Chapter 1

1.4K 40 2
                                    

-------------------------
~•Scandal•~
-------------------------



Naglalaro ang makukulay na ilaw sa loob ng isang malaki at madilim na silid kungsaan naghahalo ang usok ng sigarilyo, amoy ng alak, hiyawan at tawanan ng mga tao sa paligid. Walang lugar ang katahimikan sa lugar na ito. Ito ang klase ng lugar na nararapat sa mga taong naghahanap ng init ng katawan.

Ito ang Casa Del Valle, isang underground facility sa ilalim ng isang casino na siyang nagsisilbing pabalat nito.

Mula sa makintab na entablado'y dahan-dahang lumabas ang isang babae na nakasuot ng isang makintab, maikli at hapit na pulang damit na siyang mas nagpatingkad sa kanyang makinis at maputing balat.

"WOOOOOOOOOHHHHHH!!!" mas lumakas ang sigawan ng mga tao sa paligid partikular ang mga kalalakihan.

"Ganda mo, miss!"

"Akin ka mamaya, haha."

"Sarap naman!" sabi ng mga lalaking hayok sa laman.

Karamihan sa mga taong naririto ay mga parokyano ng Casa pero ngayon lang nila nakita ang babaeng ito dito. Sa isip-isip nila'y baka baguhan ito at ang mga ganitong babae ang gustong-gusto nila.

Bata.

Sariwa.

Inosente.

At higit sa lahat, wala pang karanasan sa pakikipagtalik. Ang mga katangiang ito ang hinahanap-hanap at binabalik-balikan ng mga kalalakihan. Ito ang mas nagpapataas sa lebel ng libido sa kanilang katawan.

Tumindig ang babae sa harap ng maraming tao. Pinikit niya ang mga mata niya at kinuha ang lahat ng lakas ng loob sa kanyang katawan. Ito ang kauna-unahang beses na gagawin niya ito kaya normal lang na pasukan siya ng kaba. Inisip niya nalang na nagiisa lang siya sa entabladong ito at walang sinuman ang nakakakita o nanonood sakanya.

Nagsimula nang tumugtog ang isang musika na may mabagal at kakaibang tunog kasabay nito ang unti-unting paggalaw ng katawan ng babae. Wala siyang alam sa pagsasayaw kaya sinundan niya nalang kung ano ang itinuro sakanya ng ibang mananayaw na kasama niya.

"WOOOOOOOOHH!!! YEEEEAAHH!!!"

"GANYAN NGA!!!"

"TODO MO PA!!!"

"IGILING MO PA, MISS!!!"

Muling sigawan ng mga lalaki sakanya.

Nagsimulang gumiling ang kanyang beywang habang ang mga kamay niya ay naglakbay sa kanyang leeg, tiyan at sa iba pang parte ng kanyang katawan. Ibinuklat niya ang buhok niya at tumalikod, doon niya pinagpatuloy ang kanyang pagsasayaw na may kasamang pagkembot at paghaltak ng pwerta.

Halinang-halina ang mga tao sa kanilang nasasaksihan. Para silang nasa isang paraiso kungsaan ang sarap ay makikita sa kanilang mga mata na ngayon ay parang kumikinang dahil sa sobrang pagkamangha.

Nagtapos ang pagtatanghal ng babae sa isang malakas na palakpakan na may kasamang mga hiyawan at pagtawa. Ito ang pinakamagandang pagtatanghal na napanood nila at hindi sila mag-aatubiling bumalik dito upang muling mapanood ang magaling na mananayaw.








*MARGA'S POV*




Pinagmamasdan ko ang sarili ko sa harap ng salamin. Mga ilang minuto narin siguro akong nakatayo dito bago ko isinuot ang aking pinakamamahal na eye glasses, ang salamin na ito ang bumubuo sa pagkatao ko, kapag wala ito pakiramdam ko kulang ako at siguradong disgrasya ang aabutin ko.

PossessivelyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon