akong kahiya-hiya kapag sinabi ko sakanilang hindi niya ako kayang panagutan.

Lumipas ang ilang minuto pero hindi ko parin nagawang sagutin si Clint. Napatingin ako sa gawi ni Inay, nabigla ako nang malaman kong nakatingin pala siya sa'kin. Malamang naghihintay din siya sa isasagot ko.

Gusto ko mang maglihim sakanila'y katotohanan ang pilit lumabas sa bibig ko. "Oo, pinuntahan ko siya. Sinabi kong sakanya ang ipinagbubuntis ko pero hindi siya naniwala. Pinilit ko siya kahit ilang beses niya akong ipinagtabuyan pero binantaan niya ako na ipapa-DNA test niya ang bata 'pag labas nito at sa oras na mapatunayan niyang sakanya ang bata ay kukuhanin niya ito, at ilalayo sa'kin."

Mababakas sa mukha ni Inay at Clint ang pagkabigla sa sinabi ko. Hindi sila makapaniwala na nagawa iyon ni Daemon sa'kin.

"H-Hindi ako makapaniwalang magagawa niya ito sayo?! Nasubaybayan ko ang paglaki ng batang 'yon. Mabuti siyang bata kahit medyo may pagkapilyo kaya hindi ko lubos akalain na magiging ganito siya kasama!" himutok ni Inay habang umiiling. "At sayo niya pa talaga nagawa ang lahat ng ito. Mali na pinagkatiwalaan ko siya."

"Pero parang hindi naman ganun ang tono niya nang mag-usap kami. Parang nag-aalala pa nga siya sayo e. Kung talagang wala siyang pakialam sayo at sa ipinagbubuntis mo, bakit nag-abala pa siyang hanapin ka," tanong ulit Clint. Marami pa talaga siyang hindi alam.

"Clint, narinig mo ang sinabi ko 'di ba?! Hinahanap niya ako dahil gusto niyang kunin sa'kin ang bata?! Ayokong malayo sa'kin ang anak ko," paliwanag ko upang lubos niyang maintindihan ang sitwasyon ko ngayon.

"Kaya mo siya pinagtataguan p-pero-----"

"Clint, please! Kung maari iwasan mo na siya at pati narin si Gian. Kapag tinanong ka nila tungkol sa'kin, huwag na huwag mong sasabihin kung nasaan ako," alam kong malapit si Clint kay Daemon kaya mabuting sabihan ko na siya ngayon palang.

"Makinig ka sa Ate mo. Sobra na ang ginawa nilang kasamaan at hindi na natin sila hahayaang guluhin pa tayo ulit," paalala ni Inay kay Clint. Naikuwento ko na sakanila ang lahat ng nangyari bago ako mabuntis kaya nawalan na ng tiwala si Inay kay Gian at Daemon. "Lilipat tayo sa ibang lugar at magsisimula ng panibago. Kalilimutan natin ang lahat ng masasamang nangyari at mas mabuting kalimutan niyo narin sila Gian at Daemon dahil isa sila sa mga dahilan kung bakit natin dinaranas ang lahat ng ito."

Malaki ang naging parte ni Gian at Daemon sa buhay ko. Napapangiti nila ako, napapatawa at napapakilig pero may mga pagkakataon na napapaiyak din nila ako. Pareho ko silang minahal. Malaki ang pinagbago ng buhay ko dahil sa kanila. Simula nang makilala ko sila ay hindi na ako naging ordinaryong estudyante lang dahil may mga bagay na dumating sa'kin na hindi ko inakalang mangyayari sa buhay ko.

PossessivelyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon