------------------------------------
~•Pregnancy Test•~
------------------------------------
*MARGA'S POV*
Nakaharap ako sa salamin habang pinagmamasdan ang itsura ko. Tama ang sinabi ni Clint sa'kin, medyo tumataba nga ako. Hinawakan ko ang magkabilang dibdib ko. "Pati ito lumalaki rin."
Bakit kaya?! Dahil ba ito sa growth hormones dala ng puberty stage?
"Sabi ko naman sayo tumaba ka e," nakita ko mula sa salamin si Clint na nakasandal sa gilid ng pintuan ng kuwarto ko.
"Mukha nga," ngumuso ako sa sobrang pag-iimbot sa sarili ko. Panget na nga mataba pa. Saan na ako pupulutin nito? Sa kangkungan o sa babuyan?
"Bakit ka ba kasi nako-conscious sa itsura mo?" pumasok siya sa loob ng kuwarto ko at sabay humiga sa aking kama. "Nakayanan mong maging panget kaya siguradong makakayanan mo ring maging baboy."
Dinampot ko ang suklay na nakita ko at ibinato ito sakanya. "Array! Ayan ka na naman e! Joke lang, nagbibiro lang ako."
"Wes, hindi ako biro o katatawanan!" usal ko sakanya tapos bigla nalang akong umiyak. Hindi ko naman iniutos sa sarili ko na umiyak ako pero ewan ko ba, bigla nalang bumagsak ang luha sa mga mata ko.
Tumayo siya sa kama at nilapitan ako. "Hoy, bakit ka umiiyak!? Joke lang 'yon!" malambing na sabi niya sa'kin.
Hindi ako nagsalita. Pinunasan ko nalang ang luha at uhog na sabay na tumutulo sa mukha ko. "Haiist, halika nga dito!" niyakap at hinaplos niya ang buhok ko. "Bakit ba napakadali mong maging emosyunal? Hindi ka naman ganito dati ah."
Hindi ko rin alam kung ano ang nangyayari sa'kin. Normal lang naman ito para sa'ming mga babae pero may mali talaga e, hindi ako ganito dati gaya ng sinabi ni Clint.
Simula nang maghiwalay kami ni Clint naging ganito na ako. Gusto ko sanang isipin na siya ang dahilan kung bakit ako nagkakaganito kaso huwag nalang, tinanggal ko na siya sa buhay ko simula noong araw na maghiwalay kami kaya ayoko nang magkaroon pa ng kahitanong koneksyon sakanya at ayoko naring ikonekta sakanya ang lahat ng nangyayari sa'kin ngayon dahil hindi na siya ang sentro ng buhay ko.
*****
Bigla akong nadapa nang makita ko si Daemon at Sera na nagsusubuan ng hotdog sa Science Park. Ang laki ng hotdog na hawak ni Daemon.
"HAHAHA!" tawanan ng mga taong nakakita sa'kin. Huminto pa sila para lang pagtawanan ako habang ang iba naman ay kinuhanan pa ako ng mga litrato. Pati ba naman pagkadapa ko big deal narin sakanila, geeeez!
"Panget na nga lampa pa, haha!" sabi ng isang lalaki na nakaupo sa hagdanan kasama ang mga kabarkada niya. Karamihan talaga sa engineering department mga gwapo pero saksakan nga lang ng kayabangan.
"At iskandalosa pa!" sabi rin ng isang tomboy na kasama niya. "Mantakin niyo nakakadalawang scandal video na siya, tiyaka ano 'yan?! Bakit ka nakapang-nerd na suot?"
Tumayo ako at pinagpag ang palda ko. Hindi ko sila papansinin dahil alam kong walang katotohanan ang mga sinasabi nila. Papatulan ko lang sila kapag may basehan na ang mga ipinaparatang nila sa'kin.
"Baka front line niya lang 'yan para hindi masyadong halata," biglang sumulpot si Ashley harapan ko. "Stop pretending, Marga. Everyone of us already know your true color so stop acting as a camouflage."
BINABASA MO ANG
Possessively
RomanceShe is Margarette Del Monte, the most unrecognizable woman in town. She used to be a nerd and a bookworm in school. She's invisible in the eyes of everyone like she doesn't exist in this world but it all ends when Daemon Alcantara comes into her lif...